ROB'S POVWhat a night! I really cant imagine that a girl can fight. Ang akala ko puro away pusa lang ang alam nila. But this world prove me wrong. A woman can fight with their own unique ability.
Namamangha talaga ako sa ACE na yun. I dont know, i really admire her. Napakalakas ng aura nya. Yung tipong wala yatang makakaamo sakanya. She's really a wild tiger that cant be tamed.
Pinaback ground check at pinaimbestigahan ko ang babaeng yun kasama ng dalawa nya pang kaibigan, but it lead me to nothing. All of the files are confidential at walang nakapagturo kung sino sila.
Nakarating na ako sa bahay namin na si Ace pa din ang iniisip ko.
Nakapatay ang lahat ng ilaw sa bahay. Mukang tulog na ang freak na yun. Speaking of freak, nakakain na kaya yun? Dapat pala bumili ako ng pagkain para sakanya.
Pero teka?! Bakit ko sya bibilan ng pagkain? Bahala sya magutom. Kaya nya na ang sarili nya. Hindi ko sya responsibilidad. Obligasyon sya ng erpat ko at hindi ako. Sus!
Umakyat ako sa kwarto namin... este kwarto KO and found nothing.
Walang freak na nakahiga sa kama o sa sofa. Wala din naman tao sa banyo. Pero nandito pa din naman lahat ng gamit nya.
Bahala sya. Pagod ako at hindi ko na sya kailangan intindihin.
Pero san naman kaya nagsuot ang babaeng yun?
Bakit ko ba kasi sya inaalala? Maglakwatsa sya hanggang gusto nya! Makipagkita sya kay mike, wala akong pakealam. Makipagdate sya kay jake, the hell i care!!
Pero gabi na! Hindi ito ang oras ng uwi ng isang may asawa!!
Fvck! What the hell am i thinking?! Mababaliw ako ng dahil sa freak na yun!
Bumangon muli ako sa kama at naisipan magkape. Bumaba ako sa kusina at nagtimpla ng kape ko. Nung natapos, naisipan ko pumunta sa pool side ng mahanginan naman ang utak ko dahil polluted na dahil naiisip ko lang si rafa. Bwisit talaga!
I sat beside the pool. Medyo madilim dito dahil hindi ko na binuksan pa ang ilaw. Bigla ako may narinig na........... humihilik?!
What the fvck?! Naisipan pa ng magnanakaw na makitulog muna dito sa garden bago umalis?
Lumingon lingon ako and found a silhoutte that is lying on a bench na nasa kanan ko.
Tumayo ako at pinuntahan ang taong nakahiga na iyon. Gigisingin ko, tapos babanatan ko. Kapal ng muka makitulog dito!!
Nang nakalapit na ako, binuksan ko ang ilaw ng cellphone ko para makita ang pagmumuka ng hinayupak na to.
Shit! Ano ba naisipan neto at dito natulog?
Fvck again! Anong ginagawa ng freak na to dito? Bakit dito to natutulog?!
Sinubukan ko syang gisingin pero pucha! Tulog mantika! Humihilik pa!
But i found it cute with her red cheeks.
Tounge in a lungs! Sure naman ako na utak ko ang nasa loob ng bungo ko pero bakit ganto ang mga naiisip ko? For me there is only one! At hindi ko sya ipagpapalit.
Imbes na titigan ang babaeng to magdamag, binuhat ko na lang sya papunta sa kwarto. Inihiga ko sya sa kama at tumabi na ako sakanya para matulog.
Nakapatong ang kamay ko sa aking mata ng maramdaman kong may gumalaw sa tabi ko. Bigla sya yumakap saakin at dumantay pa ang paa sa hita ko.
Tatanggalin ko sana ang kamay at hita nya sa katawan ko ng biglang maaninag ko ang kanyang muka. Napakaamo at muka sya mahina. Muka syang walang kahit na anong gagawing masama sa iyo. Napaka inosente at parang ang sarap nyang protektahan sa mga bagay na ikakasama nya.