THE WEDDING

30 2 0
                                    

CHAPTER 4

THE WEDDING

RAFA POV

"what's this rafa? resignation? why are you resigning?"  tanong ng T.L ko.

iniisip ko pa lang na magreresign ako, naiiyak na ko. mamimiss ko ang station ko. ang mga kausap ko sa telepono. ang mga paulit ulit kong linya pagsumasagot. (T_T)

"i need this sir. besides, its a personal matter"  sagot ko sakanya

"are you sure with this? aren't you happy here?"  tanong pa nya

"don't make it hard for me sir. i really need this. you know i love this job but its for the better"  sabi ko sakanya. medyo dudugo na ata ang ilong ko.

"if thats what you want, then you have to render 15 more days"  sumuko din sya sa wakas.

kailangan ko na kasi talaga magresign. sinabihan ko nga si tito na ayoko ee. pero paano daw ako makakapag aral kung patuloy pa din daw ako sa pagttrabaho.

***

"parang ang bilis ng chapter noh? kasalan agad? diba pwedeng getting to know each other muna?"  sabi ni joy

"nagmamadali ata si author ee. inaantok na ata"  -angelu

"tse! tumahimik nga kayo jan. sa isang araw pa naman ang kasal ko noh. di sya nagmamadali. wag kayo kontrabida at baka topakin si otor bigla kayo burahin!!"

nanahimik na lang yung dalawa. tapos na yung kontrata ko sa opisina. wala na kong trabaho (T_T)

sa isang araw na din ang kasal ko. parang di pa din ako naniniwala. hay. buhay naman oh!!

"ee besh, desidido ka na ba jan ha?" tanong ni angelu

"siguro. ewan ko. kasi naman kung iisipin opportunity na to ee. alam mo na ibog kong sabihin" sagot ko sakanya

"basta nasa likod mo lang kami. pag may ginawang kalokohan yang mapapangasawa mo, ipapakain ko sya sa mga langgam!"  joy

"OA mo joy! wag naman sa langgam! sa langaw na lang!" -angelu

"tumigil nga kayong dalawa."

nandito nga pala kami sa hotel nila tito jones. gusto kasi nya na dito na kami mag stay 2days before the wedding. sosyalin nga lang ee. dito din gaganapin yung kasal.

***

parent of the groom. parents and family of the bride. bridesmaid, witnesses and the judge.

judgement day na po! berihard ang kaba ko. magpapalit na ko ng status ng married tapos sooner or later mapapalitan ulit yun ng divorce. pwede pa kayang tumakbo? runaway bride lang ang peg ko. ee pano pagtumakbo ako mapapahiya naman ang pamilya ko. hayahay ang buhay!!

nandito na ako sa tapat ng malaking pinto papasok sa hall. nakasuot pa din naman ako ng gown pero casual gown lang sya. hindi katulad ng ibang gown na umaabot sa edsa ang haba. maganda pa din naman yun kahit papaano at nakakaelegante tingnan.

ang puso ko, lalabas na ata sa sobrang pintig. kahit kasal kasalan lang to nakakakaba pa din.

"ready ka na anak?" tanong sakin ni tatay

"nandito na to ee. panindigan na lang" sabi ko naman

"ngumiti ka anak. baka pumangit ka sa picture" sabi naman ni nanay. nasa magkabilang side ko kasi sila.

unti unting bumubukas ang pinto sa harapan namin. ayan naaaaaa!! ayan na talagaaaaa!!!

pagkabukas ng pinto, napako agad ang tingin ko sa lalaking nakatayo malapit sa judge. ang gwapo nya sa suot nya. naka americano sya na gray at bagay na bagay yun sakanya.

'pero hindi ito ang dream wedding ko'

a perfect prince but not a true fairytale. sayang naman!

palapit ako ng palapit sakanya at habang lumilinaw ang imahe nya sa paningin ko, palakas naman ng palakas ang kabog ng dibdib ko. parang hindi naman kaba ang nararamdaman ko. parang excited ako. ang gulo mo heart!!

nakarating ako sakanya at inilahad nya ang kamay nya sakin.

"kunin mo na. nangangawit ako. tsaka wag ka masyadong tumitig. alam kong gwapo ako"  sabi nya

nasabi ko ba kanina na perfect prince sya? pwes binabawi ko na!!!

"wag masyadong hambog. gisingin mo muna sarili mo. baka inaantok ka pa"  sabi ko

"kung panaginip man to, sana nga magising na ko dahil feeling ko bangungot to"  sagot din nya

"pwes gumising ka na para mawala ka na sa harap ko"

"EHEM!!"

napatingin naman kaming dalawa sa harapan at nakatitig samin yung judge na magkakasal saming dalawa. ngumiti naman ako na nahihiya. narinig nya ata pagtatalo naming dalawa. samantalang yung katabi ko parang diring diri na hawakan ang kamay ko. malinis naman kamay ko aa??!

"do you, craig robby sandler, take rafaella maejie ramos to be your lawfully wedded wife, to hand and to hold, for better or for worse, 'till sickness and health, 'till death do you part?"

"ahmm..err...i-i d-do"

nagdadalawang isip nyang sagot yan! sarap lang hambalusin ng bulaklak.

"do you rafaella maejie ramos, take craig robby sandler to be your lawfully wedded husband, to hand and to hold, for better or for worse, 'till sickness and health, 'till death do you part?"

"i-uh-i d-do"  nakakakaba nga naman pala talagang sumagot.

"by the power vested in me, i pronounce you husband and wife. you may kiss the bride"

kiss?? kiss talaga? hug na lang oh!!

napatingin naman ako sa katabi ko at palapit ng palapit ang pagmumuka nya sakin. ikikiss nya talaga ako? matikman nga ang labi nyan!! harhar!

kaso epic ee. sa gilid ng lips ako hinalikan.

"disappointed??"  sabi pa nya sabay ngisi

ngumiti na lang ako sakanya at hindi na lang sya pinansin.

***

nandito na kami sa may restaurant ng hotel at kumakain.

"bakla ka besh! ang gwapo naman pala ng napangasawa mo. tiba tiba ka na!!"  sabi ni joy

"oo nga besh. all in one na yan oh! parang kape lang!!" dagdag pa ni angelu

"all in one?? ang sama kaya ng ugali nyan. sarap ibaon sa ulingan!"  sabi ko habang tinitingnan si rob na kinakausap ng daddy nya.

"rafa, take this" nilapitan na pala ako ni tito jones ng hindi ko namamalayan.

may inabot sya saking isang envelope at isang susi.

"what's this for tito?"

"the key is for your car. balita ko marunong ka naman daw magdrive. and just open the envelope for you to know"

binuksan ko naman ang envelope at meron yun sa loob na ticket for two sa korea.

"anong gagawin ko dito tito?"

"ano ba ginagawa ng bagong kasal after the wedding?"  tanong nya pabalik

napaisip naman ako. diba honeymoon yun? ee hindi naman kami mag.honey ee! langis at tubig kami kaya di kami pwede mag.honeymoon!!

"enjoy your trip hija! bukas na ang flight nyo"

hinalikan nya na lang ako sa cheeks pagkatapos ee umalis na. hayahay talaga ang life!! makapunta na nga sa hotel room ko!!

LITTLE OF YOUR ATTENTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon