Chapter 39: I'm Fine...

41 2 2
                                    

Chapter 39: I'm Fine...

Stephen's POV

I'm on my way home,kagagaling ko lang ng Manila,yes,manila..mga ilang oras lang ako dun kasi may mga papers lang akong kinuha sa bahay namin...

bzzzzt.bzzzzt.bzzzzzt.

bigla na lang nag vibrate ang phone ko,agad ko namang tiningnan ito at nakita kong tumatawag si Cedrick...

"hey zzup?" bungad ko sa kanya

(tuks,asan ka ba?) halata mo sa boses nya na parang natataranta

"pauwi pa lang galing Manila,bakit?" tanong ko

(tuks si Bella...)

"bakit?anong nangyari?" nag aalala kong tanong sa kanya

(kasi ano..*Ced,bili ka muna ng pagkain sa labas* ahh sige sige Jenn,tuks maya na lang,text na lang kita kung asan kami...) then he ended the call

naman!! ang labo naman ni Ced,aisssstttt traffic pa letse...

ano kayang nangyari kay Bella..

bigla namang nag vibrate ulit ang cellphone ko..

bzzzt.bzzzt.bzzzt.

agad ko namang kinuha ito at tiningnan...tsk text lang pala...

FROM: Jenna

.Stephen,si Bella,isinugod sa hospital,dito ka na lang dumiretso...****** Hospital.

----

te...teka,bakit kaya?

"kuya wala na bang ibang daan?" tanong ko sa driver ng van na sinasakyan ko,nag commute lang kasi ako..

"naku sir,wala na po ee..." sagot nya naman

aissssstttttt ,napahilamos na lang ako ng kamay ko sa mukha ko

TO:Jenna

bakit ano bang nangyari?inatake na naman ba sya?

-sent-

message sending failed....

f*ck ngayon pa nawalan ng load,kaasar...

Lord,sana naman walang nangyaring masama kay Bella...

Keizer's POV

akala ko kaya kong panindigan yung sinabi ko kanina...tsk ganito ba kapag mahal mo ang isang tao?kahit anong pananakit ang gawin nya sayo hinding hindi mo sya matitiis?..

nandito kami ngayon sa ospital,isinugod namin si Bella kanina...nandito na rin si kuya Rain,pinsan nila..

"kuya tumawag sina tita kanina.."ate Tiffany na kinakausap si kuya Rain

"tsk,ano ba kasing nangyari Tiffany?,malalagot ako nito kay tito at tita ee"kuya Rain,actually kakauwi nya lang galing Makati,graduating na kasi si kuya Rain at inaasikaso nya na yung OJT nya dun...

hindi na nakasagot pa si ate Tiffany ng biglang lumabas yung doctor ni Bella...

"Rain,halika dito..."tawag nung doctor kay kuya Rain

"Dad,kamusta na si Bella?"saad ni kuya Rain,tito pala ni Bella yung doctor nya..

"sa ngayon ok na sya pero baka mas lalo pang lumala ang lagay ng puso nya kung mauulit pa ito..."saad nung doctor...

"what should we do tito?"tanong ni Jenna

"sa ngayon,isa lang ang magagawa natin,yun ay ang ilayo si Bella sa matinding stress,I'll talk to Doctor Marquez about Bella's condition,sa ngayon kasi wala sya dito,he's on his vacation in Paris now..."saad ng Doctor

Meet Up With The Childish GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon