Hihihi! May nag comment na pala. Kaya, ayan na. :D
Thank you po, kahit hindi naman talaga ganun kaganda.
Vote and Comment!
=========================================
-----Sharlene's POV----
Papunta na kami ngayon sa mall. Okay na si Alexa. Ewan ba dun, ang moody niya ngayon. Ngayon sobra na makatawa.
Nandito kami sa van nila Nash ngayon. Ang tahimik namin, pero sila Kobi, Alexa, Andre, Aaliyah at Mika, tawa ng tawa si Noemi, Aaron at Angel naman tulog. Baka napagod.
Kami lang ni Nash sa unahan eh, katabi namin si Manong Jojo.
"Ang tahimik niyo ata jan, parang may mali." bulong ni Manong kaya kami lang nakakakinig. Tapos maingay pa sila, kaya kami lang talaga. :D
"Eh manong, napapaisip kasi ako dun sa kanina, parang masyadong maaga para umiyak si Alexa." sobrang hina ng bulong niya ah.
"Yiee...si best friend, concern na concern kay Alexa. Hihihi!" Crush siguro ni Nash si beh. Sabi ko na eh, pero paano kapag naging close sila? Paano ka? Hay naku Shar! Ano ba? Ang selfish mo.
"Uy, si sir...Paano naman si mam Sharlene?" Ano ba ang naisip nito ni Manong?
"Manong naman!" sabay namin sabi ni Nash. Tumingin tuloy lahat.
"Diba sabi namin sayo, Sharlene at Nash nalang. Hahaha!?" palusot ni Nash yun, wala na ulit. Balik na sila sa dati.
"Oo nga. Pati, best friend ko kaya yan si Nash, kaya okay lang! Gora lang ako." sabay nginitian ko si Nash.
-----Nash's POV----
"Oo nga. Pati, best friend ko kaya yan si Nash, kaya okay lang! Gora lang ako." ngumiti ako sa kanya. Pero paano kung mahal kita Shar?
"Eh Shar..."
"Andito na po tayo." Manong Jojo, bakit ang wrong timing pagdating natin. T.T
Ayun, bumaba na kami. Paunahan! Lahat syempre may kanya kanyang diskarte para hindi makilala. Pero itong mall naman na ito, madaming artista pumupunta pati bihira ang mga nagpapapicture sa artista. Medyo sosyal din dito eh.
"Guys, kain na tayo! Gutom na ako." sabi ni Shar. Pero dun siya sumama kina Mika. Ayun, magkasama ngayon girls at boys. Kasama ko ngayon ay si Kobi.
"Pare, ayos ka lang? Ang lalim ng iniisip mo ah!" Pareng Kobi naman! Ako? Halata pala. Pssh.
"Pare kasi parang...crush ko na si Alexa." Hala? Crush ko na si Alexa? Pero mahal ko na ata si Shar.
"Oy, si Nash. Pero pare, nakita mo na ba yung sa script natin?" script? Hmmm...ay oo. Yung part siguro na kakantahan ko si Alexa.
"Oo, kakantahan ko si Alexa."
"Oo nga, ang saya ano? Tapos kakantahan naman ako ni Shar." Si Shar? Kakantahan si Kobi?
"Kilig ka naman?" Sabay ngiti tapos sinisiko ko siya. Crush niya nga pala yun. Matagal na. Pero...parang....selos...HINDI NASH! Kala mo lang yun.. Ayos ka na.
"Ikaw din naman!" Yung totoo Kobi? Konti lang. Hindi ko kaya tapatan ang kasiyahan mo sa pagkanta sayo ni Shar. Pwede kaya switch? Hahaha! Ang tanga ko lang
Nginitian ko nalang si Kobi.
"Hoy! Diet ba kayong dalawa? Lahat kami may order na, kayo nalang wala." si Shar talaga oh! Baka si Pareng Kobi pa. Hahaha! Nasa Max's na nga pala kami. Wala pa namang waiter, may order na?
"Totoo? May order na kayo eh wala pa ngang waiter?" Asar ko kay Shar. Tumawa naman lahat.
"Syempre, nakakahiya naman tumawag ng waiter tapos undecided ka pa!" Pikon ba 'to o ano??
"Joke lang naman Shar, wag na magtampo."
"Che!" naman Shar eh
"O siya, tuloy niyo yang tampuhan niyo mamaya. Kanya kayang sabi tayo ng order sa waiter." Si Mika talaga, nagawa pang magbiro.
Seryoso itong problema kong ito. Konting tampo nito ayan na...para kasing wala na din akong gana eh.
=================================================
Yan na muna ha. Try ko mag UD mamaya. Kapag nagkareads ito. Kahit mga 10 or 15 lang
Comment, Vote. Hahaha!
BINABASA MO ANG
I know you know
FanficNashlene, NLEX, Mikash, Jailene, Jaika ano mang love team yan. Lagyan natin ng moment dito. Hihi =">