Hunted by the Huntresses

127 32 0
                                    

-Chiharu-


Andito kami ngayon sa manor ni Jaz. Tanda niyo pa? Tumawag kasi yung butler ni Jaz sa Japan kung okay lang kami dito.Kinamusta rin ni Jaz kung ano nang nangyayari dun sa imperyo. Maayos pa naman ang pamamalakad ni Butler Jehu. Siya ngayon ang nagpapanggap na emperatris sa Japan. Sige sasabihin ko na guys. Jehu is a demon. Yeah. But not a bad one. Ewan ko ba nandyan na kasi siya nung mga bata pa kami. Laging nakabuntot siya kay Jaz. And he's way too better than me. Thousand year old demon ba naman eh ilang centuries ng nakikipagbakbakan yan. Anyways, never mind him.




Oh, nagtatakaka kayo kung anong nangyari nung Valentine's chorva last week? Well, kyaaaah! Ane kese. Sabi ko nga guys ang landi ko talaga. Heto na. Ang first holding hands at dance ko nawala na! Huhu! Di na virgin kamay ko! Hmp! Joke! Worth it naman kasi si Braden my loves nakasayaw ko! Kinilig naman yung lower esophageal sphincter, ileum at sigmoid colon ko! Jusko day! Feeling ko, kaming dalawa lang nung mga oras na yun. Grabe, mukhang tinamaan na yata ako ni kupido. Oh shoot! Hindi kaya???? Sabihin niyo nga sa'kin???? Nakita niyo ba? Waaaaah! Ang daya kasi ni otor, lagi niya ako isnob. Snobber ka talaga! Pareho kayo ni Jaz! Di na tayo bati! (Otor: -____-")kitams?! Silent mode lagi!




Kaso lang badtrip 'tong si Jaz. Ang ganda-ganda ng music. Feel na feel ko pa naman yung kantang All I Ever Need ni Austin! Crush ko din yun! Ang gwapo no? Kaway-kaway dyan sa mga fans ni Austin! ^O^hoho. Nakita ko siyang sinayaw ni Zach! Gulat nga kaming dalawa ni Braden eh. Napangiti na lang kami. Sabi ko sa inyo eh. Pa Maria Clara pang nalalaman si Jaz, fakifot pa, sows, nasa ilalim din naman yang kulo niya. Jusko! Sana di niya marinig. Oh heto na talaga, ilang moment in time bigla na lang namatay yung mga ilaw. Nagulat kaming lahat. Si Jaz nasa gitna ng stage at naging purple ang kanyang mga mata.




"Party's over. Get the hell out of this hall or I'll turn you to ashes. Get out as fast as you can in ten counts!"



Napansin naming purple din yung mga mata ng mga tao sa loob pwera lang kaming anim. Si Zach, nakalutang sa ere at mukhang tulog. Nahypnotize yata ni Jaz silang lahat at nagmadali ang lahat na makalabas while she's counting.



"Anong problema Jaz? Ba't mo pinatigil yung party? Tsk! Bitin pa nga kami eh."




Maktol ko sa kanya. Hindi siya kumibo at tumalikod na siya sa'min. Palabas na siya ng pintuan, pero bago nun, nagsalita muna siya.



"Bring that fucktard to his room."



Pagkasabi niya nun, umalis na siya ng tuluyan. Tumawa na lang kaming lima at umiling iling. Niyaya na lang kami ni Ashton na magmovie marathon sa dorm nilang mga boys. Nakalutang pa rin naman sa ere si Zach at sumunod na lang sa'min sa likod.



Iyon ang nangyari. Napaka KJ! Sinayaw lang naman siya ni Zach. Anong masama dun?! Kagwapong nilalang naman si Zach? Siraulo nga lang pero mabait naman ah! Tss... at nga pala, lakas makadamoves ni Zach ngayon. At si Jaz? Nah. Snobber of them all. Tsk!

PARIAH (Completed) EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon