Party

159 2 0
                                    

Chapter 4

Raven Klien (POV)

"Saan ka pupunta?" Bungad kaagad na tanong sa akin ng pinakamamahal kong best na may kasama pang pagtaas ng isang kilay.

"Edi san pa!? Edi makikipagdate!"

Kibit balikat kong sagot habang inaayos ko ang kwelyo ng black leather jacket ko na pababa ng hagdan.

Sumulyap naman uli ako sa kanya at tinignan sya mula ulo hanggang paa.

Sabado kasi ngayon at walang pasok, diba sabi ko naman sa inyo na nakatira lang kami nito sa iisang bahay, total kasi mansion ang bahay ng mga magulang ko kaya pinatira nila dito ang dalawang magkapatid na 'to. Actually meron naman talaga silang bahay pero hindi dito sa Pilipinas nasa Japan nga lang, meron silang pag-aari na Ancestral house doon at 3 villa.

Ayaw naman nila mommy na patirahin ang mga ito sa condo dahil walang mag-aasikaso sa dalawa at malaki naman ang mansion na 'to para sa akin mag-isa, kaya minabuti ng both parents namin na dito na lang patirahin ang dalawa, total lagi naman wala sila mom and dad ganun din ang parents nila, dahil sa ibang bansa naka-base ang trabaho ng mga ito at minsan lang sila nauuwi tuwing may okasyon lang o pagmagbabakasyon.

Well dati kasi sinasama nila ako sa mga business trip nila pero simula ng nakabase na ito sa ibang bansa ay pinagstay na lang nila ako dito para mag-aral and mom doesn't want me to be left alone... As if naman no!? Ang dami kong kaibigan kaya! And besides kaya kong mag-isa!

Tapos iniwan na lang sa akin ang dalawang spoiled brat na magkapatid na 'yun! Ano ako caregiver!? Yaya!? Minsan talaga hindi ko gets yung mga parents ko e... Hindi naman sa nagrereklamo ako sa pagpapatira nila rito actually, I like both of them pero kasi minsan kagaya nito pupunahin nya ako.

'Asking me kung saan ka pupunta? Well hello I'm a guy and I have a life! Woman'

Lumapit ako sa kanya na sya naman kinasama ng tingin nito.

'Oh! Come on! Give me a break will you!?'

"Don't you know that is rude to stare!" Untag sa akin nito na nakataas na naman ang kilay...

"Alam mo!? Ang sama na ng ugali mo nahawa ka na kay Kysler..." Balik ko dito.

Ewan ko na talaga kung saan nila mom and dad nakuha ang ideyang ito... The idea of pilitin ang one of there closest friends which is the parents of the Kingsley sisters (Yoshino and Yumiko). To leave with me and the idea para ipakasal ako sa isa sa kanila, di ba sabi ko sa inyo na may balak ang both parents namin na iArrange ang marriage namin, sa ika 20th birthday ko at isa sa kanila ang ikakasal sa akin. 17 years old na ako ngayon, May 2 yung B-day ko samatalang si Yoshino Jan 18, She's also 17 at si Yumiko ay Dec 16, 16 palang sya, may 11 months lang ang pagitan ng dalawa, kaya kaparehas ko, mga collage freshman lang din sila dahil iisang year lang kami pinakanak 1991.

"Makipagdate ka na nga lang! and tsk... Goodluck na lang sa pagpapakamatay mo!" Pang-asar nito habang naiiling at unti-unting nilalabas ang mga dalang maleta.

"Tsk.. Namana mo na yan sa BF mo masama na yan, Tsk... Ka rin..." Balik ko dito.

Kita nyo yun simula ng naging sila ng other bestfriend ko, ganyan na ang trato nito sa akin minsan mabait, minsan caring and most of the time sinusungitan ako... Pero alam ko naman na concern lang sya sa akin, nakikita ko iyon sa mga mata nya.

And sometimes ipinagpapasalamat ko sa parents ko ang pagpapatira nila rito dahil kung hindi baka tuluyan na akong naging bato...

Bato sa kalungkutan...

The Rebound GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon