Chapter 6 - Real

29 2 0
                                    


Nagising na lang ako na nasa loob na ako ng aking kwarto . Ang huling naaalala ko nagpasalamat ako kay Gilbert .

Bumangon ako at hinanap ang cellphone ko . Tinanggal ko ang buong laman ng bag ko . nang nakita ko yun agad kong dinial ang number ni Gilbert . Nagkapalitan kami ng number nung oras na gusto nya ako ako ihatid pero sabi kong wag na lang .

Nagri-ring lang ang cellphone nya .
Nakailang dial na ako pero di nya sinasagot . Itinigil ko na ang pagtawag sa kanya . At napansin kong may nakalagay sa ibabaw ng side table ko .

Pag-gising mo inumin mo ito .
gawa ko ito para sayo prinsesa ko .

- Gilbert

Nabasa ko ang note na yan kasama ang isang mug ng hot chocolate .

Dug. . .Dug. . . Dug. . .

Bakit ganon ang nararamdaman ko ?
Bakit ang lakas ng tibok ng dibdib ko ?
Bakit parang totoo na yung nararamdaman ko para sa kanya ?

' ERASE ! ERASE ! ERASE ! '

Feeling ko lang siguro yan , Hindi ko sya mahal . . . !?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

GILBERT'S POV

Nandito ako ngayon sa loob ng study room ng Lolo ni Apple . Kasalukuyan tumatawag si apple sakin pero hindi ko ito sinasagot .

" Salamat nga pala sa pagligtas mo sa apo ko . MR ?? "

" Garcia po . Gilbert Garcia po "

" Maraming salamat , Mr . Garcia . Basta sabihin mo sa akin kung may gusto ka o Hilingin at agad kong ibibigay yun sayo . "

" Sa ngayon po sir , wala naman po akong mahihiling . Kasi po ang makasama ko lang po ang apo nyo ay masaya na ako . kaya wala na po ako mahihiling . "

" Bilib ako sayo , tapat ka sa nararamdaman mo para sa apo kong si apple . Basta sabihan mo na lang ako kung may maitutulong ako sayo .
Laging bukas ang offer ko para sayo hijo . "

" Salamat po . Mauna na po ako . "

" Sige mag-ingat ka . "

Umalis na ako sa mansyon nila apple . Pero di parin ako mapakali . Paano ba naman 34 Missed calls galing lahat sa kanya .  Napangiti ako .

Mahal na mahal kita . . Nasambit ko nalang habang nakatingin sa Cellphone ko na wallpaper ang litrato nya .

Pababa na ako ng sasakyan ko ng tumunog ang cellphone ko akala ko si apple ang tumatawag .

pero ang mommy ko pala . . .

" Hi son ! how's your day ?? "

" I'm Fine mom , i'm so tired . I call you first on the morning ok ??  "

" Tsukasa ?? "

" Bye Mom !! "

Pinindot ko na ang end call button .
Naiinis ako kay mommy tinawag na naman ako sa real name ko . Ayoko sa totoong pangalan ko dahil ang walang kwenta kong ama ang nagbigay sa akin ng pangalan nayun .

Pagpasok ko sa kwarto . Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama at natulog na ako .

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

ELLA'S POV

Nandito ako ngayon sa tapat ng bahay nila Mark . Tinxt kasi ako ng ate nya na kung pwede ako muna ang magbantay kay mark . May business meeting kasi si ate jane .

Pagpasok ko sa loob ng bahay . narinig ko ang pagbabasag ni mark ng mga vase sa loob ng bahay nila . Nakatayo lang ako at tinitignan sya .

Paghagis nya ng isang vase tinamaan ako ng ibang piraso nun na nabasag . nagdugo ang paa ko . naka sandals lang kasi ako .

Tinignan ko ang parte ng paa ko kung san ang dumudugo . paglingon ko sa unahan . nakatingin sa akin ng masama si Mark . Tingin na kahit kaylan hindi ko pa nakikita .

Lumapit sya sa akin , hinawakan nya ang leeg ko at isinandal sa likod ng pinto nila .

" ANONG GINAGAWA MO DITO !!?? "

hingal pero pasigaw nyang pagtatanong sakin .

" Pina---pabantayan ka sa akin ng ate mo "

" Pwede ba umalis ka na , wala akong kaylangan ni isa sa inyo . Isang tao lang ang gusto ko . At si Apple yun . "

Lumuwag ang pagkakahawak nya sa leeg ko at nakita ko syang lupasay na umupo sa sahig .

Hinawakan ko ang leeg ko na hawak-hawak nya kanina .

" Mark nandito pa ako , Mahal na mahal ka ! Bakit puro si Apple nalang ang nakikita mo at minamahal mo . Nandito ako para sayo . Mark . . . "

Lumapit ako sa kanya na akmang hahawakan ko ang pisngi nya . .

" Wag mong tangkaing hawakan ako , kung ayaw mong masaktan . Kung tutuusin ikaw ang may kasalanan nang lahat nang ito . Kung hindi mo ko hinalikan at kung sana hindi nakita ni apple yun . ok pa sana kami . "

" Kahit kayo parin naman , nakikipaglandian parin sya sa iba . Paano mo sasabihing mahal ka nya ? "

" Mamahalin nya ako sa ayaw o sa gusto nya ! !  PAPATAYIN KO YUNG LALAKING YUN KUNG KINAKAILANGAN "

Natahimik ako sa sinabi ni Mark , nakakatakot sya . Ngayon ko lang nakita ang side nya na ganyan . Sa tagal naming naging magkaibigan . Ngayun ko lang sya nakitang naglalagablab ang mata sa sobrang galit .

'  tuloy mo lang yang binabalak mo mark pero uunahan na kita . papatayin ko ang babaeng mahal mo para mahalin mo na rin ako . '

Umalis ako ng bahay nila mark at dali-daling umuwi sa amin , gusto kong pagplanuhan ang pagtatangka ko ng masama kay apple. 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

KINABUKASAN :

Maaga ako pumasok sa klase ko , ayoko kasi na umagang-umaga pagtripan na naman ako ng mga ibang estudyante na may gusto kay Mark .

Pagpasok ko sa Classroom , wala yung mga desk namin . ang nakikita ko ngayon 2 silya at isang mesang bilog . may kandelabra sa mesa at mga petals na kulay pula , baso , plato at mga kubyertos .

' Anong meron ? '

Nagulat ako ng may biglang sumulpot na lalaki sa gilid may hawak itong violin at kasalukuyan nya itong tinutugtog . At may biglang nalang may nakatayong lalaki malapit sa may gilid ko at kumakanta ito .

' There are times
When I just want to look at your face
With the stars in the night .
There are times
When I just want to feel your embrace
In the cold of the night
I just can't believe that you are mine now . . .

You were just a dream that I once knew
I never thought I would be right for you
I just can't compare you with
Anything in this world
You're all I need to be with forevermore . . '

" JANELD APPLE TADEO ?? would you be my Real Girlfriend ?? "

Napapaluha na lang ako kasi hindi ko talaga alam ang dapat kong  maramdaman kung masaya o malungkot . pero isa lang ang alam ko ang lalaking nasa harap ko at may hawak na bulaklak , ang lalaking nagpapasaya at nagmamahal sakin .

Bakit nga ba hindi ko ibalik ang pagmamahal na nararapat lang para sa kanya . Aaminin ko , may gusto na ko sa kanya .

" Ahm . . . .Yes ! "

" Yes lang ? "

" Yes Gusto na kita . Ay hindi pala Mahal na Pala kita !! I LOVE YOU GILBERT !! "

At ayun nga Officially na kami na ni Gilbert He Loves me , And i love him . So Much.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Magpropose daw ba ng Umaga .
Hehehe . ^_^

Long Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon