Chapter 12 - Lolo's Demand

17 1 0
                                    


" IKAW NA NAMAN !! "

Asik ko sa lalaking nakabungguan ko .

" You stupid woman ! Ikaw na nga ang nakabangga ikaw pa ang galit ??
At isa pa may atraso ka sakin !! " sigaw sakin ng lalaking nasa harapan ko . Ang lakas ng loob na sigawan ako kung di lang talaga ako nahihilo ngayon baka nakatikim na to sakin . Walang manners !!

" Aba't ayos ka rin no ?? Anong atrasong pinagsasasabi mo ?? Eh ikaw nga tong dalawang beses na akong binunggo !! Una sa Tadeo's Building , ngayon naman dito sa bar , sinusundan mo siguro ako no ?? "

" Sinusundan ?? Your dreaming!! Anong akala mo ?? Magkakaintires ako sayo ?? Pagkatapos mo akong sukahan !! " habang sinasabi nya yan ay sadyang pabagsak na ko .

Hanggang sa naramdaman kong nanlalambot na ang dalawang tuhod ko .

At . . .

At . . .

BLACKOUT

●——8——8——●

UNKNOWN's POV

Arghh !! She's totally wasted . Kelan pa sya natutong uminom ?? Ganyan na talaga siguro nagagawa ng mga taong ang alam lang ay manakit ng damdamin ng kapwa .

Wala akong nagawa kundi ang buhatin sya . Sinakay ko sya sa kotse ko , habang inaayos ko ang pagkakaupo nya ay di ko maiwasang hindi mapatingin sa kanyang mukha .

Hinawi ko ang ilang hibla na humarang sa kanyang mukha at pinakatitigan sya .

Ang kanyang mala-anghel na mukha , ang mukha na kahit kelan hindi ko makakalimutan .

Sya ang kauna-unahang babaeng minahal ko at sya rin ang kauna-unahang babae na nanakit sa damdamin ko .

Sumakay na ko sa aking sasakyan at pinaandar ito . Iuuwi ko sya sa mansyon nila . Tutal naman may access pa ako sa loob ng kanilang mansyon at welcome na welcome ako sabi ng kanyang lolo .

*

Pagkatapos ng ilang minutong pagmamaneho ay nandito narin . Ako sa tapat ng mansyon nila .

Pinagbuksan ako ng gate at ipinarada ko ang aking sasakyan .

" Naku sir !! Ano pong nangyari kay mam apple?? " tanong sakin ng maid na sumalubong samin .

" Pakuha nalang po ng cold compress . Medyo lasing po kase si Apple at hindi kinaya ang pag-inom . " sumunod ang maid sakin at diniretso ko sya sa kanyang kwarto .

Inihiga ko sya sa kanyang kama at tinanggal ko ang kanyang high heels .
Nang matapos kong matanggal ang kanyang heels ay sya namang pagdating ng maid .

" sir eto na po yung pinakuha nyong cold compress " sabay abot nya sakin nito at lumabas na .

Habang pinupunasan ko sya ay napapa-ungol sya .

SHIT !!

Hirap nyang punasan nag-iinit ako dahil sa pag-ungol nya .
Lalaki rin ako at nakakaramdam din naman ako ng ganitong klaseng init sa katawan .

Pinagpatuloy ko lang ang pagpupunas ko sa kanya ng bigla syang nagsalita . Mga salitang gustung-gusto kong marinig .

' Gilbert I Love you '

Napapangisi ako At nagngi-ngitngit ang kalooban ko napakadali naman nyang sabihin ang mga salitang yun .
Sabagay mapagkunwari nga , ano ba naman ang aasahan ko sa isang katulad nya .

Lumabas ako ng kwarto nya at dumiretso sa opisina ng kanyang lolo .

Pagpasok ko ay agad ko syang binati .

Long Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon