THE MEETING

32 3 0
                                    

CHAPTER 3

THE MEETING

RAFA POV

its been two weeks at balik zombie mode nanaman ako. gising, kain, pasok, uwi, tulog. paulit ulit na lang!

"good morning people!" bati ko sa mga tao sa bahay

"good morning anak. kain ka na muna."  yaya sakin ni nanay

"sige po"

habang kumakain kami, bigla nanamang ang lamig ng atmosphere.

"gantong ganto ang nararamdaman ko nung time na sinabi nyo sakin na ipapakasal nyo ko. ano nanaman revelation ang meron?"  tanong ko

"ahmm.. anak, aahhh..." -nanay

"ano po nay?"

"mamayang gabi kasi nag set ng dinner ang kaibigan ng tatay mo. gusto ka daw nila ma.meet personally." sabi ni nanay

"ee hindi naman ako pumayag sa set up na yan ha?" sabi ko

"anak naman. please? kahit pakitang tao lang"  sabi ni tatay

"tapos pagsumulpot ako dun, mag.aassume sila na pumayag ako sa deal?"

"gusto ko lang din naman kasi tulungan ang kaibigan ko anak. just returning the favor nung pinahiram nya tayo ng pera para sa operasyon ko"  aba ang tatay ko! umaamerikano na din.

"fine! gisingin nyo na lang ako mamaya. lalaklak ako ng madaming sleeping pills para makatulog ako ng one hundred years!"  sabi ko

"anak naman!" -nanay

"joke lang. gisingin nyo na lang po ako mamaya. pero kung ayoko talaga sa set up na to, please wag nyo na ako pilitin."  pagkasabi ko nun, umakyat na ko sa taas at nagpahinga na.

***

"san daw po ba ang dinner?"  tanong ko kay nanay habang sakay kami ng taxi

"sa isang restaurant daw sa ortigas anak."  -tatay

"ang layo naman! hindi ba pwedeng sa turo turo na lang kung san mang kanto? nagpaalam lang ako sa T.L ko na male.late ako ng konti"

"hindi ba pdeng sabihin mo na leave ka? sick leave. biglaan kang nagka tigdas o bulutong" -nanay

"nay, hindi ba pwedeng lagnat lang? tigdas at bulutong agad? pwede naman trangkaso lang ha??" natatawa kong sagot sakanya

nakarating kami sa ortigas at nagpaalam na ko na hindi ako makakapasok ngayong gabi. okay naman daw kasi maganda naman daw performance ko. oh db? hahaha

pagpasok namin sa restaurant, halatang mamahalin lahat! mukang mayayaman ang mga tao dito. hindi kami bagay dito!

"good morning madame, sir"

itinuro kami sa may v.i.p area kung san may isang lalaki na nakatalikod na nakaupo at nung narinig nya yung waiter ay bigla syang tumayo.

"virgilio! kumpadre! kamusta na?"  sabi nung lalaki at kinamayan si tatay.

"kamusta na din amanda? matagal tagal din tayong hindi nagkita ha!"  sabi pa nya sa nanay ko.

"eto na ba ang bunso nyo? napakagandang bata!" at turo naman nya sakin. aba't hindi marunong magsinungaling ang kaibigan ni tatay! hahaha.

LITTLE OF YOUR ATTENTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon