-Chiharu-
Nangangamatis ako ngayon sa hiya. Kanina pa ako tinutukso ni Auri at Zach about nung nangyari kanina. Sarap nilang bigwasan. Kabwisit. Si Braden pangiti ngiti lang. Kala mo walang nangyari. Ay sows, alam niyo naman mga lalaki, ang galing magtago ng nararamdaman. Feeling ko kinilig din siya. Ayieeeeh! Ako na feeler mga day.
"Heto't kumain muna kayo mga anak. Mabuti at napadalaw kayo dito. Namiss kong makipagkwentuhan sa inyo."
Ah si tita Persephone nga pala. Ang stepmother ni Zach. Bago naging sila ni Hades('di ko feel galangin yung isang yunXD) umibig si Hades sa isang mortal kaya yun si Zach ang naging bunga ng kanilang pagmamahalan. Ang bait niya, as in super. Napaka graceful at elegante niya kumilos. Para siyang si Queen Elizabeth. Bagay na bagay sa kanya ang traditional dress ng Greek. No wonder she's a goddess.
"At sino naman ang dalawang magaganda? Demigods din ba kayo?"
"Ahmmm---"
"Haru is the daughter of Khione. I'm just a daughter of a neriad."
"Really? Khione is a good friend of mine. Sana mameet mo ang iyong ina. She's so beautiful, just like you my dear."
I hope so. Bakit ba kasi kailangang mahiwalay sa mga magulang ang mga katulad namin?! Anong kajegaan ba pumasok sa katawang dyos ng Zeus na yan?! Psh. Yan kasi puro kalibugan! Hindi naman pala kaya nila kaming alagaan! Iiwanan lang kung saan! Hindi ba nila alam ang mararamdaman namin?! Jusko, naiistress na naman tuloy ang aking bangs!
"I'm sorry to invade your thoughts dearie."napa chuckle si tita Perie. For short sa Persephone.
"Dahil may mga rason kung bakit nagawa namin yun. Hindi naman kasi kami perpektong mga magulang. Balang araw maiintindihan niyo rin."
"Tsk. Will you please stop that stupid topic? Gusto niyong maglibot? Tara."
Tumayo kagad si Zach at iniwan kami. Problema nun? Ay alam ko na, hindi kasi siya pinapansin ni Jaz. Style niya kasi minsan bulok. Lol!
"Mabuti pa nga muna. Sandali lang at sasamahan ko rin ang aking asawa sa paghuhukom ng mga libo libong paparating na kaluluwa ngayon. Enjoy your stay here. Glad to finally meet the both of you, especially you ZAJ and Haru." Sabay tingin niya ng makahulugan kay Jaz. Nagbow na lang ako bilang respect sa kanya.
BINABASA MO ANG
PARIAH (Completed) Editing
FantasyWhat if Thetis, a beautiful neriad had a daughter named Zaj instead a son who's famous named was Achilles? What if Zaj finds out that she was the daughter of a god? What if Zeus and Poseidon did not know about the prophecy and they got both had a se...