Spur Of The Moment

30 1 0
                                        

Chapter 28

Klien's (POV)

Naging malaking palaisipan sa akin ang babaeng naka one-night stand ko, actually hindi ko na sya hinanap. Ewan na duwag ako. A part of me says that wag na, dahil para saan pa? Siguro naman alam ng taong iyon ang pinasok niya at isa pa lasing ako ng gabing iyon, alam ko naman na hindi dahilan iyon but what can I do? Wala naman akong nararamdaman sa taong iyon aside for being grateful dahil nawala ko na ang virginity ko at kinuha niya iyon. And it's a guy thing na minsan hindi kailangan espesyal ang una nila basta malabas lang sexual release na maramdaman nila. Kaso nga lang kilala ko ang sarili ko na hindi ako ganun, maybe hindi ko pinag-isipan ang bagay na nagawa ko and I admit it was unexpected. It was spur of the moment dahil ang first time ko ay isang one-night stand na never I would imagine I would do.

Sana lang talaga ay hindi ko nabuntis ang babaeng iyon dahil alam ko, hindi ako naging maingat. I had an unprotected sex, even though I remember the sensation, hindi ko naman matandaan ng kabuoan ng gabing iyon at tungkol sa sakit naman na makukuha ko sa kanya virgin din ang babaeng iyon, siguro naman wala siyang sexual disease o ano mang sakit? I heave a sighed.

"Kamusta?" Nagulat ako kay Taylor ng nilapitan niya ako at sinabi iyon.

"Ok naman!" May pagtatakang pumasok sa akin kung bakit niya ako nilapitan. I don't know kung bakit may kakaiba akong nararamdaman sa paglapit nito. She smiled at me sweetly and tried to talk to me.

Tapos nagbago, lahat nagbago nawala na ang awkwardness namin we became close again in a simple talked we had in some park outside the university. Everything changes she became my date in the valentines ball, we talk and talk until everything between us became ok na dumating sa point na viola I have her as my girlfriend na bumalik lahat ng nararamdaman ko sa kanya. All the happiness I felt before ay bumalik nung simula sa isang kamusta.

Isang buwan na ang nakakalipas simula ng araw na iyon one week na kaming nagkabalikan ni Taylor because we decided to start anew walang lokohan walang gagohan.

We became official again. Wala naman akong nakikitang masama sa pagsasama namin nito dahil parehas naman kami nitong walang baggage. Wala nga ba? Aside from Yushino and I, getting engage on my birthday. Yung ang malaking problema namin and it was a big deal. Alam ko iyon dahil parang ang unfair ng pagkakaroon namin ng relasyon ni Taylor na parang may time limit.

Ang totoo hanggat' maaari ay iniiwasan namin itong mapag-usapan. She said hangga't maaari she wanted us to be happy and I think I do too.

Kakaiba ang pagsasama namin nito dahil parang walang nagho-hold up ng damdamin namin na parang lahat ay gustong bitawan at isugal ang pagkakataon namin, magkasama.

Si Taylor ay isa kong pangarap na natupad. She's my first love and I guess she's my great love too. Hindi na siguro ako magmamahal ng iba pa kundi siya na lang. Akala ko kasi noon na ayaw ko na siyang balikan pero ano ang nangyayari sa akin ngayon, muli she captured my heart. Siguro nga I never did stop loving her kahit na niloko niya ako, kahit na sinabi kong wala na at hindi ko na siya babalikan. All of it ay parang nawala at napalitan ng bagong pagmamahal.

I look around.

Naglalakad ako ng walang direksyon sa buong Ferrer University nang napadaan ako banda sa may garden nito, the place was somewhat refreshing, maganda at maraming iba't ibang halaman na tanim. Nilasap ko ang hangin na umaanggi sa akin mukha at napalinga.

Then something caught my eye it was a beautiful glass garden house and a familiar someone that sitting on a bench inside in the middle of it.

Yumiko?

Tinungo ko ito at pumasok sa loob para malapitan siya. She's I think in a different world hawak-hawak ang mga labi nito.

The Rebound GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon