Wind Warden

67 30 0
                                    

-Zeus-

"Wala kang ibang inintindi! Makasarili ka! Iniisip mo lang ang iyong pansariling kaligayahan! Paano na lang ako Zeus?! Gusto kong makita ang aking anak!" Demeter





Ang napakaganda at mahal kong Demeter. Ngunit hindi ko pwedeng payagan siya na bumaba sa lupa. Alam ko na iyon. Kahit ilang beses pa niya sabihin sa akin ay tanggap ko kung ano ako. Isa akong selfish na dyos. Ayoko lang makita siyang masaya sa piling ng isang mortal. Akin ka lang Demeter. Akin ka lang. Naikuyom ko ang aking kamao at malakas na hinampas ko ang marbol na mesa sa harap ko. Nasa hapag kainan kami ng palasyo. Kasalukuyan akong kumakain nang sumugod sa harapan ko ang dyosang si Demeter upang sumbatan ako't pilitin na payagan siyang umalis. Mabilis na nagsialisan ang mga alagad ko. They know how to deal my temper. Hindi nasindak ang mahal ko, bagkus mas lalo pa niya akong ginagalit.





"Hindi mo ko masisindak Zeus. Alam mo at alam ko na oras na tumiwalag ako dito sa kaharian ay magkakaroon ng digmaan. At sisiguraduhin kong matatalo ka! Hahanapin ko ang anak mo o anak ni Poseidon na ayun sa propesiya na siyang tatalo sa inyo!" hindi ko na napigilan ang aking sarili. Nasampal ko siya ng malakas. Lapastangan. Matapos kong ibigay ang lahat sa kanya ay gaganituhin lang niya ko? Minahal ko naman siya ng lubusan! Ibinigay ko ang aking sarili! Ngunit,pinatay niya ang aming anak.





"Ito ba ang gusto mo Demeter?! Wala kang utang na loob! Lahat ng aking kapangyarihan, kayamanan at aking pagka dyos ay ibinigay ko sayo! At ito ba ang kapalit nang lahat ng mga iyon?! Isama mo na rin ang pagkamatay ng ating anak!" pinaghahampas niya ang aking makisig na dibdib. Gusto niya 'kong saktan, ngunit hinawakan ko siya. Binawi niya ang kanyang kamay at lumayo sa akin.





"Bakit Zeus?! Sa tingin mo ba nagustuhan ko ang lahat ng pag aalipusta mo sa aking pagka dyosa?! Ikaw ang kusang lumapit sa akin! Hindi ko ginustong magalit ang asawa mong si Hera kaya lumayo ako! Hindi kita mahal sapagkat alam mo at alam kong isang mortal ang nagmamay-ari sa aking puso! Ngunit ano hah?! Ginahasa mo ko! Wala akong magawa! Inahas mo ang pagka dyosa ko! At hindi ko kasalanan kung bakit namatay ang anak natin dahil si Hera ang may kagagawan noon!"





"Kalapastanganan ang pinagsasabi mo Demeter! Wala ka ng galang sa reyna?!" batid kong narito na ang aking legal na asawa. Narinig niya ang aming pagtatalo at hindi ko gustong makisali siya sa aming sigalot. Alam ko ang ginawa ni Hera, nilagyan niya ng lason ang gatas na pinaiinom sa aking anak kaya namatay ito. Nag bulag bulagan ako sa ginawa niya. Galit at poot ang nararamdaman ko sa tuwing gumagawa siya ng paraan upang patayin ang aking mga naging anak sa ibang mga babae. Wala siyang karapatan upang gawin yun 'pagkat asawa ko lang siya.





PARIAH (Completed) EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon