Abducted

61 28 0
                                    

-Mizu-


May naramdaman akong presensya sa balkonahe. Andito na naman siya. Hay. Ang kulit talaga ng babaeng ito. Ilang beses ko na ngang sinasabi na mahal na mahal ko si Ashton at hindi ko siya iiwan, ngunit ayaw niya talaga akong tigilan. Bumangon ako sa higaan ko. Marahan akong naglakad papunta sa balcony kung saan nakikita ko yung anino niya.





"Anong ginagawa mo dito? Baka may makakita sa'yo. Umalis ka na parang awa mo na Mimi."





"Bakit? Hindi mo ba namiss ang kakambal mo hah Em?" marahan siyang naglakad papasok sa suite. Naku naman. Hinarangan ko siya pero tinulak niya ko. Huwag sanang magising si Auri please.





"Ano bang ginagawa mo? Gusto mo bang mapahamak hah? Umalis ka na!"





"Oo na. Tch. Akin na lang 'tong damit at cap mo hah. See you little sistah." With matching flying kiss pa. Dumaan siya sa pintuan. Buti naman. Sinilip ko kung tulog pa din si Auri. Thank gods, makapagpahinga na nga.








-Someone-

Hmmm. Mukhang napansin yata ako ng anak ni kamatayan. Let's see. I shall get my revenge on you demigod. Sisiguraduhin kong ako ang makakapatay sayo ng sa gayo'y matuwa naman ang aking guru.





I hurriedly went down the stairs and out of the hotel. Mabilis kong nilabas ang aking mga pakpak at lumipad. Sige, sundan niyo lang akong mga hunghang kayo. Tatapusin ko kayong lahat. Hahahaha








-Chiharu-

Naiinis ako sa pagmumukha ng babaeng itech! Maganda nga haliparot naman! Mas malala pa siya kesa sa mga harpies, gorgons at furies na nakasagupa namin noon! Kumukulo na talaga dugo ko sa kanya! Bakit nagawa niyang lokohin si Ashton?! Sana tinuluyan na lang ni Jaz yung babaeng 'to that time na gumawa kami ng paraan para magkaaminan silang dalawa! Warka ka talagang babae ka! Sarap mong gawing ice candy!





PARIAH (Completed) EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon