Ayah
"Today, class, may bago na kayong seating arrangement." Nagkatinginan kami ni Ram. Waaah! Ayaw ko malayo kay Ram! Syempre no, tropa ko yan eh!
Nung time ko na para ilipat......
"Oh! Eejay, siguro naman hindi ka na mag-iingay dahil tahimik yang si Maguan." Sabi ni Ma'am.
"Aba, tahimik ka raw?!" Bulong niya sakin. Pinanlakihan ko siyang mata dahil nakatingin samin si Maam. Sungit pamo neto, menopause na yata eh.
"Pineda, may binubulong ka ba?" Agad na napa-diretso ng upo si Eejay.
"Wala po ma'am!" Agad namang napataas ang kilay ni Ma'am.
"Sabi ko sayo, wag ka maingay eh!"
"Edi wow."
"Oh! Rojin, dun ka sa tabi ni Maguan." Agad kaming nag-apir nina Eejay. Tapos napatingin ako kay Ram ng nakangiti. Bigla ba namang umirap!
I mouthed "Bakit?". Agad naman niya akong naintindihan at nginuso niya yung katabi niya. Ayaw niya sa katabi niya.
Si Axle. Kaklase naming maganda dahil maputi. Hindi naman ako bitter ah, pero pangit siya! Maputi lang! Tapos napak-arte! As in, NAPAKA PA SA NAPAKA!
Nag-aminan nga kaming magto-tropa nun kung sino ang crush in first sight namin sa classroom.
Si Ram, Eejay at Jonas, kay Axle. Kinainisan ko ng sobra! Di ako nagseselos, kaso porke maganda ganun? Tunguunnnuuhhhh pre! Badtrip, ampota!
Si Jaycee naman, kay Aizel. Maliit kong kaklase pero lakas ng dating. Ang ganda nga niya eh. Nakaka-tomboy ang ganda niya. Yung dimples niya na wala ako. Yung makinis niya na mukha na kabaligtaran ng ma-pimples kong mukha. Yung kilay niyang ang ganda at makapal. Medyo matangos na ilong. Mahabang diretsong buhok.
Si Rojin daw kay Lorianne naman. Si Lorianne tawag namin dun Baluga, pero kahit maitim siya maganda siya. Best friend niya si Aizel kaya sheeemmms, pareho silang ginagawa akong lalaki. Maliit ang buhok ni Lorianne. Magka-height kami. Meron rin siyang konting pimples. Pero ang ganda ng mata niya! Mahaba pilikmata niya.
Ako, nakakahiya mang aminin si Jaycee ang nagustuhan ko. Medyo nahiya nga ako sakanya eh. Inasar nila ako pero, buti nalang sabi ni Jaycee, noon lang naman eh. Patay malisya lang siya. Ayaw ko naman na talaga siya. Tsaka, na-pogian lang ako sakanya noon. Ngayon patagal ng patagal, pa-pangit siya ng pa-pangit.
***
"Hindi kasi, ako kasi made in Dubai ako! Dahil sa Dubai nag-honeymoon ang mommy and daddy ko." Pagyayabang samin ni Eejay. Kakwentuhan namin ngayon si Aizel, Aizel Dela Rosa. Ang crush in first sight ni Jaycee.
"Ah talaga! Hindi naman namin tinatanong! Di ka naman pinanganak dun no kaya anong pinagmamalaki mo?" Bara ni Aizel kay Eejay.
Nakakatuwa siyang kausap.
"Anh pinagmamalaki ko ay......DUN AKO GINAWA! IM PROUDLY MADE IN DUBAI!" Pagmamalaki ni Eejay.
"Edi wow." Tinalikuran kami ni Aizel. Nasa harap kasi namin siya ni Eejay.
"Edi wow zoned. Awts." Pangasar ko pa sakanya.
***
"Guys, sa bahay raw nina Jaycee." Aya samin ni Rojin.
"AYAH!" Nilingon ko agad ang tumawag sa pangalan ko. Si Aizel, kasama si Lorianne at Jamaica.
I mouthed 'bakit?'.
"Ahm. Ikaw magsabi Lorianne." Narinig kong bulong niya kay Lorianne.
"Bat naman ako?" Sabi ni Lorianne.
"Makapal mukha mo eh." Sabat naman ni Jamaica.
"Kesa naman sayo mahiyain." Inirapan ni Lorianne ai Jamaica.
"Ano na nga yun? Paki dali, may pupuntahan pa kam." Sabi ni Ram. Agad akong napatingin sakanya ng masama. Nagtagpo ang mga mata namin. Agad naman siyang nagtago sa likod ni Jonas.
"Gusto mong sumama mag-McDo?" Aya sakin nina Aizel.
Tinignan ko sina Ram, Jonas, Rojin, Eejah at Jaycee.
Sasagot na sana ako nang-"Sa isang kondisyon." Sumabat si Jaycee.
"Si Ayah ang niyaya ko, hindi kayo!" Ang taray talaga ni Aizel. Sinigawan si Jaycee. Haha. Napa-nganga nalang si Jaycee. "So ano, Ayah? Sama ka ba?"
"Uhm," tinignan ko sila Jaycee. "Sorry. Nauna kasi silang mag-aya sakin eh." Nginitian ko pa sila.
Halatang nadismaya sila kaya tumingin uli ako sa mga bugok. Mga bugok na naka-ngisi ngayon.
"Pero, pwede kayong sumama sa bahay nina Jaycee. Diba, Jays?" Sabi ko. Nakakahiya naman kasi sakanila.
"Ha? Andami na natin no!" Tinuro-turo pa niya sina Aizel.
"Yieee. If I know nahihiya ka lang kay Aizel eh." Pangasar ni Jonas kay Jaycee.
"Anong 'if I know' ka dyan? Bakla ka talagang kingina ka."
"Hoy! Ano basta isama natin sila. Kundi sakanila ako sasama." Agad naman silang natigil sa pagbabayangan at nagkatinginan.
"Oo na sige na!" Pasigaw na sabi ni Jaycee.
"Yie. Love talaga niya ako." Sabay yakap ko kay Jaycee.
"Murit. Kapag wala ka kasi, wala kaming maasar." Nagtawanan ang lahat sa sinabi ni Jaycee.
×××
A/N: Dahil 99 na ang readers ko at malapit na sa one hundred ginanahan akong mag-update. Ganyan po kababaw ang saya ng mga writers (di ko po nilalahat) . Thank you po!!!! Vote rin po kayo, please! Thanks po uli! Mwah mwah! :*
At sa mga nadagdag na cast na sina Aizel, Lorianne at Jamaica. Mahal ko kayo! They are my friends for real.
Thank you guys! Keep reading!~AmCupcake_
BINABASA MO ANG
Five is to One
Teen FictionSi Jonas Vallejo na matino-tino rin ng kaunti. Note, kaunti lang. Marunong magseryoso pero minsan lang. Average ang talino, siguro yung tipong pasang-awa. Si Ram Alonzo. Siya yata pinaka-mahina. Laging ngini-ngitian lang ang teacher dahil di ni...