Chapter 41

1.3K 28 5
                                    

Mika's POV:

Nagpaalam sa akin si ara ng 4pm matutulog daw muna siya , sa pagkakaalam ko hnd yun natutulog ng hapon eh tapos ngayon 6pm na tulog pa nako tong si victonara may tinatago sakin ah. Hndi ako mapakali feel ko talaga may plano to eh.

Calling Cams...

Tapos ring lang ng ring ano ba vic!! Naiinis na ako ha... Napupuno na talaga ako. Mga naka limang tawag ako kay cams pero hndi sinasagot

Calling Cienneyy...

same kay cams walang sumasagot... Nasan kaya tong mga to? Bakit walang sumasagot?

Calling Carolers...

Grbe namang busy netong mga 'to sobra na ha... Hay nako nastress talaga ako sa kanila, bahala si victonara.

Carol: Yes ye?

Mika: Nasan ba kayo?

Carol: Umalis kami ni Cams eh natutulog si Vic sa condo tapos si ate kim at cienney nanuod yata sa cinema? Hndi ko lang sure :)

Mika: Kanina pa kasi ako natawag sa inyong lahat, walang sumasagot naiinis na ako carol sobra .

Carol: Sorry ye ha, pero hndi namin siya kasama ni Camille eh :)

Mika: Pasensya na talaga pero kasi nababadtrip na talaga ako kanina pa ako naghihintay sa text ni ara.

Carol: Baka nagaalala ka lang :) Haha Ate ye sayo pa din naman yun si Ate ara eh.

Mika: Hay wala ako sa mood carol. Badtrip talaga ako eh. Thankyou carol ha! Ingat nalang.

Tapos binaba ko na yung tawag. Kelan ka kaya magigising vic? Kelan ka magpaparamdam sa akin? Nagulat ako ng bigla akong tawagin ni Mama.

Mama: Tama na yang pagaalala mo diyan kay ara, magtetext yun :) tara na dito na muna tayo sa kusina tulungan mo akong magluto ng hapunan dun.

Mika: Mama naman kasi eh dalawang oras na. Siyempre po nagaalala ako para sa kanya, bilang girlfriend niya. At may pakiramdam ako na may pupuntahan sila eh.

Mama: Girlfriend mo na ba? Nako mika hndi pa kayo ni ara, pero sobra mo na yata siyang kinukulong sa mga kamay mo. Hala ka sige pag yan napagod kakaintindi sa ugali mo--

Mika: Tama ka mama, ano nga ba ako sa kanya para magalala ng sobra hndi naman niya ako gf pero bt ako ganito kung umasta daig ko pa si tita betchay.

Tapos tuluyan na akong hinila ni Mama sa kusina, nagluto kami ng dinner at gumawa ng fruit salad, nagtataka ako kung bakit parang sobra sobra yung niluto ni mama at may fruit salad pa eh gumagawa lang kami neto kapag may okasyon eh.

Minuminuto kong tinitigan yung phone ko kung nagtext na siya pero para din akong sinasaktan minuminuto kapag wala siyang text sa akin. 8pm na wala pa din siyang paramdam after ko magwalis ng sala nagulat ako ng tumunog yung phone ko.

Sa wakas!! Nagtext na siya... Oo siya nga.

From: Babyy

Baby sorry kakagising ko lang :/ napatawag ka daw kela carol? Sorry kung nagalala ka pa ha. Iloveyou :*

To: Babyy

Wow sorry lang after ko maghintay ng 4 hours ha. Ano ba ara naman! Nagalala na ako sabi mo nap lang, nap pa ba yung 4 hours ha?!

From: Babyy

Napasarap po yung tulog ko baby eh :( Sorry na, kung napagalala man kita. Babawi nalang ako sayo ngayon.

Perfect Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon