A/N: Hi po readers! I know I owe you a lot dahil sa tatlong buwan kong di pag-a-update. I lost inspiration lang talaga. But I started this, might as well write until it satisfies me and you, my readers.
Anyways, a part from this chapter happened before the previous chapter happened.
I'm sorry, nilito ko pa kayo. I didn't think of exchanging the chapters arrangement tho. Thank you for understanding. Thank you for still reading Five is to One.
•°•°•
Third Person's POV
"Ang tagal naman talaga ni Ayah." Reklamo ni Jaycee.First day ng klase nila ngayon bilang grade ten. Kasalukuyan silang nasa botanical garden habang hinihintay ang iisang pa-VIP sa kanilang magkakaibigan. Si Ayah.
May pinagusapan silang oras ng pagkikita sa mahigit four years nilang paboritong tambayan, sa botanical garden. Bagnot na bagnot na sila kakahintay kay Ayah.
'Hays. Kala mo sinong kagandahan kasi.' Sabi ni Ram sa sarili.
"Maks!" Sa katamarang isa-isahin ang pangalan ng mga kaibigan ay gumawa sila ng shorcut. Maks tawag sa mga myembro ng tropang MAK. "Halika wala nang masyadong tao sa bulletin board oh!" Turo ni Jonas sa bulletin board kung saan nakapaskil ang mga papel na nag-i-indicate ng section nila.
Inis na pumunta si Ram at Jaycee sa bulletin board. Habang si Eejay ay chill lang na sumunod sa dalawa. Hindi siya naiinis, naboboryo, natatagalan o anuman. Nakasalpak kasi sa mga tenga niya ang ever-reliable earphones niya kaya chill-chill lang siya habang naghihintay sa dalagang paimportante.
"Dali-dali lista mo! Para di tayo pabalik-balik ng tingin." Utos ni Lorianne kay Rojin na agad naghalungkat ng ballpen at papel sa bag niya.
"Bagal." Pagrereklamo pa ng babae.
"Teka lang, Yan. Ikaw nalang kaya no? Utos pa e." Sakto naman na nalabas na ni Rojin ang kailangan at agarang ginawa ang utos ni Lorianne o madalas na nilang tawaging Yan ngayon.
"Aba, Ram! Section one ka!" Nagulat si Ram sa bulalas ni Aizel. Kaya pala di niya mahanap-hanap ang pangalan niya sa listahan ng section three to five, nasa first section pala siya.
"Hala. Nakachamba ang gago." Pangangasar ni Eejay.
Hindi na masyadon nagtaka si Ram dahil alam niya sa sarili pinagbutihan niya sa totoo lang. Sinubukan niya ang kapasidad niya. Naniniwala siyang magaling naman talaga siya, di lang siya magtino. What's his excuse? Nakakatamad raw kasi magtino. Nakakaboring pa.
Pero 'di niya maiwasang manghinayang kaya sinubukan niyang magtino. Nakinig na siya sa lectures ng teacher. Nagsusulat na rin siya ng lectures. Maagang ginagawa ang projects para mapasa sa oras. Hindi kinakalimutan ang assignments. Pinapasa ang quizzes and tests hanggat' sa makakaya niya. At eto na nga! His hardworks have been paid! Section one na siya uli!
"Hala, Ram. Buti ka pa." Malungkot at mahinang sabi ni Jamaica na nananahimik at matahimik naman talaga lagi.
"Oh bakit naman?" Tanong ni Jaycee.
"Syempre section siya." Inggit na bigkas ng dalaga.
"Ikaw ba?" Alalang tanong ni Ram.
"Section two." At tuluyan nang bumagsak ang mukha ni Jamaica.
BINABASA MO ANG
Five is to One
Teen FictionSi Jonas Vallejo na matino-tino rin ng kaunti. Note, kaunti lang. Marunong magseryoso pero minsan lang. Average ang talino, siguro yung tipong pasang-awa. Si Ram Alonzo. Siya yata pinaka-mahina. Laging ngini-ngitian lang ang teacher dahil di ni...