" Mark , hijo hindi ka ba papasok ? Ganyan nalang ba ang lagi mong gagawin ? Ang magmukmok dito ? "Ginising ako ng mga salitang yun ni Auntie Grace , kadadating lang nya nung nakaraang araw galing New York ibinalita kasi sa kanya ni ate ang mga nangyayari sakin nitong mga nagdaang linggo .
Kung tutuusin gusto ko na talaga pumasok at magpakita kay apple pero naduduwag ako . Dahil naiisip ko parin ang nagawa kong kasalanan sa kanya . Pero dahil dun sa pagkakamali na yun hinayaan ko syang mapunta sa iba . At yun ang hindi dapat mangyari kahit kelan . Dahil akin lang si Apple . Akin lang sya !
Tumayo ako at naligo na . Ayoko aksayahin ang oras ko ngayon. Magpapakita na ko sa kanya . At ipapamukha ko sa lalaking yun na akin parin si apple .
●○○●○○●○○●○○●○○●○○●
GILBERT'S POV
Naghihintay ako kay Apple sa labas ng gate ng school , pero wala sya hindi sya pumasok . Nagtataka ako ng may namataan akong pulang sasakyan .
Yun din yung sasakyan na nakita ko malapit sa mansion nila Apple . Nagkataon lang siguro .
**
Hapon na , tapos narin ang klase pero anino nya ay di ko parin makita . Pinuntahan ko ang classroom nila at nakita ko ang bestfriend nyang si evelyn .
" Evelyn pumasok ba si Apple?? " tanong ko sa kanya . Hindi sya sumagot kaya nagtaka ako . Hindi naman ganto katahimik si Evelyn eh .
" Ah . . Gilbert mag-ingat ka ha . " palayo na sana ako nun ng marinig ko sa kanya ang mga katagang yun . Mag iingat ?? Saan ??
Napagpasyahan kong bukas ko nalang puntahan si Apple sa kanilang mansyon . Pero kakaiba ang pakiramdam ko .
*Ringgg . . .Ringgg . .
Nagriring ang phone ko agad ko itong kinuha sa loob ng bag ko at tinignan ko agad kung sino ang caller . .
Si Mommy. . . .
" Hello mom ?? " sagot ko sa kanya habang naglalakad ako . . Papunta ako sa convenience store na malapit sa school .
[ Baby , kelan ka ba uuwi dito ?? Miss na miss kana ng kapatid mo ] sabi ni mommy sa kabilang linya . .
" Mom , don't worry I'm going to visit you there . Kahit nandyan si Dad , hindi parin siguro ako handa na humarap sa kanya . "
[ Ok just promise me son , Your going to talk to your father okay ?? ]
" Yes Mom " pinutol ko na ang tawag ni mommy dahil nasa tapat na ako ng convenience store . Habang naghahanap ako ng paborito kong chocolate ay may nakita kong dalawang pamilyar na mukha sa may counter .
Si Aaron at MJ . . .
Ngayon ko lang ulit sila nakita na magkasama . Bigla akong kinabahan ng marinig ko ang usapan nila .
" Baliw talaga yan si Mark , hindi na nga sya mahal ni apple pinagpipilitan parin nya yung sarili nya . " anas ni Aaron .
" Wala tayong magagawa alam naman nating lahat kung gaano sya kabaliw kay apple di ba ?? . . . Kaya ang magandang gawin hayaan nalang natin sila . " sabi naman ni MJ
Hindi na ako bumili , agad na akong lumabas ng store na yun . Kaylangan lang talaga na magtiwala ako kay Apple . Hindi naman nya siguro ako lolokohin . .
●○○●○○●○○●○○●○○●○○●
APPLE'S POV
Maaga ako pumasok , dahil may usapan kami ni Evelyn na pupunta sa event ng kabilang school , wala narin naman kase kami masyadong ginagawa .
Habang naglalakad kami papunta sa kabilang school ay nakita ko ang pulang sasakyan na yun . Tumigil ito sa mismong harap namin ni Evelyn at nakita naming bumaba si Aaron at MJ .
" Apple may nagpapasundo sayo . " sabi ni Mj .
Lumapit sakin si Aaron at hinawakan nya ako sa aking braso . " Hoy !! Ang kakapal ng mga mukha nyo !! Anong karapatan nyong isama ang bestfriend ko ?? "
" Manahimik ka dyan kung ayaw mong mayari kay Mark " sabi ni Aaron na nakapagpatigil ng bibig ni evelyn .
" Aaron,Mj ano bang problema ?? Kung si Mark ang nagpapasundo sakin ay ayokong sumama sa inyo . Matagal na kaming tapos ni mark kaya itigil nyo na 'to " nakita kong nag tinginan lang ang dalawa sa sinabi ko .
Pero bigla nalang may itinakip na panyo sakin si MJ . " Sorry Apple " yan ang huli kong narinig bago ako mawalan ng malay .
***
Nasan ba ako ?? Bakit sobrang dilim ?? Hindi ko maigalaw ang dalawang kamay at paa ko . Nakatali ako !!
Nagpipiglas ako ng may marinig akong tunog na binuksang pintuan .
Nararamdaman kong may papalapit sakin . Tinanggal nito ang piring sa aking mata .At nakita ko si Mark . Nakangisi sya na animo'y isang baliw . " Anong kaylangan mo sakin ? Bakit ako nandidito ?? Ano pa bang kaylangan mo mark !! " bulyaw ko sa kanya .
Ang lalaking nasa harapan ko . Ang lalaking minahal ko noon . Ang lalaking nagtaksil sakin . Si Mark ibang-iba na sya .
Dahan-dahan nyang pinadadaan ang kanyang daliri sa aking mukha na nakapaghatid lalo ng matinding kaba sa akin .
" Kamusta ka na ? Miss na miss na kita alam mo ba yon ? "
" Mark , itigil mo na 'to . Matagal na tayong tapos . May mahal na kong iba at si Gilbert yun " sabi ko sa kanya para matauhan sya .
" Gilbert pala ang pangalan nya hmm. . " nagsisi ako sa sinabi ko . Bakit ko ba binanggit si gilbert?? Tsk !! Sigurado ako na may gagawin syang hindi maganda .
" Wag mong ituloy kung anu man ang nasa isip mo , please mark . Tigilan mo na to . " pagsusumamo ko sa kanya . Pero mukhang bingi ata ang kausap ko at tinawanan lang ako .
Hinawakan nya ang mukha ko at nagulantang ako sa sinabi nya . " Iwan mo sya , bumalik ka sakin at tapos ang usapan , hindi sya masasaktan . " rumehistro sa mukha ko ang takot . Takot na nagpakaba sa buong sistema ko .
Ayokong masaktan si Gilbert . Sya ang naging sandalan at tagapagtanggol ko noon . Nang mga panahong wala na kami ni mark .
" Wag mong gagalawin si gilbert , kundi ako ang makakalaban mo ! "
" Bakit Apple?? Anong gagawin mo ?? Sasaktan mo ko ?? " sinaklot nya ang aking buhok na nakapag pangiwi sa akin .
" Tandaan mo apple , akin ka lang walang ibang nag mamay-ari sayo kundi ako lang , kaya kung ayaw mong masaktan ang gilbert na yun matuto kang sumunod sakin . "
" Isa lang ang gusto kong gawin mo hiwalayan mo sya sa harap ko . Simple di ba ?? " hindi ko kayang gawin yun kay gilbert . Ang saktan sya ang huling nais kong gawin sa buhay ko .
" Pumapayag na ko sa gusto mo wag mo lang saktan si gilbert . "
Napasuko nya ko . Dahil sa pananakot nya . Sana wag dumating ang araw na pagsisihan ko ang desisyon ko na 'to .
Gilbert I'm Sorry . . .
BINABASA MO ANG
Long Lost Love
Teen FictionSi Janeld Apple Tadeo ay isang apo at tagapagmana ng isang malaking kompanya . Halos lahat ng sabihin ng lolo nya ay kanyang sinusunod pero isa lang ang hindi nya nagustuhan sa mga inutos nito . Ito ay ang magpakasal sya sa isang lalaking hindi pa...