Break up

39 1 0
                                        

Chapter 34

Klien's (POV)

Hindi ako makapaniwala sa panaginip ko kagabi.

Parang totoo talaga.

Humarap sa akin ang babae at kinabahan ako sa pagharap nito, kumabog ng husto ang dibdib ko na parang may Yumanig sa mundo ko.

Na natatak sa akin isip ang mukha ng babaeng humalik sa akin, sa aking panaginip.

Nagmadali akong bumangon.

Ang alam ko hindi naman ako gaanong uminom kagabi. Hindi rin masakit ang ulo ko dahil kahit papaano ay nakakuha ako ng sapat na tulog pero parang sapong-sapo ako dahil dama ko pa rin ang nangangarera kong puso.

It was just a dream. A nightmare?

Nakita ko sa kabilang kama si Kysler at mukhang tulog na tulog pa na nahihilik.

Bumangon ako at nagmadaling pumasok sa banyo para gawin ang nakasanayan ko na sa umaga.

Mabilis akong kumilos at lumabas ng kwarto, pagkalabas ko doon ay nakita ko kaagad si Kenji na nakaupo sa lamesa ng may maraming nakahatag na pagkain.

Tinapik ko siya sa braso tumango lang ito.

Lumabas naman ang mga kaibigan ni Taylor na si Alicia and Briana, kasunod si Yumiko. Mukhang nag-aasaran silang apat at ang pinagdidiskitahan nila ay ang huli. Siningkitan lang niya ang mga ito ng mata at matamang tumitig sa buffet table nang nagtama ang aming mata. Mabilis naman ang pag-iwas ng tingin ko sa kanya at nabaling sa pagkain ko. Then a vivid image came again to me.

Why? Bakit? Bakit? Bakit?

Sunod sunod kung tanong sa akin sarili na parang gusto ko pang sapakin at batukan.

"Kenji mang-alok ka naman oh. Ito talagang taong 'to minsang selfish mo rin nuh.. Kamusta kayo ni Ma'am ayus ba siya?" tanong ni Taylor dito na tinatapik tapik ang braso ng huli na tila pa inaasar ito na ikinamula naman ng ungas. Hindi naman napigilan ng iba na tumawa ng pinasakan ng pagkain sa bibig ang nobya ko.

Close na talaga sila ano? Napangiti ako sa itsura ng dalawa.

"Hi babe!" Baling na bati nito sa akin pagkalunok nito ng tinapay na isinubo sa kanya ni Kenji.

"Babe pansin ko lang kahapon ka pa tahimik ha! Ako ba ang laman niyan." Sabay kindat nito saken. I could see her playful spirit and somehow an ache hit me. I just nod at her and smile. Umakap ito saken, then without knowing it I kiss her temple. This girl will erase me to the world if she finds out what I'm thinking.

.

.

.
.

Mabilis lumipas ang oras at marami kaming pinuntahan ng araw na iyon. Nag island hopping kami sakay ng banka papunta ng El nido.

"Klien look oh! Ang ganda!" Maligayang tugon ni Taylor na nagpangiti sa akin. Sapat namin ang paligid habang magkayakap sa byahe sakay ng banka.

Nag-snorkeling kaming dalawa pagkatapos at doon nakakita ng ng iba't-ibang uri ng isda. Under the blue sea water of palawan. I kind of enjoyed our moment together.

"Did you see the different kinds of fish Klien! Ang gaganda grabe at ang cute!" she said enthusiastically. Tanging ngiti at tango ang naging tugon ko dito.

The Rebound GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon