Chapter 25

152 1 0
                                    

A/N: Hi guys!! Malapit na pasukan huhu wala share ko lang hahaha. Enjoy reading!! Sa phone lang po ako nag-update kaya ganyan. Ieedit ko nalang po pag nakapag ol na ko sa pc.

--------------

KATH's POV

Lahat siguro kayo nagtataka kung paano ko nalaman na magkapatid kami ni Zharm? Kahit ako rin nagtataka kung paano kami naging magkapatid. Nalaman ko lang yun dahil narinig kong sinabi ni papa kay mama. Sakto kasing pag-uwi ko nag-uusap sila at nag-aaway. Oo tama, nag-aaway sila.

*Flashback*

Papasok na ako ng bahay nang marinig kong nag-aaway nanaman ang magulang ko. Kakauwi ko lang kasi kasama si Julia.

"Ano ba naman kasing problema mo ha?"

"Problema ko?! ikaw!" ano kayang problema ni mama

"Ano? Bakit?"

"Wag ka na nga magmaang-maangan diyan! Totoo bang ay anak ka sa ibang babae ha?! Totoo ba?!" ano? may ibang anak si papa?

"Ano bang sinasabi mo diyan ha!"

"Wag mo kong gawing tanga! Nung isang araw may pumunta ditong babae hinahanap ka. Sabi niya sa akin siya daw ang ina nung anak niyo!" wag kang umiyak mama..

"Gusto mo ba talaga malaman ang totoo ha?" tanong naman ni papa. sana hindi to totoo

"Sige sabihin mo lahat." this time kalmado na si mommy

"Nagkaroon ako ng ibang babae, at nabuntis ko siya."

"Ang kapal ng mukha mo! *SLAAAAAP!*" ayoko na ayoko na ang sakit sakit

"Sorry sorry sa ginawa ko."

"Sorry? Sa tingin mo ba ganun kadali yun? Anong pangalan niya? Ng anak niyo?"

"Zharm. Zharm Arriola." Si Zharm? What?!

"Nasaan siya?"

"Nadun siya sa mommy niya."

"Gusto kong makilala yung Zharm. Ipakilala mo na rin siya kay Kath."

"Ano? Ipapakilala niyo sa akin yung Zharm? Ayoko! Hindi pwede!" singit ko sa uspan nila

"Kathryn anak, sorry sa nagawa ko."

"Pa? Sorry? Sa tingin mo ba ganun kadali yun? Bat si Zharm pa ang anak mo? Uggh"

Pagkatapos nun umalis na agad ako at dumiretso kela Julia. Buti nalang at wala sila tita (mama ni Julia), nakakahiya din kasi pag nandun sila. Kwinento ko naman lahat ng nangyari kay Julia at pati siya gulat na gulat sa nangyari. Tsaka sino ba namang di magugulat? Kaagaw mo sa taong mahal mo yung kapatid mo? Grabe naman yun! Pinatigil na din ako ni Julia sa kakaiyak baka daw kasi sipunin at magkasakit ako aww ang sweet talaga ng bestfriend ko. Pero kahit anong gawin ko di ko parin maiwasan ang magalit sa daddy ko eh.

Hindi naman kasi ako makapaniwala na magagawa niya yun sa amin eh. Hindi nga ata siguro alam ni Zharm na may ibang pamilya yung tatay niya eh.

*End of Flashback*

Hanggang ngayon di ko parin maisip na ate ko siya. Pero alam ko na dapat di nag-aaway ang magkapatid. Kaya makikipagbati ako sa kanya. Gusto kong maayos tong problema namin eh. Kaya ko to!

---------------

Hi guuuuuuys! A late update again. Sorry ah? Namental block kasi ako eh. :(( Anw, parang gusto kong i on-hold to. :( Parang lang naman. Di pa sure. :) Anw, sana suportahan niyo pa din to. More revelations soon.

You're All I Need (KATHNIEL) <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon