Hi. Enjoy the update guysss. :))))
------------------------------------------------
JULIA'S SPECIAL CHAPTER
Hanggang ngayon di pa din ako makapaniwala sa nalaman ko. Ako? May amnesia? Tsaka sino naman yung mga taong nasa nakaraan ko? Sino sila? Sa tingin ko tanging si mama lang ang makakasagot nitong mga tanong ko. Tatawagan ko nalang siya.
*Phone Conversation*
"Hello. Ma?"
"Hello. Oh Julia anak! Kamusta na?"
"Ako kamusta? Hindi okay eh."
"Bakit naman anak? May nangyari ba?"
"May nalaman lang po kasi ako."
"Ano bang nalaman mo?" nalaman kong may amnesia pala ako
"Ma. Totoo po bang may amnesia ako?"
"Ha? Kanino mo naman nalaman yan anak?"
"Ma. Sagutin mo nalang ako. Totoo po ba?"
"Oo anak. Totoo. Totoong may amnesia ka."
"Ha? Pero paanong nangyari? Bakit ako naaksidente?"
"Hayaan mong ikwento ko sayo.
*FLASHBACK*
"Hello. Mam? Eto po ba ang magulang ni Ms. Julia Montes?"
"Opo. Sino po sila?"
"Ito po ang doctor ni Ms. Julia."
"Ano? Doctor? ANONG NANGYARI SA ANAK KO? HA?"
"Miss relax lang ho."
"RELAX? SA TINGIN MO BA MAKAKAPAGRELAX AKO?"
"Mam mas okay ho siguro na dito nalang po natin yan pag-usapan."
"Okay ho. Papunta na ako. Saan hospital po ba yan?"
"Sa ********* Hospital po."
"Okay sige ho."
--------
"Doc? Doc? Ano pong nangyari sa anak ko?"
"Dinala po siya dito ng kaibigan niya."
"Sino hong kaibigan?"
"Si Mr. Diego Loyzaga. Nakita niya daw po kasi ang kotse ng anak niyo kaya nilapitan niya ito."
"Salamat po doc. Pwede ko po bang puntahan ang anak ko?"
"Sige po misis. Titingnan ko lang po yung resulta ng mga ginawang examinations sa anak niyo."
"Sige po doc."
-----------
Bigla na lamang nagising si Julia at lumapit naman dito si Diego pati ang kayang ina.
"Julia anak. Ano bang nangyari at naaksidente ka?/Julia anong nangyari? Kamusta ka na? Papunta na dito ang tropa." sabay na tanong ni Diego at ng nanay ni Julia
"Ano? Sino kayo? Nasaan ako?"
"Ano bang sinasabi mo anak? Ano bang nangyayari sayo?"
![](https://img.wattpad.com/cover/1565273-288-k810801.jpg)