please please please ! alam kong same genre lang to ng nauna ko pang story but please vote and comment :D thanks :D
CHAPTER 1
A NAUGHTY MAN & A HELPLESS WOMAN
"pare akala ko ba walang sabit to ha?" tanong ni rob sa barkada nya.
"wala naman talagang sabit yan kung hindi lang tanga si alvin!" sagot naman ng kaibigan nya
"ang usapan, magdedeliver lang ako gamit ang kotse ko!! pero bakit hinahabol na ko ng pulis?"
"magdrive ka na lang pare para hindi tayo maabutan!!"
CRAIG POV
"i cant believe you robby! hanggang dito ba naman sa pilipinas dinadala mo pa din yang katarantaduhan mo??!"
eto nanaman po ang aking knight in shining armor na tatay at ilalabas na ako sa mabahong kulungan. tama kayo mga kaibigan, nakakulong po ako sa salang pagdedeliver ng illegal drugs. pero hindi ako gumagamit nun ha! kailangan ko lang kasi ng pera dahil ipinatapon ako dito ng aking tatay at hindi pinapadalan ng pera. titingnan daw nya kung anong mangyayari sakin kaya eto, kulungan ang napuntahan ko.
"if its not with your idea dumping me here, this would not happened" sabi ko sakanya habang pasakay sa sasakyan.
laking america ako mga kaibigan! at dun ako pinanganak. in short, american citizen ako. amerikano ang tatay ko pero mas marunong pa yan ng malalalim na tagalog kesa sakin. half american at half pinay naman ang nanay ko but she's gone. may she rest in peace.
"kelan ka ba titino ha robby?" tanong sakin ni daddy
"ewan ko"
tahimik lang kami sa sasakyan. papunta kami ngayon sa hotel na tinutuluyan ni daddy na pag aari din namin.
kwento muna ako tungkol sa sarili ko gusto nyo???
hmm...let me think! aha!! gwapo ako pagkakaalam ko. mayaman pa! im craig robby sandler the great and the might! yun lang.
RAFAELLA POV
"thank you for calling chase bank, how may i help you?"
'haayy. inaantok ako'
"rafa! inaantok ka nanaman jan!" bulong sakin ng katabi ko.
ako nga pala si rafaella maejie ramos. at siguro naman halata na call center agent ako diba??
"okay guys! last call and we can call it a night!" sigaw ng team leader namin.
sa wakas makakauwi at makakatulog na ko! rest day, promise susulitin kita sa tulog!!
***
"good morning!"
"tita rafa! good morning!!" bati sakin ng 5 years old ko na pamangkin.
"oh, nanjan ka na pala. kain ka na muna bago matulog." sabi naman ng nanay ko.
isang simpleng buhay para sa isang simpleng pamilya. masasabi ko na hindi kami nakukulangan para sa aming pangangailangan. pero lalong hindi kami mayaman (i think so) may kapatid ako at mas matanda sya sakin. may dalawa syang anak na mahal na mahal ko.
katulad nga ng sabi ko sainyo kanina, call center agent ako. ganon din ang ate ako. pero mas nauuna nga lang ako umuwi sakanya. supervisor na kasi yun. hindi pa ako nakakatapos ng college. actually, isang taon na nga lang tapos na dapat ako. pero mas kailangan ko magtrabaho dahil sa pagkakaalam ng magulang ko wala akong pagkukuhanan ng pang.tuition at panggastos.
"teka nga, bakit parang ang lamig lamig ng atmosphere ngayon? anong meron??" tanong ko kila nanay at tatay.
tiningnan lang nila akong dalawa at parang nagpapahiwatig sila at sinasabi ng mata na 'anak im sorry'
oh diba mind reader na ko? ganyan ang epekto ng bangag sa antok.
dumating ang kapatid ko habang kumakain kaming lahat ng agahan.
"ate cze! kain na!" yaya ko sakanya.
"czerina, mabuti pang sumabay ka na muna sa pagkain" sabi naman ni nanay sakanya
teka, parang feeling ko may mali sa mga susunod nilang sasabihin. medyo kinakabahan ako na ewan. basta ewan. ewan ko talaga!!
***
"WHAAAATTT???"
"anak, pasensya na talaga. gusto ko man kasing tumanggi, nauunahan na ako ng hiya." sabi ni tatay
"tay naman! oo alam ko wala akong boyfriend, pero at the age of 22 gusto nyo na ko ipakasal agad? agad agad?"
"may benefit naman to bunso ee. malaki ang pagkakautang ni tatay sa taong yun. humingi lang sya ng pabor kay tatay" sabi naman ni ate
'kung ako lang, kaya kong bayaran yun! pero hindi pwede dahil alam kong magagalit kayo'
"ee pano kung hindi ako pumayag??"
"kaya mo bang bayaran ang utang ni tatay? 250k din yun bunso!"
'oo naman! kahit ilang milyon pa yan!'
"ate naman! ikaw ang alam kong tao na pinakaunang tatanggi sa idea na to pero ngayon ikaw pa ang pumipilit sakin? whats happening to the world? where is freedom?"
"ang OA mo na bunso! magdidivorce din kayo!"
"ee bakit pa kailangan ipakasal kung magdidivorce din naman pala??"
"kailangan lang na maging filipino citizen ng anak ng kaibigan ni tatay. may bad record na kasi sya sa NBI at hindi ganon kadali maprocess ang papeles nya. madami silang business dito na sya ang magpapatakbo kaya kailangan nya maging filipino citizen. para makapamalagi dito sa pilipinas."
pero bakit akooooooo??? why meeeee?? ang bata ko pa po!! madami pa ko pangarap sa buhay!! at ayoko malagyan ang status ko ng divorce!!
"anak, maliit lang na pabor ito kumpara sa malaking pera na nautang natin para sa operasyon ng tatay mo noon." seryosong sabi ni nanay.
tiningnan ko sya at parang maiiyak na ko. ayoko talaga ee! ayoko nga! ayokooooo!! pero kaya ko bang bayaran ang 250k ng malinis at hindi nanggagaling sa account ko? pag sinabi ko naman na inutang ko, mas malalagot ako! ang hirap naman oh. patulong nga!!!
