WHEN THEY COLLIDE

54 5 0
                                    

CHAPTER 2

WHEN THEY COLLIDE

RAFA POV

'ilang oras lang ba ang tulog ko?'

tumingin ako sa wall clock ko at nakita kong alas dos pa lang ng hapon. karaniwan kasi nagigising ako ng alas sais ng gabi. hindi ako masyadong nakatulog dahil sa usapang pampamilya kaninang umaga. gusto nyo ba malaman kung ano yun?? hmm... wag na! pampamilya nga ee!! hahaha! pero sige na nga, mapilit kayo ee.

ang tatay ko kasi dati ay naoperahan sa bato. medyo mahal ang gastos kaya nagawa ng nanay ko na mangutang kung kanikanino. dahil din dun, naisipan ko din na huminto sa pagaaral at magtrabaho. (at para matakpan ang sikreto ko) nung time din na yun, nautangan ni nanay ang dating amo ni tatay. mabait naman yun sa pagkakatanda ko. kaibigan pa nga ni tatay yun ee. at ayun nga, sakanya nangutang ang nanay ko. ang sabi ng nanay ko kaninang umaga, tumawag daw sakanila yung dating amo/kaibigan ni tatay. pero friendship on going pa naman sila. so eto na nga talaga, tumawag nga yun at humingi ng konting pabor. sa sobrang konti napa.WHAAAAATTT???  ako ng berihard! kailangan kasi ng anak nun ng isang babae na ipapakasal para maging filipino citizen yun. at dahil may violation ang anak nya na ginawa dito sa pilipinas, maaaring ma.ban iyon. at dahil nga ulit madami silang business dito at iyon ang maghahandle, kailangan nya na maging filipino citizen para makatagal

dito sa pilipinas.

at eto na nga ulit yun, ako nga daw ang napili kasi alam daw ng kaibigan ni tatay na mabait ako! napaka.echosero! hahaha. total, magkaibigan daw sila ni tatay kaya sigurado sya na safe ang anak nya sakin.

safe ha? itapon ko yun sa bermuda triangle ee!!

oh tapos na ko magkwento, baka naman pde na ko lumabas ng kwarto ko?

pumunta na ko sa baba para makakain dahil nagugutom ako. naabutan ko dun ang mga pamangkin ko na naglalaro at ang nanay ko na nagbabantay sakanila.

"kain ka na rafa. may tinira akong ulam para sayo"  sabi ni nanay.

"sa labas na lang po pala ako kakain nay! naalala ko may usapan pala kami ni angelu!"  sabi ko.

buti na lang talaga naalala ko! baka pagbuhatan nanaman ako ng kamay ng best friend ko noh. hahaha. brutal pa naman yun. sya nga pala, may best friend akong bruha este maganda. (weh?) ayun na nga. mag best friend kami since first year high school tapos-

"letse ka talagang kumilos besh! napabagal mo!"

at ayan na nga po sya! napakaingay diba?

"oh besh! ang tagal natin hindi nagkita ha?"  sabi ko sakanya

"letse!"

hinintay nya ko maligo at magbihis. masyado nga syang patient ee. sa sobrang patient nya, halos gibain nya na yung pinto ng banyo ko. oh db sosyal? may sariling banyo ang kwarto ko? back to reality, papunta kaming dalawa ngayon sa mall. may papabili daw kasi sya sakin kasi daw bagong sahod ako. boyfriend lang ang peg ko, ganon??

"besh, bibilin mo na yung bet ko na sapatos diba?? promise mo yun sakin ee"  sabi nya

"kaya naman pala kung makapagmadali ka sakin kanina wagas wagas ee!"

"ambait bait talaga ng besh ko!! ang ganda ganda pa! ayun na yung shop oh! tara na besh! dali!!"

may magagawa pa ba ako? kung kaladkarin ako para lang akong bata.

*riiiinnnggg* *riiiinnnggg*

"hello?"

[aa ganon? si angelu lang talaga kasama mo sa mall?]

LITTLE OF YOUR ATTENTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon