Ayah
"Yes naman! Dala niya gitara niya!" Inagaw pa sakin ni Jonas ang gitara ko tapos siya na nagbitbit.
Loko 'tong mga 'to, tinopak yata at ang agang pumasok.
Dinala ko kasi Friday ngayon. Vacant ang first period namin, homeroom ba. Pati rin sa monday.
"Nandito ka na pala Ram." Yan na ang bagong hello. Joke. Nandito na kasi si Ram. Himala at ang aga niya.
"Kaninong gitara yang dala ni Jonas? Hindi niya naman dala kanina yan ah!" I made my way papunta kina Jonas na nasa likod. Dun sa may teacher's table.
"Edi sakin." I said na kumbaga sobrang obvious. "Nagtatanong lang." Sabi niya.
"Oh, Ram! Ang ganda ng gitara ni Ayah o!" Kinuha naman ni Ram ang gitara ko kay Jonas.
Tinaob-taob niya ito. Iniikot-ikot ang tingin. Para bang sinusuri niya ito. Anong pinag-gagagawa nito?
"Hoy Ram! Anong ginagawa mo? Dinadasalan mo ba gitara ni Ayah." Sabi ni Eejay kay Ram na nakatitig lang sa gitara ko.
"Hoy, Ram! 'Wag mo namang tingnan ng ganyan gitara ko. Shy type yan." Tumawa sila. Ang benta naman ng joke ko, hihi.
"Hindi, tinitingnan lang quality ng gitara niya." Tapos sinimulan niyang tumugtog.
Tumugtog siyang I'm Yours ni Jason Mraz. Hanep nga e! Ang pangit ng boses. Nakakarindi. Sakit sa tenga, shet!
"Ram, tama na 'yan! Para sa ekonomiya ng Pinas!" Inagaw ni Jaycee yung gitara ko kay Ram. Bumenta naman sakin.
"Ako naman." Nagulat kaming lahat kay Rojin. Kinuha na niya kay Jaycee yung gitara ko. Nagsimula na rin siyang tumugtog.
"Marunong ka palang mag-gitara?" Buffering palang yata sa utak ni Jonas ang nangyayari sa Earth!
"Hindi pa ba halata?" Sabi ni Rojin na nagpatigil sakanyang tumugtog saglit.
"Jonas, plema ka ba?" Bigla na namang na-on ang hypermode ni Eejay.
"Ano namang trip mo?" Tanong ni Jonas.
"Basta tanungin mo nalang ako ng bakit! Dali, gago!"
BINABASA MO ANG
Five is to One
Teen FictionSi Jonas Vallejo na matino-tino rin ng kaunti. Note, kaunti lang. Marunong magseryoso pero minsan lang. Average ang talino, siguro yung tipong pasang-awa. Si Ram Alonzo. Siya yata pinaka-mahina. Laging ngini-ngitian lang ang teacher dahil di ni...