STARBUCKSAPPLE'S POV
Nandito ako ngayon sa loob ng starbucks , inaantay ko si Kris . May usapan kase kami na iti-treat nya ako ng lunch . Habang naghihintay ako sa kanya ay may nakita akong familiar na babae na papasok sa starbucks .
Hindi ako pwedeng magkamali . Si EVELYN . Ang bestfriend ko nung high school . Anong ginagawa nya dito ?? Akala ko ba nasa Japan sya ?? Hindi man lang nya ako sinabihan na nakauwi na sya .
Nakita ko syang naupo . Hindi man lang nya ako napansin . Tatawagin ko na sana ang pangalan nya ng may tumapik sa balikat ko . Si Kris hindi ko napansin na nakarating na pala sya .
" Sinong tinitignan mo ?? " tanong nya sakin at umupo .
" Familiar kase ang mukha nung babaeng yun " sabay turo ko kung saan nakaupo si Evelyn .
" Ah . . "
Anong ginagawa nya dito ?? Nakakapagtampo sya . Wala man lang syanv message sakin na nakauwi na sya . Habang nakatingin ako kay Evelyn ay may apat na tao akong naaninag sa peripheral vision ko .
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
" Brad !! Dito !! " Ha ??!! Bakit kinawayan ni Kris ang mga yun ?? Kilala ba sila ni Kris . Hindi naman siguro nya kakawayan kung hindi di ba ??Ang apat na taong nakita ko at ngayong kasama na naman sa mesa ay sina . .
.
.
" Long time no see Apple !! " - Mj
.
.
" Oo nga apple , maganda ka parin " - Aaron
.
.
" Kamusta ka na ?? " - Mark
.
.
" Ano ba kayong dalawa ?? Parang kayo ang boyfriend ni apple kung maka-miss kayo wagas !! - EllaTama kayo ng basa . Buo na naman kami . Ang grupo namin . Ang THE FIVE .
" Kris paano mo sila nakilala ?? " tanong ko kay kris na kasalukuyang kumakain ng cake .
" Eh . . Kashe *nyam ganito *nyam ganto yun . " At kinwento nga sakin ni kris ang lahat .
Dati rin pala syang nag-aaral sa dating school namin . Dahil nga sa sikat ang grupo namin nuon at sisiga-siga , nakilala kami .
At hindi ko akalain na isa rin sa mga taga-hanga ko si Kris . Oh well !! Back to reality .
" Guys !! Excuse lang ha . . May kakausapin lang ako ?? " paalam ko sa kanila .
Lumapit ako sa mesa kung saan naroroon si Evelyn at ng makita nya ako sa harapan nya ay nagulat sya .
" Ah . . Ehr . . .Long time no see best !! Hehehe " sabi nya habang hindi makatingin sakin ng maayos .
" Kelan ka pa nakauwe ?? "
" Ah . . Nung isang araw lang best , hindi na kita na-inform kase sinundo ako ng boyfriend ko . " paliwanag nya sakin ng bestfriend ko ng biglang tumunog ang cellphone nito .
" Hello hon ?? "
[I can't make it there hon . ]
" Why ?? "
[There's a problem in the company]
" Ok let's see each other tomorrow "
Nang matapos ang tawag ay biglang tumayo si evelyn .
" Best , pasensya na ha . Next time nalang tayo mag-usap " lumakad ito at dali-daling lumabas .
" Teka -- oy !!?? " hindi na nya ko pinansin at sumakay na sasakyan nito . Bakit ganun ang ikinilos nya ?? May tinatago ba sya sakin ??
" Ay !! Palaka !! -- ano ba yan kris nakakagulat ka naman " ginulat ako ni kris na may kasamang kiliti .
" Sino yung kausap mo ?? "
BINABASA MO ANG
Long Lost Love
Novela JuvenilSi Janeld Apple Tadeo ay isang apo at tagapagmana ng isang malaking kompanya . Halos lahat ng sabihin ng lolo nya ay kanyang sinusunod pero isa lang ang hindi nya nagustuhan sa mga inutos nito . Ito ay ang magpakasal sya sa isang lalaking hindi pa...