Ayah
"RAM!!" pakaway-kaway kong tawag kay Ram. Tumakbo ako palapit.
*BEEEEEEEEP!*
"AYAH!"
Shems.
"Ayah! Baliw ka na talaga no!?" Punyeta. Kinabahan ako don a! Akala ko end of my life na. Akala ko mababawasan na ng maganda sa mundo. "Paano kung nasagasaan ka?! Konsensya ko pa?!" Napatingin ako kay Ram, pokerfaced ako, siya mukhang natataeng galit.
Sa sobrang takot ko niyakap ko nalang siya.
"T*ngina Ram, thank you." Sabi ko habang yakap-yakap siya. Maiiyak na ako e. Traumatized na ba ako? Psycho na ba ako? Madede-depress na ba ako? Tas mamamatay?
'Tangina ang OA mo Ayah'
"Sa susunod nga maging aware ka namang babae ka!" Naglakad na uli kami. Hawak niya kamay ko. "Paano kung nahagip ka nung motor ha?"
Hindi parin ako nagsasalita. Galit siya eh. Mukhang mas matindi pa 'to manermon sa magulang ko ha.
"Forever kong dadalhin yung konsensya ko non sa pagkamatay mo!"
"Walang forever," agad naman niya akong binatuhan ng masamang tingin. Just trying to change the atmosphere pero seryoso talaga siya e. "Tsaka g*go ka ba!? Pinatay mo agad ako."
"Nag-aalala lang ako sa'yo!"
"Concern ka sakin?"
"Oo! Syempre, kaibigan kita." Umamo na siya ngayon. Medyo kalmado pala. Ganto pala itsura niya kapag concern.
"Thank you. Sorry rin." He just tsk-ed.
"O, puta kalma ka na! Buhay pa ako! Buong buo! Still sexy!" Binigyan ko siyang kendi, agad naman niyang tinangap.
'"Mga bata nga naman ngayon. Tsk." Sabi ng lola na nakasalubong namin ni Ram. Ano namang meron? Pansin ko rin pinagtitinginan na kami ng makakasalubong o mao-overtake-an namin.
Tinignan ko likod ko kung may tagos ako. Tae, wala pala ako ngayon.
Tiningnan ko si Ram, pangit parin naman siya. Ah! Siguro sa maganda ako, pangit siya. Ah, okay.
"Ang gulo mo! Ano nanaman ba naiisip mo?" So, galit na siya nyan?

BINABASA MO ANG
Five is to One
Ficțiune adolescențiSi Jonas Vallejo na matino-tino rin ng kaunti. Note, kaunti lang. Marunong magseryoso pero minsan lang. Average ang talino, siguro yung tipong pasang-awa. Si Ram Alonzo. Siya yata pinaka-mahina. Laging ngini-ngitian lang ang teacher dahil di ni...