Chapter 3 - The guy who's name was Gilbert

51 3 0
                                    


Hinanap ko yung babaeng nagngangalang apple .

At nakita ko sya sa rooftop . Balak ko kasi sanang isauli ang nahulog nyang wallet nung nagkabungguan kami.

Dahan-dahan ko syang nilapitan . Pero habang papalapit ako sa kanya bumibilis ang tibok ng puso ko .

Dugdug . . Dugdug . . Dugdug . .

Tinitignan ko palang sya nuon, iba na talaga ang dating nya sa akin . Aaminin ko hanggang sulyap lang ang nagagawa ko sa kanya pero ngayon nasa harapan ko sya at umiiyak .

Kinuha ko ang panyo sa aking bulsa at inabot ko sa kanya . Nagulat sya na nasa tabi pala nya ako .

" Salamat , ah ano ginagawa mo dito bawal ang estudyante dito ha ? "

" Kung bawal , bakit ka nandito ? "

Balik tanong ko sa kanya , pero imbis na sumagot kumunot ang noo nya .
Ang ganda nya parin kahit kagagaling lang nya sa pag-iyak .

" Ako nga pala si Gilbert , Apple right ? "  tanong ko sa kanya .

" Pano mo nalaman ang pangalan ko ? " tanong nya sakin .

" Nahulog mo kasi ito oh " sabay abot ng kanyang wallet .

" Salamat ha . "

" Walang anuman "

Nagdaan ang ilang saglit na katahimikan . . .

" alam mo , walang mangyayari sayo kung ganyan ang gagawin mo . Lagi ka nalang guguluhin ng isip mo kung ano man ang problema mo . "

Napaisip si apple saglit at sabay tingin sakin . .

" ahm . . . Cge gan'to nalang tutulungan kita makalimutan kung ano man yang problema mo , ok ba yun sayo ? "

Tumango sya , sabay tayo at nagsalita .

" Sige bukas dito ulit ha ."

" sige " sagot ko sa kanya .

Nang pumayag sya sa sinabi ko , isa lang ang nasa isip ko gusto ko syang pasayahin sa kahit anong paraang alam ko .

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

APPLE'S POV

Pababa na ko ng rooftop . Masaya ako na parang malungkot .
Malungkot kasi di ko akalain na ganun ang gagawin ni mark ng dahil lang sa nagkatampuhan kami , Masaya dahil may nakilala akong bagong kaibigan .

Hmmm. . . kaibigan nga ba ?

Bumalik na ko sa classroom habang pabalik ako . lahat ng mga estudyante sa hallway ay nakatingin sakin .

Bakit kaya ???

Habang papasok ako sa classroom sinalubong kaagad ako ng bestfriend ko.

Long Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon