Chapter 27

153 2 1
                                    

Niñumi Chapter!!!! Enjoy reading guys!

3rd Person POV

Habang kumakain si Katsumi ay tila hindi siya mapakali dahil kasama ni Niña ang kanyang manliligaw kuno. Na si Jerome Ponce. Samantalang si Niña ay nagseselos din kay Katsumi at Daezen.

'Ang landi talaga nila! Badtrip. Kailangan pa bang abutin ni Kats yang pagkain? Wala bang kamay yang Daezen na yan?' sabi ni Niña sa kanyang isip.

'Eto si Niña. Bat niya pa kasi pinasama yang suitor niyang yan eh. Ngayon ko  dapat siya tatanungin eh. Hayy' sabi ni katsumi sa isip din niya

(A/N: sige diyan kayo mag-usap sa isip niyo! malupit!!! -_________-)

"Ah guys. Teka lang ah. Cr lang ako. Wait lang Jerome ah." sabi ni Niña

"Bakit kay Jerome ka nagpapaalam? Bakit di sa akin?" Katsumi

"Eh ano bang pake mo?"

"Natural may pake ako!"

"Wala akong pake!"

"Niña. Chill ka lang. Gusto mo umalis nalang tayo dito?" singit ni Jerome sa kanilang usapan.

"Sige. Tara! Nakakainis mga tao dito eh."

"Hindi. Hindi ka sasama sa kanya Niña. Dito ka lang. Sa akin ka lang sasama." Kats

"Eh may kasama ka naman eh! Okay lang yan. Mukha namang nag-eenjoy ka diyan sa kasama mo eh."

"Ah eh. Kats, andiyan na pala driver namin. Bye ah. Thanks din sa time." singit ni Daezen

"Whatever." bulong naman ni Niña

"Ikaw pare? Di ka rin ba aalis? May pag-uusapan kami ni Niña." Kats

"Ah sige. Niña alis na ako ah. Ingat ka" Jerome sabay hug kay Niña

"Sige bye. Thanks ah. Ingat ka din." Niña

"Simula ngayon ayaw na kitang nakikitang kausap yun ah."

"At bakit? Ikaw nga kausap mo si Daezen eh. Sinama mo pa sa atin."

"Eh sinama mo din naman ang Jerome na yan ah!"

"Pake mo ba! Ano ba kita?"

"Ano mo ba ako? Kaibigan mo. Kaibigan mong minamahal ka ng higit pa sa isang kaibigan."

"Ano? Anong sabi mo? Mahal? Psh. Eh diba si Julia mahal mo?"

"Julia? Crush ko lang yun. At dati pa yun! Tsaka bat ba di ka naniniwala na mahal kita?"

"Kasi di kapani-paniwala. Ni hindi ko nga nararamdaman eh."

"Kasi manhid ka."

"Hindi ako manhid Kats. Sadyang di ko lang maramdaman. Lalo na sa ginawa mo kanina."

(A/N: Oh edi manhid ma ka nga! HAHAHAHAHAHA)

"Sabihin mo mang hindi ka manhid at sabihin mo ring di mo maramdaman, iisa lang ibig sabihin nun. Mutual lang yung dalawa."

"Anong mutual yang pinagsasabi mo?"

"Parang tayo. Akala ko mutual yung feelings natin sa isa't-isa. Akala ko lang pala."

"Di mo lang kasi alam."

"Anong hindi ko alam Niña? Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin maintindihan na mahal kita?"

"Impossible. Hindi. Ayokong maniwala. Baka masaktan lang ako."

"Di naman kita sasaktan eh."

"Sa pag-ibig, kahit anong gawin mo, makakasakit ka pa din ng tao. Hindi kasi sa lahat ng oras masaya ka."

You're All I Need (KATHNIEL) <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon