Chapter 5 - Our Relationship turns into ...

35 2 0
                                    


JANE'S POV

" Ano may balita na ba ? " tanong ko sa inupahan kong estudyante na nagmamanman kay apple .

" Ako pa ! alam mo naman , magaling ata tayo dyan . "

Inabot nya sakin ang mga litratong kinuhanan nya . Si apple may kausap itong isang lalaki . Moreno , matangkad , at naka eyeglasses . Iaabot ko na sana ang pera sa tauhan ko pero nung akmang kukunin nya na nilayo ko muna ito .

" Sino yung lalaking kasama nya ? "
bumuntong hininga ang kausap ko .

" Sabi na nga ba , tatanungin mo rin kung anong pangalan nya . Gilbert Garcia ang pangalan nya . "

" So ano pwede ko na ba makuha ang bayad mo ? " Inabot ko na ito sa kanya . sabay alis narin nya .

Pinamanmanan ko si Apple kay Aaron tama nga ang sinabi sakin ni Ella na may dumidiskarte nga kay apple . Hindi sa galit ako kay apple . Alam ko rin naman ang ugali ng kapatid ko. Pero ang tamang term para sa kanya ?
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
. BALIW . . .

Baliw sya kapag nagmamahal . Nasaksihan ko yan nung 13 y/o palang si mark . may nililigawan itong babae pero hindi nya sinagot si mark , ang ending kinidnap nya yung babae at pinipilit nyang mahalin sya nito . Nahuli ng mga pulis ang kapatid ko pero sa lakas ng pamilya namin pinakawalan din nila si mark . Habang tumatagal nalululong sya sa ipinagbabawal na droga . Pero isa lang ang nakapagpatino sa kanya at si apple yun .

Kahit lumuhod at magmakaawa ako kay apple gagawin ko basta balikan lang nya si mark , dahil ayokong umabot sa pagiging sakim na naman ang kapatid ko .

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

APPLE'S POV

Katatapos lang ng P.E. subject namin pagod na pagod ako . hindi dahil sa mga exercise . pagod ako dahil sa mga pangti-trip ng mga kaklase kong may gusto kay mark . Hinahagis nila ang bag ko , binabato ng nilamukos na papel , at higit sa lahat tinapunan nila ako ng maduming tubig . Hindi ko alam kung san nila nakuha yun .

Ang bagsak ko ? sa Restroom . naligo ako at nagpalit ng damit . Pero teka dito ko lang nilagay ang pamalit ko ah .

' Nasan na kaya yun ? '

' Paano ako uuwi ? '

Kumuha ako ng towel at nagpunas tsaka ko binilot ang sarili ko dito . Buti nalang uwian na wala ng masyadong estudyante . May naririnig ako sa likod ko na mga nagtatawanan .

" Ano apple ? wala ka bang masusuot eto oh ! suotin mo baka mas bagay sayo ! hahahah hahahha ! " Si Ella yun at ang mga kaibigan nyang akala ko magaganda tinapalan lang ng make-up ang mga mukha .

Tinignan ko lang ang damit na hinagis nila . Ilang saglit lang ng pulutin ko ang damit ay umalis na sila pero tumatawa parin sila .

Sinuot ko ang damit na hinagis ni Ella sakin at madungis yung damit at pants na yun . mukha tuloy akong basurera .

" Psh ! Bahala nalang si Lord sa inyo " Palabas na ko ng gate ng school ay may humatak sa braso ko .

" miss , mukhang ginagabi ka ha ? "

" oi pare mukhang bagong ligo oh , basa ang buhok . hehehe "

Hinawakan ng isang lalaki yung pisngi ko ng akmang hahalikan yun ay sinampal ko kagad ang mukha nya .

" BASTOS KA !! " pagkasampal ko sa lalaki agad akong tumakbo , pero nahuli ako nung isa . hiniga nila ako sa kalsada at akmang huhubaran na ako . Naiiyak nalang ako sa nangyayari sakin . Ipinikit ko nalang ang mga mata ko .

Pero pagdilat ko , wala ng nakahawak sa dalawang braso ko . Tumayo kaagad ako at nakita ko si Gilbert , binubugbog nya yung dalawang lalaki na balak akong pagsamantalahan .

Bago lumapit si Gilbert sakin ay sinuntok pa nya ng isang beses sa mukha ang lalaking himawak sa mga braso ko . Papalapit na sya sa akin , pero bago pa sya makalapit sinunggaban ko na sya ng mahigpit na yakap .

" Salamat ! dumating ka . Salamat at nandito ka para sakin " umiiyak kong sabi kay gilbert .

" Alam mo naman na hindi kita pwedeng pabayaan . Kahit hindi mo na ko mahalin . basta wag mo lang ako paalisin sa tabi mo . " sabi ni gilbert sakin habang nakatitig at inaayos ang nakaharang na buhok sa mukha ko .

" Thank you ! " sabi ko nalang sa kanya .

Pagkatapos ko magpasalamat bigla na lang ako nahilo . . .

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

GILBERT'S POV

Pauwi na sana ako pero nakita ko si apple na pinagtitripan ng mga ibang estudyante . Tinitignan ko lang sila sa malayo .

Tss ! bakit kasi sobra mong bait . . .

Sinundan ko parin sya kahit palabas na sya ng gate . Nakita ko na may humatak sa kanya . Hinatak sya ng dalawang lalaki . at balak pagsamantalahan , ng akmang huhubaran na nila si apple . Tinakbo ko sila at agad sinunggaban ng suntok at sipa ang dalawang lalaki .

Nakita ko na nakabawi na mula sa pagkakahiga si apple . Gusto ko syang yakapin pero pabalik palang ako . Sinunggaban nya na ako ng Yakap .

Yakap na nakapagpahina sa'kin.
Yakap na dahilan kaya bumilis ang tibok ng puso ko .
Yakap na kahit kaylan hinding-hindi ko ipagpapalit .

" Thank you ! " sabi nya sa akin . at bigla na lang syang bumagsak pero nasalo ko sya .

Kung pumayag lang sana sya na ihatid ko sya eh , edi sana walang nangyaring masama sa kanya ngayon .

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Tnx po sa mga bumasa .
pasensya na po kung natatagalan sa pag a-update . comment lang po kung may suggestion po kayo .

END OF CHAPTER 5






Long Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon