Chapter 11 - After 5 years

13 1 0
                                    


AFTER 5 YEARS . . .

" Mam Apple eto na po yung mga files na pinakuha nyo sakin . " sabi ng Secretary kong si Jana .

Pagkatapos ko ng aking pag-aaral sa kolehiyo ay tumulong na'ko sa kompanya ni Lolo .

Lumago ng husto ang aming kompanya . Pero isa lang ang target ng kompanya namin ngayon .

Yan ay ang makasosyo ang mga Domyouji .

Nag-set narin ang Secretary ko ng isang urgent meeting sa president ng kompanya ng mga Domyouji .

Habang nag-aayos ako ng mga gamit ko ay nagsalita sa intercom si jana .

" Mam , Mr . Akimoto Domyouji is now on our building . 3rd floor inside Chef D' Angelo Restaurant . "

" Okay thanks!! " kinuha ko na ang mga folder at ang aking laptop . Nasa 23rd building ang opisina ko . Kaya naman sumakay na ko ng elevator .

Habang palabas na ko sa elevator ay may bumangga sakin . Isang katangkarang lalaki at bagsak ang buhok nito . Maputi at makisig ang pangangatawan .

Nang mabangga nya ako ay nalaglag ang mga folder at laptop na dala ko .

" Shit !! Hindi ka ba marunong mag ingat ?? " bulyaw nya sakin .

Pagkatapos kong pulutin ang folder at laptop ko ay tinignan ko sya ng masama .

Pamilyar ang mukha ng lalaking yun. . Di ko nga lang alam san ko sya nakita . Dere-diretso narin akong pumunta ng restaurant kung nasan si Mr. Akimoto .

" Mr.  Akimoto , sorry I'm late may nakabangga kase akong isang unknown person paglabas ko ng--- " hindi nya ako pinatapos dahil bigla nyang ikinumpas ang kanyang kamay na nagsasabing ' ihinto mo ang sasabihin mo '

" Ms . Tadeo , hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa . Isa lang naman ang goal ng kompanya nyo ngayon di ba ?? " Napatango nalang ako sa sinabi nya .

Hindi ko alam pero parang nakakaramdam ako na may laman ang mga susunod nyang sasabihin .

" Why don't we set a deal between Tadeo and Domyouji's company ?? Didiretsahin na kita Ms. Tadeo , Sa umpisa palang ay wala talaga akong balak makisosyo sa inyo pero kung papayag ka sa gusto ko . Then makukuha mo ang isang salita ko . "

" What do you mean?? Mr. Domyouji?? " nagtataka kong tanong sa kanya . Hindi ko gusto ang kanyang pananalita . Pero kaylangan ko syang pakiharapan ng maayos . Dahil umaasa si lolo na mapagbibigyan ko ang hiling nya na maging kasosyo ang mga Domyouji .

" Marry my son . And that's all , magiging magkasosyo na ang Tadeo at domyouji . Kahit ano kayang i-provide ng domyouji kung ano ang mga pangangailangan or other expenses kapag kinulang ang kapital ng kompanya mo . "

" Are you out of your mind?? Anong akala mo sa Kasal ?? Ganun-ganun lang ?? If you don't want na makisosyo samin . You can now leave in my building Mr. Akimoto " bastos man ang pananalita ko hindi ko na mapigil . Anong akala nya sa pagpapakasal ?? Ganun-ganun lang ?? Sya nalang magpakasal sa anak nya kung gusto nya . Nakakainis !!

" Ngayon alam ko na kung bakit ka nagustuhan ng anak ko . Your beautiful outside but fierce inside . Alam kong di kita mapipilit ngayon . Siguro naman hindi mo mamasamain kung ang lolo mo ang kakausapin ko . "

" Kahit si lolo pa ang kausapin nyo . Hinding-hindi nyo parin ako mapapapayag !! Kaya please lang umalis na kayo Mr. Akimoto . "

" Ok Ms. Tadeo . Sayonara !! "

Tumayo na si Mr. Akimoto at umalis na kasama ang dalawang bodyguards nito .

Hay nako !! Parang bulkang sumabog ang ulo ko nakakainis !!nakakaimbyerna sila ng araw . Una , yung lalaki sa elevator . Pangalawa , Si Mr. Akimoto na gusto ipakasal sakin ang anak Tss !!

●——8——8——●

3rd PERSONS POV

" Anong balita papa ?? Pumayag ba sya ?? " Tanong ng binatilyo sa ama .

" Hindi madali ang makipag-usap sa kanya . Sa totoo lang anak , nakakatakot sya . Mas nakakatakot pa sa mommy mo . " pahayag ng ginoo sa kanyang anak .

" Nakakatakot ?? Siguro nga . Marami ng nagbago makalipas ang limang taon . Hindi narin siguro sya ang dating apple na minahal ko .

Pero gagawin ko ang lahat makaganti lang sa kanya !! "

●——8——8——●

Apple's POV

Papalabas na ko ng aking opisina ng marinig kong nagriring ang cellphone ko .

Hello ?? -ako

[Hello apps ?? Sama ka samin !! Punta tayong Jazz Bar !!]

Ha?? Ah-eh . . Next time nalang siguro. . Baka hinihintay na'ko ni lolo sa bahay .

[Wag ka ngang KJ !! Alam namin na yan na naman ang irarason mo kaya tinawagan na namin ang emp . Kaya pinagpaalam ka na namin . ]

Sige na nga !! May magagawa pa ba ko ?? Eh pinagpaalam nyo na pala ako .

[Sige apps , kita nalang tayo sa Jazz bar ha ?? Bye !! ]

Nang matapos ang tawag ay dumiretso na ko papuntang parking lot umuwi muna ako sa bahay para magpalit .

Gusto ko muna magsaya kahit isang gabi lang . . Nang mawala ang mga gumugulo sa isip ko .

***

JAZZ BAR

Pagpasok ko palang ng bar ay nakita kong halos lahat ng mga kalalakihan ay nakatingin sakin . Hindi sa nagmamaganda ako ha pero hanggang ngayon dala ko parin ang ngalang Campus Queen .

Wala namang nagbago sakin nadagdagan lalo ang kagandahan ko . Pero di na ko katulad ng dati . Palaban na ko . Ayoko na ng inaapi ako . Natuto na ko dahil sa pagiging mahina ko noon ay nawala sakin ang lalaking mahal na mahal ko .

Wala narin akong naging balita tungkol sa kanya . Ang pagkakaalam ko umalis sya ng pilipinas at may bagong buhay narin sya dun .

Paano ko nalaman ?? Nagtatrabaho kase ang bestfriend kong si evelyn sa isa sa mga kompanya na hawak ni gilbert .

Gusto kong humingi sa kanya ng tawad sa mga maling nasabi ko noon . At umaasa ako na magkakabalikan ulit kami .

Paglapit ko sa mesa nang mga kaibigan ko ay agad namangha ang mga itsura nila pagkakita sakin .

" Ikaw na !! Pak na pak ang beauty mo girl hanggang ngayon ikaw parin ang apple of the eye ng mga kalalakihan !! " sabi ng kaibigan kong si Vallerie .

" Pahiramin mo naman kami ng ganda mo kahit isang araw lang na makabingwit na kami ng aasawahin namin . " sabi naman ni Kristel .

Mga kaklase ko sila nung nagkolehiyo ako . Kung tatanungin nyo kung ano ng nangyari samin nila Mark,MJ,Aaron at Ella ?? May kanya-kanya na silang buhay naging photographer si Aaron, Si Mj hawak na ang kompanya ng papa nya si Mark at Ella ?? Nagkatuluyan rin sila sa wakas masaya ako para sa kanila . Wala narin akong galit kay mark alam kong nagawa nya lang yun dahil sa pagiging bulag nya sa pagmamahal sakin .

9:00

9:30

10:00

10:30

11:00pm

Halos langog na kami sa alak ng dalawa kong kaibigan . Kaya naman minabuti kong tumayo para magpunta ng Comfort room . Parang isusuka ko na pati ang lamang loob ko .

Malapit na ko sa CR ng biglang may makabungguan ako . Napakapit ako sa lalaki at SHOCKS !!!

NAPASUKA AKO SA SUOT NYA . !!

"Shit !! Your wasted !! "

Napaangat ako at tinignan ko ang mukha nung lalaki ng pagkakita ko sa mukha nya ??

" IKAW NA NAMAN !!! "

Long Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon