Chapter 21

708 21 8
                                    

Tagalog nalang ulit, okay? Yun daw mas gusto nung iba eh. :)

===========

NASH'S POV

Papunta na ako sa office ni Direk Bobot pero hindi ako makapagrelax sa sobrang excited ko pero sinusubukan ko naman tapos biglang nagring yung phone ko. May tumatawag pero hindi ko alam kung sino kasi wala sa contacts. Syempre, hindi ko sasagutin. Isa yun sa mga bilin dito sa industriya kaya dapat alam mo din talaga contact numbers ng staff. Cast? Depende sayo. Pwede naman kasing hindi. Kung gugustuhin mo lang talaga.

Pagkarating na pagkarating ko sa building, si Alexa agad bumungad sakin sa hallway.

"Nashie!"

"Alexa, Nash nalang, please?"

"Pero it is so cute to call you Nashie. It suits you." sabay pout.

"Alam mo Alexa, nevermind. Wala akong oras makipagtalo sa mga ganitong bagay."

Hindi ko alam pero naiinis na ako kay Alexa simula nung umiyak siya nung graduation. Ewan ba. Basta parang biglang nakakainis nalang.

"Ano ba yan. Kanina ka pa ah."

"Ano ba? Kadadating ko lang tapos kanina pa?"

"Hindi mo sinasagot mga tawag ko ah!"

"Kamalayan ko bang ikaw yun."

"Hiningi mo kaya number ko dati."

"Correction Alexa. Hiningi MO yung number ko. Kaya sorry kung hindi ako sumagot. Hindi nakasave yung number mo eh."

"Oka----------"

"Nash" buti may tumawag sakin. Baka lubayan na ako ni Alexa. Pagtalikod ko, minalas na nga. Si Jairus. Alam ko naman na may gusto siya kay Sharlene kaya asar din ako sa kanya.

"Nash, Alexa, tara na. Kayo nalang inaantay sa office."

"Oh? Anjan na si Sharlene?" tanong ko sa kanya kasi nabanggit sakin no Sharlene na part din siya ng luv u too.

"Oo, pare"

"Sige, tara na"

Pagpasok palang namin ng office,

"Nash, dun nalang tayo oh. Para tabi tayo." bulong sakin ni Alexa

"Pass ako jan Alexa. Dun nalang ako sa tabi ni Sharlene." tapos deretso ng pumunta kay Shar.

"Shar, kanina ka pa?"

"Medyo. Ang tagal mo nga eh. Kanina pa kita inaantay."

"Hoy ako rin naman. Ang tagal kitang inantay at patuloy magaantay "

"Ano?"

"Tagal na kitang inaantay. Hindi ka pa kasi lumalakad sa altar eh ang tagal ko ng nag-aantay."

Namula siya! Ang cute. Love ko to. Dapat lumayo layo na ang ibang boys kasi babakuran ko na ito. Hahahaha!

"Good morning kids!"

"Good morning Direk!"

"Okay. Today will be announcing the details for Luv U too. As you can see your managers slash mothers aren't here because we will ofcourse have a different meeting for them. First, introduce yourselves. Para makilala niyo naman ang isa't isa. After nun, I will tell you how the story will flow. Okay?"

============

And cut. Laters ulit. :)

I know you knowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon