Chapter 10 - I'm Sorry

13 2 0
                                    

Agad akong pinakawalan ni mark pagkatapos ng pag-uusap namin . Ayokong saktan si gilbert . Pero kung hindi ko gagawin yun ay maaring mapahamak sya .

Ayoko sa ideya ni mark pero wala akong magawa . Hawak nya ko sa leeg dahil sa pananakot nya sakin na pagtatangkaan nya ang buhay ni gilbert .

Nakarating na ko sa mansyon pero di ko mapigilang mapaluha . .

Siguro nga hanggang dito nalang talaga kami .

***

Kinabukasan papasok palang ako sa school ng nakita ko ng nag-aabang si mark sa labas ng mansyon .

" Good morning babe !! Ready for today ?? " ang sinasabi nya ay ang pakikipag break-up ko ng harapan kay Gilbert .

" . . . . "  hinawakan nya ako sa balikat at pinisil ito .

" Alam mo na ang gagawin mo , pag di ka sumunod sa pinag-usapan natin ay alam mo na ang gagawin ko . Naiintindihan mo ba ko Babe ?? "

Napatango na lang ako at sumakay na sa kanyang sasakyan .

***

YINKAI University

Nandito na ko sa loob ng classroom, hinihintay ko si evelyn . Hindi ko na alam ang gagawin ko tulirong-tuliro na ko .

Nakita ko si evelyn na kapapasok lang ng room .

" Bhebhe , tulungan mo naman ako . Hindi ko na alam ang gagawin ko gulong-gulo na ang utak ko . . . Mahal ko si Gilbert pero di ko maaatim na saktan sya nila mark . "

" Bhebhe , kung ako ang nasa kalagayan mo hindi ko rin alam ang gagawin ko . Pero wag lang mag alala papaliwanag ko sa kanya ang lahat . "

" Tnx bhe , bestfriend talaga kita . "

Wala na talaga akong magagawa kundi sundin si mark . Nandyan naman ang bestfriend ko na handang magpaliwanag sa lalaking mahal ko .

●——8——8——●

EVELYN's  POV

Humihingi ng tulong sakin ang bestfriend ko . Umoo ako na tutulungan ko sya .

Ako ang magpapaliwanag kay Gilbert kung ano ang mangyayari ngayong araw na ito sa pagitan nila ni apple .

Pero alam kong babaliin ko ang pagkakaibigan namin ni apple .

Matagal na akong may gusto kay Gilbert . Hindi nya na siguro ako natatandaan dahil school mate lang naman kami nung elementary ako .

Pagkakataon ko narin siguro ito na makuha ang lalaking gusto ko .

●——8——8——●

Apple's POV

Nandito ako ngayon sa cafeteria ng university . Kasama kong kumakain si Gilbert . Napapalingon ako saan mang sulok ng cafeteria . Dahil bigla na akong kinakabahan .

" apple, anong nangyayari sayo bakit palinga-linga ka dyan ?? "

" Ha ?? Ah . . Eh . . Wala . Tara kain na tayo . "

Habang kumakain kami ay hindi ko napansin na pumasok sina mark at ang ibang tropa dito sa loob ng cafeteria naguat nalang ako ng may humalik sa aking pisngi .

" Sorry babe, hindi mo na ba ako nahintay . Ngayon lang kami lumabas ng classroom eh . O ?? May kasama ka pala ?? "

Tumayo si gilbert  , kaya pati ako ay napatayo narin . Tumingin sakin si gilbert  .

" Apple  , anong ibig sabihin nito ?? " hinawakan ko si gilbert sa braso .

" Gilbert  , magpapaliw--- " hinatak ako ni mark at pinuwesto nya ako sa harapan nya bale nakaakap sya mula sa aking likod, nakaharap kami parehas kay gilbert  .

" Ako na ang magpapaliwanag babe , Alam mo pare pagpasensyahan mo na ang girlfriend ko . Pinaglaruan kalang nya . May tampuhan kase kami na umabot sa ganting sitwasyon . Gusto nya kase ako pasakitan . Ginamit kalang nya pare . Kaya pagpasensy--- "

Hindi na natapos ni mark ang sasabihin nya . Dahil bigla nalang syang hinablot ni gilbert mula saking likod at pinagsusuntok sya .

Hindi lumaban si mark kaya pinagtulungan ni MJ at Aaron si gilbert . Pinaharap nila si gilbert sa akin .

" app--- , apple di ba hindi naman totoo yung sinasabi ng tarantadong mark na yan . sabihin mo sakin di ba ako ang mahal mo ?? "

" Sige nga babe , sabihin mo na ang totoo sa gagong to ng tigilan ka na . "

Napatingin ako sa mata ni gilbert na hirap na hirap sa ginawa sa kanya nila MJ at Aaron  .

Alam kong masakit para sa kanya ang mga sasabihin ko pero ayoko syang mamatay ng dahil sakin .

" Sorry gilbert, ginamit lang kita . Nagkatampuhan talaga kami ni mark  . Pasensya ka na . Hindi talaga kita minahal . " Tumalikod na ko sa kanya dahil ayokong makita nya na umiiyak ako .

" Masyado kang assuming gilbert , ang queen ng THE FIVE?? Magkakagusto sa isang katulad mong nerd na maitim pa . Tss !! Kawawa ka naman . "

Pagkasabi nun ay umalis na kami . Naiwan lang si gilbert na nakaluhod sa gitna ng cafeteria .

Habang naglalakad kami palayo kay gilbert ay hindi ko maiwasang marinig ang bulungan ng mga tao sa paligid namin .

' yuck !! She's a slut talaga pinaikot nya lang pala si papa gilbert  '

' oo nga !! Tsk akala mo malabirhen ang kinikilos at pinapakita nya pero yun pala nasa loob ang kulo '

Hindi ko sila masisisi dahil yun ang eksenang alam nila , wala silang alam sa eksena kung saan binlack-mail ako ni mark kaya napilitan akong sundin sya .

●——8——8——●

GILBERT'S POV

Nandito na ko sa condo ko . Hindi ko mapigilang hindi umiyak . Matagal ko ng pinangarap si apple na akala ko mamahalin ako ng totoo sa kabila ng itsura ko pero nagkamali ako .

Hindi nya ako minahal .

Ginamit nya lang ako .

Kumuha ako ng alak sa ref at tinungga ko yon . Nakakailang bote narin ako at ramdam kong may tama narin ako . Nang may biglang nag buzzer sa labas ng condo unit ko .

Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko si Apple agad ko syang niyakap . Sobrang nasasaktan ako kanina pero ngayon okay na ko basta nasa tabi ko lang si Apple.

At ang gabing ito ang gabing hindi ko makakalimutan dahil may nangyari sa amin ng babaeng magal ko .

●——8——8——●

Apple's POV

Nandito ako sa loob ng kwarto ko . Iyak ako ng iyak dahil nasaktan ko ang taong mahal na mahal ko .

' gilbert i'm sorry '

' gilbert i'm sorry '

' gilbert I'm sorry '

Hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog narin ako sa sobrang pagod kakaiyak .

●——8——8——●

Mark's POV

" Ayan pare !! Edi masaya ka na , nasasayo na ulit si Apple  . " sabi ni MJ sakin .

Nagpunta ako sa mini bar ng bahay at kumuha ng alak . Pagbalik ko ay bigla akong tinanong ni Aaron .

" Brad !! Anong balak mo kay apple  ?? "

" pakakawalan ko na sya . "

" ANO !! "

" ANO !! "

Sabay pa nilang sabi sakin .

" Kung hindi rin naman ako magiging masaya kay apple. Mas magandang wag narin silang maging masaya sa piling ng isa't-isa . "




Long Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon