ANGELU'S POV
"Ano ba besh!? Problema mo? Kulang na lang pagbabarilin mo yang plato mo!"
Tiningnan nya lang ako ng masama sabay tingin ulit sa plato. Unang tingin pa lang, akala mo napakalaki na ng kasalanan sakanya ng plato na nasa harap nya. Ano ba ang nagawa ng plato sakanya?!
Nandito kaming tatlo ngayon sa resto sa harap ng school ni rafa. Well, magiging school ko na din to sa lunes noh. Ayaw kasi namin nawawalay sa babaitang to. Tingnan nyo naman!! Kung wala kami, paano na ang platong yan?!
"Rafa may problema ka ba?" Tanong sakanya ni joy
She sighed. Sa sobrang lalim ng buntong hininga nya, naamoy ko ang ulam nya kaninang umaga. Hahahaha!!
"Im just not really in the mood today." Sagot nya sa tanong ni joy.
Inirapan ko na lang sya. Naiintindihan naman namin na may mood swings at PMS ang babaeng to. Pero kakaiba ngayon. Dati kasi, napaka hyper nyan at mareklamo sa lahat ng bagay na makikita nya. Ultimo pintuan ng COD pinagdidiskitahan nyan sipain eh. Pero ngayong tahimik sya, may gumugulo sa utak nito for sure.
"If you dont want to tell us,........" huminto si joy at tila iniisip ang sasabihin na hindi magrereact si rafa.
"-eh may magagawa ba kami?! Syempre wala diba?!" Pagtutuloy nya sa sasabihin nya.
Kahit kailan talaga to si joy! Palpak!! Hahaha.
Bago pa makaaway ni rafa yung plato, nagyaya na ako umalis doon. Niyaya ko sila magmall at mamili! Friday na ngayon noh! At tapos na ang klase tapos weekend na bukas! Dapat sinusulit ang mga ganitong pagkakataon!! Aba! Hindi araw araw friday! Hahaha.
***
Nandito na kami sa mall at naglalakad lakad. At dahil wala sa mood si rafa, kering keri ko magpabili ng kung ano ano dyan! Gastos ang pangalan nyan pag ganyan ang mood nya eh. Hohohoho \(^0^)/ Watch and learn everyone!!
"Besh, nakikita mo ba yung shop na yun?" Tanong ko kay rafa.
Tiningnan nya yung shop at tumango naman sya.
"May gusto ako bilin dyan kaya samahan mo ko." Hindi na sya nagsalita pa ng hinigit ko ang kamay nya.
Kinuha ko naman yung dress na gusto kong bilin at dinala sa counter kasama si rafa.
"Besh bayad na." Sabay tingin sakanya.
Inabot nya sakin ang gold visa card nya at sinwipe ng cashier. Walang reklareklamo! Swipe lang ng swipe!! Hahaha. #friendlyuser
Sabi naman sainyo, walang pakealam sa mundo yan si rafa eh. Kung ano ang hingin mo sakanya, ibibigay nya basta ganyan ang mood nya.
Habang nagtitingin tingin pa kami ni joy dito sa loob ng shop, may nakita naman akong dalawang taong naglalakad sa labas at indaaaaaaayy!!! Hangswit nilaaaa!! Maiinggit na sana ako kung hindi ko lang kilala yung lalaki eh. Kaso kilala ko, kaya imbes na mainggit ako, kasagutan ang nahanap ko.
I smirked and joy saw me. Napatingin naman sya sa tinitingnan ko at tumingin ulit sakin.
"Maybe thats why." Joy
"Robby" bulong ko naman sa sarili ko.
And to confirm everything, i have a plan. Hihihi.
"Besh, tara sa kabilang shop! May nakita akong sapatos na bagay sayo." Tumango lang sya tapos nauna na maglakad palabas.
Saktong sakto, padaan pa lang sila robby at yung babae sa tapat ng shop.
Nasa likod lang kami ni rafa at yung inaasahan kong reaksyon ay...............