10: Samahan ng #HartHart

28 2 0
                                    

Eejay

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ni Lorianne.

"Kakain, movie marathon, harutan at iba pa. Game kayo?" Sabi ni Jonas.

"Ano oras tayo uuwi?" Tanong naman ni Jamaica.

"Uwi agad? Kararating lang eh!" Sabi ko.

"Eh, papagalitan ako ng mama ko!"

"Ayan ka na naman, Jam." Biglang hithit ni Lorianne. "Pakita mo nga dyan sa nanay mong independent ka na!" Dagdag niya pa.

"Jam, grade seven ka na! Hello!?" Pabaklang sabi ni Ram.

"Yuck, Ram. Bakla ka talaga." Asar ko sakanya kaya nagtawana sila.

Ang saya lang sa feeling na may natutuwa dahil sayo. Ang sarap sa feeling na nakakapag-patawa ka. Ang sarap sa feeling na napapasaya ko siya. Siya, si Ayah.

Ang sarap kasi pakinggan ng tawa. Tuwing matatawa siya sa joke ko para akong lumilipad. Alam kong OA nung definition ko pero, ganun talaga yung feeling ko.

Kapag ngingiti siya, ngingiti rin ako. Ang ganda niya, lalo na pagnaka-ngiti. Tapos pala-ngiti pa siya, lalo tuloy lumalaim feelings ko sakanya.

Jsuko! Grade seven palang ako! Bat ganito yung nararamdaman ko!? Tanginag shit!

***

"Anong papanoorin natin?" Tanong ni Ayah.

"Pili nalang tayo sa na-download ko." Sani ni Jaycee sabay saksak ng flash disk niya sa Smart TV nila. RK kasi tong banlad na to eh. Ngayon nga nasa sariling kwarto niya kami. Kakatapos lang namin maglunch ng McDo. Nagpa-deliver nalang kasi kami. Gusto rin naman nina Aizel.

Tsaka, wala yung mama at papa ni Jaycee. Sa barko pareho nagtatrabaho kaya naiiwang mag-isa sina Jaycee at yung ate niyang si Ate Jairah. Si Ate Jairah na okay lang na nandito kami kasi kahit naman siya nagdadala ng kaklase dito kwento ni Jaycee.

"Ayun! Antman!" Bulalas ni Rojin. Kanina pa tahimik to eh, ngayon lang medyo nag-ingay.

"Hii! Wag yan, masyadong boring." Sabi ni Aizel.

"Hoy, babaeng bansot! Makisama ka, sumama ka lang dito." Sabi ni Ram.

Kinurot ni Ayah si Ram sa tagiliran kaya napahiga si Ram sa sakit. "Aray ko naman, Ayah!"

"Manahimik ka nga! Yang bunganga mo no! Babae yang kausap mo, Ram." Pinalo pa ni Ayah si Ram sa pwet.

"Ah talaga, Ayah?" Panimula ni Ram. "Nang sasalat ka no? Gusto mo yung feels ng pwet ko? Ikaw ha!" Tapos pa-cute na tinusok-tusok ni Ram yung tagiliran ni Ayah.

"Asa ka! Tanga lang papatol sayo." Sabi ni Ayah tapos binaling ang tingin kay Aizel. "Zel, sorry ha. Itong bungangang kalabe kasi eh."

Tumango nalang si Aizel.

Sa huli nakapili kami ng papanoorin. 'Must Date The Playboy' nina Kim Chiu at Xian Lim. Choice ng mga babae eh.

Tili ng tili sa kilig. Medyo nakatulong rin naman tong panunuod ng ganito. Nabibigyan akong idea na manligaw.

Alam ko na ang gagawin. Gawa rin kaya akong ube? Ganun kasi ginawa ni Zach e.

Tapos gagawa rin ako ng hashtag namin. Kung sila may #Zachto kami ni Ayah may #EeYah. Samahan pa ng isa pang hashtag, ang #harthart. Ay, ayoko. Baka sa dulo #hurthurt.

×××

A/N: yey! One hundred na viewers ko! Witwiww! Thjanks guys!

Ang short ng update dahil nagfocus ako sa feelings ni Eejay para mabunyag na.

Korni ba yung chapt na to? Drained kasi utak (lagi kong pakusot). Anyways, keep reading guys!

~AMCupcake_

Five is to OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon