Obliterate to Remember

91 29 0
                                    

-FLASHBACK-

"Hindi ito maari. Siya ang sa propesiya. The Primordial Tumultuous Oblivion Being. Goddess of the gods goddesses, creator, destroyer and the void." Bulong ni Hades kay Haru.





Lindol. Sunog. Malakas na hangin na may dalang bagyo. Isang malaking daluyong na galing sa 'di kalayuang dagat ng IA at marami pang iba. Lahat ay nagsitakbuhan upang mailigtas nila ang kanilang mga sarili. Ang iba naman ay nagpapakabayani at nagbabakasaling madadaig nila ang masamang nangyayari ngayon. Sila Auriana at Mizu ay tinutulungan ang mga sugatan at iligtas ang iba pang mga estudyante ng IA. Nasa panig naman ng mga headmasters at staff sila Zach, Braden at Ashton upang tulungan silang makontrol ang mga elemento sa paligid. Malaking pinsala ang natamo ng buong eskwelahan. Halos hindi na ito makilala pa bilang isang pinakamalakas na paaralan.





"Kailangan na nating gumawa ng isang spell upang matigil na ang ginagawa ng primordial being Wadeford!"sigaw ni headmistress Climentene





"Hindi na pwedeng magtagal pa ito Wadeford! Nauubusan na tayo ng oras! Maraming buhay ang maaring maapektuhan lalo na ang anak ni Athena. Kapag nalaman niyang may nangyaring masama sa kanyang anak ay baka sumiklab pa lalo ang digmaan laban sa makapangyarihang nilalang, lalo pa't may hangarin din si Athena sanang iligtas siya at nagbago na ang kanyang pasyang paslangin ang nilalang!"paliwanag ng isang miyembro ng IA





"Kung ganun, wala na din naman akong magagawa pa. Climentene, isagawa na ang spell! Magmadali!"





Nagconcentrate na ang dalawang headmasters at sinimulang ibigkas ang sinaunang orasyon na tanging makakatulong sa kanila. Wala na silang mapipilian pa. Nasa kanilang mga kamay nakasasalalay ang mga buhay na kailangan nilang iligtas.





Humiyaw ng napakalakas si Jaz. Bumagsak mula sa ere ang katawan ni Firus na nawalan ng malay. Mabuti na lamang ay nasagip ito kaagad ni Ashton gamit ang water bubble niya. Natuon ang pansin ni Jaz sa mga headmasters at nanlisik ang mga mata nito. Sa kabutihang palad nama'y dumating kagaad si Hades. Nilagyan niya ng makapangyarihang barrier ang panig ng mga headmasters, staff at nila Zach upang hindi sila maapektuhan ng kapangyarihan ni Jaz.





"Haru?! Anong ginagawa mo dito?! Pumunta ka na kila Auriana at Mizu! Mas ligtas kayo dun sa barrier basement!"





"Huwag kang mag-alala Braden! Kaya ko naman ang sarili ko! Ano pa't tinuruan mo ko?! Natural lang naman para matulungan ko kayo kahit sa anong paraan!"

PARIAH (Completed) EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon