The Empress

274 43 0
                                    

Present Time

Imperial Palace

-Chiharu-



Waaaaah! Good morning world! Ansakit pa rin ng katawan ko! Napaunat ako ng kaunti. Shemay! Kailangan ko na pa lang maghanda ng agahan para kay Ms. Empress. Yari ako nito.

Nagmorning ritwal muna ako syempre, baka mamaya masesante ako't wala na akong mapasukang trabaho. Alam niyo kasi ito yung greatest dream kong makapagsilbi at personal julalay ni Ms. Empress.

Pagkatapos kong maghilamos at magtoothbrush eh nagbihis na ako ng aking super-duper cute na maid uniform ko! O 'diba ako pa nagdesign nito. Wala namang problema kay Ms. Empress eh. An'lakas ko kaya sa kanya. Hahahaha lol.

Nagmadali akong pumunta sa mamahalin at magarbong kusina ng palasyo. Para mas madali ay gumamit na ako ng elevator. An'layo pa kasi at baka nagwawala na si Your Highness. Hihi

"Oh Chiharu, narito na ang paboritong almusal ng mahal na emperatris. Bilisan mo at mukhang bad mood yata iyon. Hala ka! Hahaha!"

"Ngek? Tinakot mo pa ako Manang Giri. Sanay na po ako sa kanya. O sige po mauna na po ako!"

"Haru! Kabilinbilang huwag tumakbo dito sa kusina!"

"Opo!"

Sumakay na ako sa elevator. Sana good mood ngayon si Ms. Empress. Waaaah! Kahit na mabait yun sa'kin ay takot pa rin ako dun. Napalunok ako ng maisip ko iyon.




Tumunog iyong elevator at nakarating na ako sa pinakatuktok ng palasyo. Usually, nasa gitna o kaya first floor iyong gustong maging kwarto ng isang emperor at empress para mas malapit. Pero ibahin niyo si Ms. Pinaayos na lang at ginawang mas malaki yung dating kwarto niya na dito nga matatagpuan and she likes the view ya know. Hehe

Kinakabahan na ako. Sana hindi mahulog yung food. Sayang naman at an'layo pa ng kusina. Huhu. Umayos ka nga Haru! Ano ba?! Hindi ka naman gigilitan sa leeg ng mahal na emperatris. Waaaah!

Pero, bago ako makarating sa kwarto niya ay may nahagilap akong kwartong bahagyang nakabukas. Medyo madilim sa loob pero may kaunting liwanag namang tumatama. At dahil dakilang tsismosa ako ay nakinig ako malapit sa pinto kung saan may pader na pwedeng pagtaguan.

"Magsasalita ka ba o hindi?"

"Wala kayong mapapala sakin!"

"Aba, nagmamatigas ka pa hah?!"

Waaaah! Nakakatakot naman. Sinipa ni mamang tangkad yung lalaking nakagapos at puno na ng dugo at pasa yung katawan. Hala! Ano na naman bang ginawa ng isang 'to? Siguro namboso kay Ms. Joke lang. Sige lang todasin niyo na kaya? Para naman makanuod ako ng live. Hahaha!

"Bibigyan ka pa namin ng isang pagkakataon. Sagutin mo ang tanong ko. Sino-sino ang may pakana ng pagpapasabog sa base namin sa Pilipinas?!"

"Wala! Hindi ko alam!"

Matigas na reply ni manong. Hay, kung ako sayo, magsasalita na ako. Baka pahintulutan ka pang iligtas ng mahal na emperatris.

 Baka pahintulutan ka pang iligtas ng mahal na emperatris

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
PARIAH (Completed) EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon