I should fix this

1.9K 33 4
                                    

====================================

-----Sharlene's POV------ 

Tapos na ang taping namin. Okay naman. Masaya kami at nagkasama sama kami. Pero hindi ko talaga maiwasan yung kay Nash eh. Kailangan ko ba siya kausapin? Hindi ko alam. Gusto ko na ito maayos bago pa magpasukan. Kasi kung ganun, magkakalayo na ulit kami, I mean kasi diba magkaiba kami ng school? Yun...Tatanungin ko si Mika. Magaling siya sa ganito eh. Pati magaling siya magtago ng secrets.

"Mika, pwede ba ako magpatulong sayo?"

"Sige Shar! Tungkol saan ba?"

"Ahh...kasi...parang...ano eh. Parang love ata?"

"Oh? Nahiya ka pa! Love? Sasabihin mo sakin na love mo si Nash?"

"Ha? Love ko si Nash? Saan mo naman nakuha yun."

"Shar, kahit walang magsabi. Iba kaya ang saya niyo kapag kayo lang at yung mga kwento mo dati, diba nandun si Nash kadalasan?" 

"Tingin mo talaga love ko si Nash?"

"Oo. Pero kung hindi yun sasabihin mo..... ano?

"Mika, secret lang ah. Pero kasi si Nash, umamin na may gusto siya sa akin eh parang hindi ko tanggap. Ang tagal niya nilihim sa akin."

"Eh Shar...ganito. Baka si Nash ay isang katulad mo. Hindi siya sigurado sa nararamdaman niya kaya hindi niya maamin."

"Sabi niya 6 years old palang kami crush niya na ako. Ibig sabihin, alam niya na."

"Baka ayaw niya malayo ka sa kanya."

"Ganun ba? Ano kaya pwede kong gawin?"

"Kausapin mo siya Shar. Humiwalay na kayo sa amin kung gusto niyo." Oo nga pala. Andito kami sa mall na medyo sosyal kaya walang nagpapaautograph or ano. 

"Sige Mika ah! Ahmm...nasa loob na ata si Nash? Pwede patawag nalang siya?"

"Sige Shar! Good luck ha! Kinikilig ako!!"

"Loko ka talaga Mika! Salamat talaga."

ayun na. palabas na si Nash. Kinakabahan ako.

==============================================================

I know you knowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon