Chapter 22

661 26 14
                                    

---Nash's POV---

Bad trip naman oh. Hay...nakakalungkot naman isipin na ayaw na nila sa tambalang Nashlene. Hindi naman sa ayaw nila pero kasi sabi nila mga binata't dalaga na raw kami. Kapag kami pa din, para daw bulilit days pa din.

Tsaka nabasa daw kasi nila yung ask.fm ni Alexa. Umamin na crush ako at medyo madaming supportado. Ayun! Pampataas daw ng ratings. Nagtataka naman ako kay Alexa. Nag gaganun pa. Ayaw niya ba ng privacy? Hay...pero sabi hindi pa din sure kung si Mika ba or si Alexa kapartner ko. Depende pa din sa fans kung ano mas bet. Sana si Mika nalang. Kasi mas close kami pati best friend din naman yun ni Sharlene kaya hindi naman siguro ako pagdududahan ni Shar kasi open sila sa isa't isa. Hindi katulad kay Alexa na hindi ganun kaopen kahit friends naman talaga sila. Basta ako, pipilitin ko pa rin na pamahal ako ni Shar. Hindi ko kasi alam kung ano na ba talaga estado ng relationship namin.

Natigil ako sa pag-iisip nang may kumatok sa pintuan.

"Nashieboy" tawag ni mommy.

"Po?"

"Tapos na yung meeting namin with Direk "

"At?..." natetense ako eh

"Hindi daw Nashlene? Tama ba?"

"Opo." nakatungong sagot ko kay mommy

"Ganito nalang Nashie. Alam ko naman na binata at dalaga na kayo at gusto rin naman namin ni Tita My na kayo na ni Sharlene hanggang sa huli. Hahaha. Kaya pipilitin namin ni Tita My na supportahan kayo ng Nashleners ninyo. Okay ba yun?"

"Yes, mommy! Salamat po ah! I love you so much!" napasigaw ako sa sobrang tuwa

"Sige na...magpahinga ka muna at mag-isip isip siguro. Bahala ka na muna dito ah. Puntahan ko pa si Chloe sa summer tutorials niya. Maiwan ka na muna dito."

"Sige po. Ingat po kaya mie. Pasalubong. Hihi"

"Loko ka. Text mo ako kung ano gusto mo. Pati si Mamang mo walang susi kaya abang abangan mo din. Itext mo o kung ano pa man ha."

"Yes ma'am" sabay saludo. Natawa naman si Mommy at umalis na talaga.

---Sharlene's POV---

Okay lang naman talaga sakin na hindi kami magkapartner ni Nash kaso pinoproblema ko si Alexa eh. Mahal kasi nun si Nash pero ano pa ba ang pwede kong gawin eh anjan na. Siguro naman maiba ang ihip ng hangin. Bahala na. Basta ang alam ko, iba na ang pagtingin ko kay Nash.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I know you knowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon