at dahil mabait ako ngayon at madami akong free time , eto na po ang iba pang kakulangan sa update . on going pa din to and i think mga 25 chapters lang to. so keep reading and enjoy :D
CHAPTER 6
A NIGHT OF CONFUSION
RAFA POV
badtrip talaga yung monkey monster na yun! kung iritable sya, mas naiirita ako sakanya!
*tok* *tok* *tok*
"room service!"
ayy, nagparequest nga pala ako ng room service. makapunta na nga lang sa restaurant. gutom na ulit ako.
habang pababa ako ng hotel, nakasalubong ko naman ang babaeng kanina lang nagbukas ng pinto ng room ni rob.
"oh hi there!" bati nya sakin
"hi" tipid kong sagot sakanya
"so your a tourist here?" usisera naman to
"yeah."
"so why did you knock at my boyfriends room?"
napatingin naman ako sakanya. so girlfriend nya nga ang babaeng to.
"ow. i told you i made a mistake. i dont know him"
tiningnan naman nya ko ng hindi naniniwala. pero ngumiti pa din sya sakin.
"well okay. just stay away from him." sabi nya habang nakangiti.
'psh. fake'
hindi ko na lang sya pinansin pa at dumirecho na lang sa restaurant. nakita ko naman na papunta din dun yung babaeng mukang labanos sa puti.
umupo na ko sa may isang sulok habang pinagmamasdan ang menu. mukang masarap lahat. pero wala naman akong kasama na uubos neto. sana nandito ang mga besh ko.
napatigil naman ako sa pagbubuklat ng menu ng mapukaw ang atensyon ko ng dalawang taong naghaharutan sa kaharap kong table. actually hindi naman mismong harap. may ilang tables pa na madadaanan bago ang table nila. pero dahil konti lang naman ang tao na kumakain dito sa hotel kaya kitang kita ko silang dalawa.
'mga mahaharot'
ibinalik ko na lang ang pansin ko sa menu para mag order na. pero hindi ko pa din maiwasan na mapasulyap sakanila.
nakakainggit naman. ano nga ba ulit ang feeling ng inlove? nakalimutan ko na ata. hahaha. ang tagal na din kasi simula nung nagbreak kami ng boyfriend ko. its been two years. pero naka.move on na ko at wala ng bitterness.
"can i take your order madame?" sabi ng waiter sakin. kanina pa ata sya naghihintay sa tabi ko. kawawa naman.
"steak" maikli kong sagot.
nakaalis na ang waiter at ako naman nilabas yung cellphone ko. hindi ko nakuha ang number ni uno. paano pa kaya kami makakapagkita? crush ko pa naman sya!
'ayy talandi!'
crush lang naman ee! hmp. napatingin naman ulit ako dun sa dalawang naglalampungan. nakatingin sakin yung lalaking ubod ng yabang at ipinanganak sa sama ng loob. ngumisi naman sya sakin at biglang hinalikan si labanos. maputi kasi pala talaga sya. hahaha. pagkatapos nila magtukaan, napatingin din sa side ko yung babae at pinanlakihan ako ng mata. problema nun? adik lang te? kaya ayun, inirapan ko na lang sya. aba! wala ako sa telenovela para magpaapi noh!