Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

15: Choice

35 3 1
                                        

Jonas

Kanina ko pa talaga iniisip yung sinabi ni Rojin. Sa lahat naman ng makakaagaw ko kay Ayah, si Rojin pa! Si Rojin na kaibigan ko!

Kanina pagtapos ng pag-amin ni Rojin nag-act-okay lang ako. Yung binigyan ko pa nga siya ng advice eh. Ewan ko naghanap agad ako ng sasabihin at mapilit siyang si Jamaica ang gusto niya. Ang kulit niya, di daw siya makapili sa isa.

Gusto ko si Ayah. Gusto rin siya ni Rojin? Takte.

Sa sobrang lutang ko hindi ko napansin na nandito na pala si Mama sa loob ng kwarto ko. Ano ba naman 'tong si Mama. Tinuruan akong kumatok pero siya hindi marunong.

"Jonas, tinatawag ka namin kanina pa nina Joanna." Sabi ni Mama

"Bakit, Ma? Ano yun?"

"Kakain na tayo. Tsaka nandito sina Jimari." Si Jimari?

"Jimari? Bat' sila nandito?" Si Jimari kinaayawan ko nung bata kami. Ang dikit kase. Rugby ata yung babaeng yun. Maraming nagsasabing bagay daw kami, eh ang bata pa kaya namin nun!

"Malamang, anak, bumibisita. Bakit? Hiya ka no?" sabay kurot pa sa tagiliran ko. Hay. Ilang beses ko bang sasabihin kay Mama na ayaw ko sa babaeng madikit na yun?

"Ma, ayaw ko si Jimari." Magkaibigan kami ni Jimari, hanggang dun lang. May gusto sakin si Jimari. Inamin niya sakin noon sa chat noong grade six kami.

Bigla nalang siyang nang chat noon. Nagulat ako kasi naalala pa pala niya ako.

"Ayaw mo? May gusto kang iba?"

"Ma naman eh!" Ayaw ko ng topic na ito kasi sigurado akong mangungulit si Mama. Ayaw kong malaman niyang si Ayah ang gusto ko. At gusto rin siya Rojin.

"Kaya ba lutang ka simula noong umuwi ka?"

"Ihh, Ma. Tara na, baba na tayo." Sabay tayo ko. Wala na akong pakielam kung di ako maayos na tignan. Si Jimari lang yun atsaka yung Mama niya; si Tita Jinn.

"Jonas, kwentuhan mo naman ako."

"Ma, wala akong kukwento sayo."

"Alam kong meron, Jonas. Wala ka bang crush?" Mama ko naman. Juskooooo. Why so kulet? Kung di ko lang mahal tong si Mama eh.

"Meron syempre." Sabay labas ko ng ngiti kong pang-aso yata at upo sa tabi ni Mama.

"Sino?"

"Ih, Ma." sabi na nga ba. 'Sino' ang sunod na sasabihin ni Mama. "Baba na tayo, Ma. Hinihintay na tayo ng mga yun."

"Sige na nga anak mukhang hindi mo talaga sasabihin." nakita kong may lungkot sa mga mata ni Mama.

"Tampo ka nyan, Ma."

"Oo nga. Tampo ako. Pero okay lang, 'nak. Binata ka na."Natawa nalang ako sa sinabi ni Mama.

Nang nasa baba na kami nandon nga sina Jimari at Tita Jinn. Dalaga na si Jimari. Natuto nang manamit. Umarte

Ayoko sa babaeng maarte manamit. Tignan mo ngayon si Jimari, naka maong-panty. Ewan ko ba dyan. Ang ikli eh. Uso na pala maong -panty? Psh. Pero sabi nga ni Joanna kapag pinapagaitan ko siya;

"Kuya, ako nagsusuot ng damit hindi ikaw. Ang mga babae kapag nanamit, i-appreciate mo. Ang hirap kaya pumili ng isusuot. Gusto namin maging presentable at maganda sa mata. I-appreciate mo, Kuya. Dahil kapag nagsuot kami ng damit, confident kaming i-rampa yun tapos sasabihin mo pangit? Masakit kaya no."

Yan ang sinabi sakin ni Joanna na lagi kong natatandaan. Ang bait ng kapatid ko mo?

***

"Oh, anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Joanna na bigla nalang pumasok sa kwarto.

Five is to OneMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon