Ayah
Malapit na kami sa bahay nang biglang nagsalita si Kuya.
"Ayah, wag ka nyan mabibigla ha." Sabi niya na pinagtaka ko.
"Bakit? Naka-buntis ka?" Di ko na napigilan. Baka kasi something deep to eh.
Binatukan niya ako sa sagot ko. Ang bad talaga ng kuya ko.
"Ano ka ba naman, Ayah?" simula niya. "Ayaw ko na lumalabas diyan na salita sa bibig mo." Dinuro-duro niya pa ako.
"Kahit naman ako. Ang baho kaya ng hininga mo." Kahit kinakabahan ako dahil galit siya, nag-a-act cool lang talaga ako.
"Ayah, bumabastos ka na. Ayaw ko yan." Tumigil siya. Kahit nasa daanan kami.
"Lahat naman ayaw mo sakin!" Sigaw ko na. Lagi kaya akong inaaway ni Kuya. Nakakainis lang. Feeling ko bugbog na ako sakanya.
"Kasi puro ka mali!"
"Oh, edi ikaw na lagi yung tama! Atsaka bakit mo kailangang mang-batok, ha!?"
"Ta–" natigil ang pagbabangayan namin nang.....
"Ayah! Aaron! Nag-aaway na naman kayo?" Narinig ko mula sa isang pamilyar na boses.
Shet. Dahan-dahan akong lumingon sa gilid ko at nakita ko ang lalaking matagal ko nang di nakikita.
"Dad, ayan na si Ayah." Turo ni Kuya sakin sabay pasok sa bahay. Badtrip sigurado yun, buti nga.
"D-daddy." Sabi ko ng nauutal dahil hindi ako talagang makapaniwala.
Niyakap ko siya sa sobrang saya. Kahit masungit to si Daddy at minsan sobrang strict at pamatay ligaya, love ko parin siya no. Spoiled kasi ako sakanya. Lagi niya ako binibilhan ng gusto ko. Hindi naman lahat kasi syempre may times na gipit kami.
"Kamusta ka na?" Sabi niya.
"Okay lang, Dad." Napangiti ako. Kahit on-war kami ni Kuya nandito naman si Daddy.
"Halika dito, 'nak. Pasok tayo." Kahit ayaw ko pang pumasok dahil sigurado akong nandun si Kuya at galit siya, syempre, pumasok nalang ako. Ano pa bang magagawa ko? Kailangan nasa bahay ako eh. At sa iisa lang kaming bahay ni Kuya nakatira.
"Mom, nadatnan ko itong dalawa na nag-aaway sa gitna pa ng daan." Sumbong ni Dad kay Mom. Tumingin ako kay Kuya at nahuli ko siyang nakatingin sakin.
Tinaasan ko siya ng kilay at inirapan niya naman ako.
"Aaron, diba sabi ko wag kang umiirap. Hindi ka naman bakla diba?" Natawa ako sa sinabi ni Daddy.
I mouthed. 'Buti nga sayo!' Sabay labas ng dila para pangasar sakanya.
"Opo." Sagot niya nalang.
"Ayah, alam ko yang ginagawa mo." Sabi naman ni Mommy. "Kayo talaga. Dalawa na nga lang kayong magkapatid nag-aaway pa kayo."
"Si Kuya kaya namamatok!/Yung bunganga kasi ni Ayah." Sabay naming sumbong ni Kuya.
"Aaron? Sinong binatukan mo? Kapatid mo yan, Aaron. Mas nakakabata sayo at babae 'yan." Sabi ni Mommy.
"Eh kasi naman, Mom. Ang bastos na ng bibig nyan ni Ayah." Napataas ang kilay ko at sinabayan ng mabilis na tibok ng puso ko. Ouch, lalabas nang ako ang nauna.
"Paano naging bastos ang kapatid mo?" Tanong ni Dad.
"Sinigaw ba namang naka-buntis ako?!"
"Anong sinigaw? Gawa ka pang kwento mo. Post mo nalang sa wattpad!" Sabi ko.
BINABASA MO ANG
Five is to One
Teen FictionSi Jonas Vallejo na matino-tino rin ng kaunti. Note, kaunti lang. Marunong magseryoso pero minsan lang. Average ang talino, siguro yung tipong pasang-awa. Si Ram Alonzo. Siya yata pinaka-mahina. Laging ngini-ngitian lang ang teacher dahil di ni...
