11: Kuya Aaron and Ate Jairah

23 2 0
                                    

Ayah

*cellphone ringing*

Agad kong kinuha ang cellphone ko para masagot ang tawag na nagputol sa kilig na nararamdaman ko. Nandun na ako sa pagtatapat ni Zack na siya si Empoy eh!

"Hello? Bat ka tumawag?" Panimula ko.

[Umuwi ka na daw sabi ni Mommy. Hala....lagot ka.] Sabi ng kuya ko sa kabilang linya. Si Kuya Aaron ko na gwapo daw pero saksakan ng kapangitan at katangahan. [Aaron! Wag mo na lokohin kapatid mo.] Narinig ko si Mommy sa kabilang linya.

Tinawanan ko siya. Kahit wala ako sa harap ng kuya ko, na-imagine ko siyang umirap ng pabakla.

[Opo. Oh, Ayah. Narinig mo yun?]

"Malamang no, Kuya."

[Hay. Nasaan ka ba?]

"Kina Jaycee." Sabi ko at bigla namang umeksena si Jaycee. "Hi. Kuya Aaron!"  Lumapit pa siya sa phone ko.

Tinulak ko yung mukha niya. Ang lapit kaya, nakakailang!

[Sunduin kita.]

"Ihh! Kuya wag na!"

[Kapag di pa nyan kita sinundo di ka pa uuwi eh!]

"Uuwi na nga ako agad!"

[Ah! Basta, susunduin kita. Papunta na ako.]

"Alam mo bahay nina Jaycee?"

[O-oo naman!]

"Yieee. Dahil kanino? Dahil kay Ate Jairah?"

[Manahimik ka Ayah! Papunta na ako!]

"Ah. Ingat ka kuya. I love you."

[Yuck! Pero, I lo–]

*toot toot toot*

Binabaan ko na siya ng telepono. Ayaw ko muna marinig yung 'I love you' niyang iyon. Nangririndi ako sa kuya kong pangit.

Aaron

"Yuck! Pero I lo–"

*toot toot toot*

Five is to OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon