Ayah
Kasama ko ngayon si Ram pa-uwi. Hatid niya raw ako eh. Wala na kasi talagang gala simula nung umalis si Jaycee. Nagulat nga kami nung nagleave siya sa group chat. In-add nga daw uli siya ni Eejay pero nag-leave uli siya.
Ayaw pa kasing umuwi neto ni Ram. Pareho lang kami. Kaya tumambay kami ng saglit sa park habang kumakain ng ice cream. Ngayon naglalakad na kami papunta sa bahay ko. Hahatid niya nga ako diba?
Masaya lang kaming nagke-kwentuhan nang makakita ako ng pamilyar na mukha.
"Huy. Itago mo nga ako!" Sabi ko sabay tago sa likod ni Ram. Makakasalubong na kasi namin yung lalaking nanligaw sakin. Ahm hindi pa talaga nanligaw, nagtanong palang kung pwede ba akong ligawan.
Syempre sabi ko hindi pwede kasi bata pa ako. Totoo naman. Pero mas umiiral yung side na di ko siya type. May gusto na kasi ako eh. Pero malaman lang na gusto niya rin ako okay na.
Pero parang mas okay din kung higit pa. HIHIHIHIHI. Talande.
"Ano ba? Ang likot mo." Sabay galaw-galaw niya ng likod niya. Bwisit naman to oh, ang lapit na ni Francis. Mukhang nakakahalata na.
"Ikaw yung malikot. Itago mo nga ako diba?"
"Kahit anong gawin mo di ka makakapagtago diyan. Makikita ka rin niya." Tapos hinila na niya ako. Sakto namang nasa harap na namin si Francis kaya natamaan ko siya. "France,sorry. Likot neto eh." Pagkausao ni Ram kay Francis. Kilala niya si Francis?
"O-okay lang, Ram tsaka Ayah." Bat niya pa nilagyan ng Ayah? Feeling close siya masyado. Sa facebook lang naman kami nagkakilala.
Anong tingin niya sakin sasagutin ko yung panliligaw niya sa chat? Hello!
"I fall inlove with actions not words."
"Kilala mo pala si Ayah."
"Oo naman. Magkahawak pa kayong kamay ah." Sabi niya na agad na nagpatingin sa mga kamay namin. Oo nga no. Tinanggal ko naman agad. Nakakahiya.
Baka isipin niyang kami. Emergesh. Tinanong niya pamo sakin nun kung may boyfriend na ako, sabi ko wala. Ayaw pa nga niyang maniwala eh, ang ganda ko daw para maging single.
Ang sarap lang barahin, anong tingin niya sakin? Cheap? pvta.
"Inggit ka?"
"Psh. Mas gwapo ako." Natawa ako sa sinabi ni Francis. Mga lalaki talaga.
"Gago ka! Maputi ka lang." Sabi naman ni Ram. Loko to! Ang dami ko nang tawa.
"Babawi ako sayo kala mo! Late na ako."
"Buti nga sayo!"
Sinimulan na namin uling maglakad. Sa totoo la tumigil na akong tumawa kaso naalala ko na naman yung kanina kaya natawa uli ako.
"Oh? Anong tinatawa mo dyan?" Napansin ako ni Ram.
"K-kasi yung kanina.....HAHAHA!"
"Anong nakakatawa sa kanina?"
"Eh kasi yu-"
"EEJAY!" biglang sigaw ni Ram. Eejay? Aba. Napatingin ako kung saan siya nakatingin. Si Eejay nga.
Aba, sabi nila may lagnat si Eejay tapos ngayon pagala-gala na? At may kasama pa siyang mga kaibigan niya. Ang saya nga nila eh. Ang haharot pa sa daan eh.
Aaminin ko medyo nagseselos ako sa mga bago niyang kaibigan. Mukha kasing mas masaya pa siya.
"Halika, liko nalang tayo." Sabay hila ko kay Ram papasok sa isang street. Tatagos nalang nyan kami mamaya.
"Bakit?" Gusto kong sabihin na ang awkward naman nun na makita namin si Eejay na masaya kasama mga kaibigan niya. Tapos nagsinungaling pa siya samin.
Nakapang-alis pa sila eh. Isa nga may dala pang supot ng SM. Mukha ngang galing silang SM at hindi parin nagsisi-uwian.
"Nandyan si Eejay? Nakita mo ba siya may iba siyang kasama!"
"Oo nga mukha pa siyang masaya kasama sina Keith."
"Kilala mo yung mga kasama niya?"
"Oo sina Keith, Carl tsaka James."
Yun yata yung mga crush ng kaklase ko. Mga famous eh.
***
Eejay
Kasama ko sina Keith, Carl at James hanggang ngayon. Galing kasi kaming SM. Ang saya palang kasama netong mga to.
Sa totoo lang nabo-boring-an na aka sa Tropang MAK. Wala na kasing gala.
Ayos din para mawala ang feelings ko para kay Ayah. Akala nila di ko sila nakita ni Ram. Nagseselos na talaga ako kay Ram eh. SIya ang pinaka-close kay Ayah.
Lumiko sila kanina sa isang street, iniiwasan ba nila ako? Nagtatampo ba sila? Eh, ang boring na nila eh! Masisi ba nila ako?
Kung magagalit sila sakin..............ako rin.
***
Ayah
What?! Nag-leave si Eejay sa gc? Ano nang nangayayari sa tropa namin. Jusko.
XXXXXXXXX
A/N: Hi Guys! Sorry sa paghihintay sa ud ko and thank you na rin kasi nahintay niyo.
Di ko kasi talaga alam yung gagawin XD Na writer's block ba yun? Ganun ata.
Keep reading!
VOTE*COMMENT*VOTE*COMMENT
~AMCupcake_
BINABASA MO ANG
Five is to One
Teen FictionSi Jonas Vallejo na matino-tino rin ng kaunti. Note, kaunti lang. Marunong magseryoso pero minsan lang. Average ang talino, siguro yung tipong pasang-awa. Si Ram Alonzo. Siya yata pinaka-mahina. Laging ngini-ngitian lang ang teacher dahil di ni...
