Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

14: Confusion comes in.....

32 4 1
                                        

Third Person's POV

"Bakit kaya absent si Ayah?" biglang bulalas ni Eejay. Sobra kasing curious niya kung ano ba talaga nangyayari kay Ayah. Aaminin niya, miss na niya si Ayah. Sino bang hindi nami-miss ang kanyang crush?

"Sabi ni Ate ko hinihika raw si Ayah." pagsagot naman ni Jaycee sa tanong ng mga kaibigan. Nalaman niya ito nang i-text ni Kuya Aaron si Ate Jairah niya. Textmates kasi yung dalawang yun eh. 

"May hika pala si Ayah?"sabi ni Ram. Bigla siyang nainis sa sarili niya kasi hindi niya alam na may sakit pala si Ayah. Dahil alam na niya halos lahat ng bagay tungkol kay Ayah, ang hika lang niya ang hindi.

"Bisitahin kaya natin?" pagsa-suggest ni Ram. Miss na rin niya kasi si Ayah.

"Oo nga! Sama kayo, Lorianne, Aizel, Jamaica." pagyaya ni Jaycee sa mga babae.

"Pass muna ako. Pagod ako eh." Totoo naman. Pagod si Aizel. Halos araw-araw kasi ang gala nila at wala na siyang time matulog sa hapon. Sa gabi naman nawiwili siyang kausap ang mga ito sa facebook. 

"Ako, baka hinanap na ako ng mama ko." Ang lagiang palusot ni Jamaica. Pero totoo naman. Sa madalasang paguwi niya ng late ay lagi siya napapagalitan ng mama at papa niya. Overprotctive; pwede nang tawaging ganun. 

"Ah! Kung di kayo sasama di na din ako sasama!" Kahit gusto ni Lorianne na sumama ay hindi nalang. Nakakahiya naman kasi kung siya lang yung nagiisang babae sa grupo. Ang pangit tignan.

 "Sama na kayo!" pagpupumilit ng mga lalaki.

"Pass nga muna kami. Ang kulit!" inis na sabi ni AIzel.

"Ay, oo nga. Sabi nga namin; pass na kayo." sabay taas pa ni Jaycee ng dalawang kamay.

***

Nasa harap na sina Jaycee, Eejay, Ram, Jonas at Rojin ng bahay nina Ayah. 

"Ikaw nga kasi kumatok, Ram!"Pagtulak ni eejay kay Ram. Mahina lang ang boses niya dahil baka marinig ng Papa ni Ayah. Oo, alam nilang nandoon ang Papa ni Ayah kaya natatkot sila rito. Una kasing beses niyan nilang makikita ito.

"Bat' ako lagi? Eto si Jonas oh! Matapang yan." pagturo ni Ram kay Jonas.

"Ram, diba sabi mo wala kang inuurungan?" Pag-aakusa ni Jaycee kay Ram.

"Oo nga. P-pero..." Hindi niya alam ang sasabihin. Hindi kasi makahanap ng palusot.

"Ako na nga lang!" Pagpe-presinta ni Rojin.  'Buti naman.'  Sabi ng isa't isa sa sarili dahil sa wakas wala nang turuan na magaganap dahil halos lahat sila ay ayaw ang ideya na kumatok sa bahay nina Ayah ng nasa loob ang Papa nito. 

"Oh, Jaycee!" Nagulat ang lima sa biglaang pagsulpot ng Kuya ni Ayah, si Kuya Aaron.

'Lagi nalang bigla-biglang sumusulpot tong si Kuya.' Sabi ni Ram sa sarili. Dahil tulad ng kahapon ay bigla nalang rin itong sumulpot.

"Kuya!" Bating pabalik ni Jaycee at nag-apir sila. Medyo close sila dahil nga medyo madalas ang pag-punta ni Kuya Aaron sa bahay nila. Alam naman ni Jaycee sa sarili niya na may husto si Kuya Aaron sa Ate niya. Payag naman siya eh. Madalas namang wala siyang pake sa Ate niya.

Five is to OneMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon