20: Kenneth Astle

16 2 0
                                    

Ram

Ayaw nila maniwala sakin. Sinabi nang presko yung Astle.

Nakakainis yung presensya niya. Ewan ko ba. Ramdam ko na kasing iba timpla niya e. Dahil nasa may likod siya di ko masyadong kita behavior niya. Pero nung dumaan siya pucha lakas ng hangin!

Isa pa pala, kanina kadating namin nina Ayah alam ko yung titig niya ay Ayah eh. Bakit? Ganun ko din siya tinignan nung una ko siyang makita. Galawan eh.

Tinignan ko si Ayah na nakatingin lang kay Astle"habang natawa dun sa kinginang joke. Putcha.

"Oh, how funny of you, Mr. Astle." may pahawak-hawak pa si ma'am na hindi ko pa alam yung pangalan sa dibdib niyang tama lang. Err. "So ngayon ka lang ba nakapunta sa Pinas?"

"I can obviously understand and speak Filipino, Miss. So no, it's not my first time."

"Oh. Can we know the reason why a person from New York picked this school to start with?" Uyta, daming tanong.

"Well, I like it here. Ayoko na rin po malayo at pahirapan sina mom and dad."

"Okay. Thank you Mr. Astle, you may sit now." Sumunod naman ang tanga.

Sa may likod siya kaya talagang dadaanan nya kami nina Ayah na nasa may bandang gitna. Kita ko namang sinundan siya ng tingin ni Ayah at nagtapo yung mga mata nila. Edi wow. Nakita kong kumurba ang mga labi ni Ayah para nginitian siya, nginitian naman siya pabalik.

"I think Mr. Astle is the last one, yun lang ay kung wala na akong nakalimutang tawagin." sinagot naman 'to ng mga kaklase kong kahit grade ten na ng isang mahabang 'wala po'.

"Okay. Ililinaw ko lang ang lahat, especially sa transferees, no one would be given a special treatment here in my class. Everyone will be and shall be respected and treated equally. Understand my children?"

Sinagot namin ng mahabang, "Yes ma'am."

-

"Oy guys alam niyo ba."panimula ni Jaycee.

"Mukha bang may alam si Ram?", AKO NA NAMAN?? Pinanliitan ko ng mga mata si Rojin. Natawa pa ang adik.

"Ano yung di pa namin alam?" tanong ni Ayah.

Naglalakad kami ngayon papuntang botanical garden. Lunchbreak. Oo, lunchbreak. Dahil malaki pa ang school nakapagpatayo pa ng panibagong building at ngayon, whole day na kami.

"Yung Kenneth nakatira yun sa gilid nung kaharap naming bahay." Sabay sabay kaming napatingin sakanya ng magkasalubong ang kilay. Lalo na ako no., Kenneth na naman eh. Sa lahat ng subject siya lang lagi pinapansin. Kaurat.

Rojin

"Oh, talaga?" sabi ni Ayah nang makapag-sink in na ata sa utak niya yung sinabi ni Jaycee. May halong excitement sa boses niya, alam ko yun. Halos kabisado ko na naman siya e, sa tagal ng pagkakaibigan namin.

Alam kong ako ang pinaka-close kay Ayah. Well, ewan ko lang talaga kay Ram. Pero mukha ngang ako dahil sa parehas kaming church na ina-attend-an tuwing Sunday. Kapag may activities pa sa church ay nakakasama ko rin siya tulad sa campings.

"Ang saya mo na yata?" nakangising sabi ni Jaycee. "Ha, oo nga!" dagdag ko naman.

Si Ram, wala lang, bagsak balikat.

"Hindi man ako gaanong masaya katulad ng iniisip niyo." panimula ni Ayah. "Pero nung last two weeks ata yun, pinuntahan kita Jays kaso wala kayo."

"Anong gagawin mo sa amin?"

"May pinabibigay si Kuya ko kay Ate mo. Eh wala naman kayo dun pero tumambay ako sa harap niyo kasi akala ko baka nag-basketball ka lang ganern." Patuloy lang kaming nakinig sa sinasabi niya. "Tapos, ayun nakita ko silang nag-aayos ng mga gamit nila."

"And?" Napakunot ang noo namin nang nagtanong ng ganon si Ram. Napataas ang isang kilay ni Ayah. Sabay bungisngis at yuko habang umiiling. Malinaw ba pagkasabi ko?

Halatang di niya mapigilang ngumiti at mukhang di niya mahanap ang mga tamang salita para dugtungan yung sinabi niya kanina. Naghintay lang kami hanggang sa nagsalita rin siya ng matamis parin ang ngiti.

"Wala lang ang gwapo niya lang kaya nung nilapitan niya ako para kunin yung number ko, binigay ko naman."

Micdrop.

xxx

Author's Note:

Yey! FInally an update after almost a year! Finally my brained worked! Magbunyi. Salamat sa mga sumusoporta and sa patuloy na suporta kahit matagal akong mag-update! Salamat!

Five is to OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon