Bago mawala sa isip ko, sinulat ko na. Kahit wala pa masyadong reads yung isa.
Vote and comment naman jan! :D
Again, HINDI AKO HATER. Pampaganda lang ng daloy ng story
=====================================
-----Nash's POV-----
Pagkatapos namin umorder, tumayo ako at lumapit kay Alexa.
"Ahmm....Alexa?"
"Yes Nashie?" Bakit naman Nashie, gusto ko lang naman ay Nashies eh. Hahaha!
"Pwede ba tayo magpalit ng pwesto?" Ang layo ko kasi kay Shar eh siya katabi niya.
"Ah...eh..."
"Please?" seryoso ako. Walang halong kahit ano. Baka kasi mawala din ako sa mood kapag nagtampo sakin si Shar.
"Sige na nga!" Bye Alexa! I'll miss you. Ha?? Ano ba. Lilipat lang naman kaya siya.
"Bakit mo pinalipat si beh?"
"Kasi magsosorry ako sayo. Joke lang naman yun eh."
"Magbiro ko na sa lahat, wag lang sa taong gutom!" best friend kong ito oh! Basta pagkain.
"Opo, hindi na po mauulit." sabay pout. Kunwari bata XD
"Osiya anak, pwede ka na bumalik sa kinauupuan mo kanina." Nginitian niya ako, ang ganda niya. Uy! Turn on, babaeng maalam makiride.
"Paano kung ayaw ko?"
"Paano kung sapakin kita?"
"Paano kung halikan kita?" Hala Nash! Ano yan. Wooh. Kalma
"Ewan sayo."
"Uy..Shar, namumula ka. Kinikilig ka 'no?"
"Yiee..." asar nung ibang kabarkada
"Ewan. Tara, samahan mo ako sa wishing fountain?" Ano naman naisip nito ngayon?
"Sige. Guys, tawagan niyo nalang kami kapag dumating na pagkain."
"Sige pre!" Nice talking guys. Si Kobi lang pumansin sakin. -.-
papunta na kami sa wishing fountain pagdating namin
"Nash, may sasabihin ako sayo." Ano naman kaya ito? Bigla biglaan.
"Sige, sabihin mo na sa akin." Mukhang seryosong usapan
============================================
Sorry! Pagod po talaga ako eh. Ito lang nakayanan ko.
Comment nalang ulit kayo if UD na, UD ko as soon as kaya ko. XD
BINABASA MO ANG
I know you know
Fiksi PenggemarNashlene, NLEX, Mikash, Jailene, Jaika ano mang love team yan. Lagyan natin ng moment dito. Hihi =">
