Mika's POV
Pag-uwi namin sa dorm ni Cienne sinalubong agad kami ng mga matatakaw kong teammates.
"Hi guys! Miss me?" Pabirong sabi ko sa kanila, pano ba naman kasi nakatingin na sila agad sa pasalubong na dala namin.
"Hello ate ye!" Bati naman sa akin ng isa sa pinaka magagandang player namin, Kim Kianna Dy.
"Hello kianna!" Masayang bati ko naman sa kanya.
"Hi Miks! Ginabi yata kayo?" Ayon, napansin din ako ni Ara.
Ayun nahulog na ako lalo. Pero hindi, ang landi ko sa part na yun, nag hi lang nahulog na agad? Ano miks?
"Aminin mo na kasi para di na nagtataguan ng feelings." Sabi naman ng nagiisang Cienne Cruz, agad naman binasag si Kim ang sinabi ni Cienne.
Thanks Kim! Savior!
"Pasalubong ko Cienne? Daldal ka ng daldal diyan pagkain ko wala pa haha halika na sa kitchen at baka kung ano pa ang masabi mo dyan."
"Si Mika ang may dala ng pasalubong niyo. Ang kapal ng mukha mo talaga! Ikaw na binilhan diyan eh. " sabi naman ni Cienne habang naghihimutok haha
"Mika! Where's my food?" Tanong naman ni Kim sa akin.
"Food? May pinatabi ka na pera? Wala naman hahaha actually may utang ka pa nga last week eh. Para kay Ara lang to." natatawa naman ako habang sinasabi ko kay kim
"Well Kimmy! No Food tonight." Sabi naman ni Ara habang binibigyan si Kim ng isang malupit at mapang-asar na mukha.
"Ah ganyanan pala ha. Parang di tayo magkaka-ibigan dito." Nagtatampong boses ni Kim
"Magdusa ka kim joke hahaha labyu kim." sabi naman ni Ara at akmang yayakapin si kim.
"Alam mo ba Mika na aamin na si Ara?" Mapang-asar na boses ni Kim at ikinagulat naman ito ni Ara
Boom durog. Wala na, finish na. Wala na akong laban kaya tumahimik nalang ako.
"Aamin na din sana si Mika eh? di ba, miks?" Sabi naman ni Cienne na ikinatahimik naman nilang lahat.
"Kanino naman? Sguro mas pogi ako dun. Wala naman sigurong binatbat sakin yun." Sabi naman ni Ara at talagang binida ang sarili niya.
"Wala pa ngang sinasabi si Mika eh. Aminin mo na kasi nagseselos ka." Sabi naman ni Kim at binato ko siya, siraulo 'to ah.
"Kim!" Sabi naman ni Ara sa kanya.
"Mika!!" Sigaw naman ni Cienne
Nanatili akong tulala at tahimik.
"Mikaaaa!" Sabi naman ni Kim
Walang pinagbago. Ganun pa din.
"Uy Mika!" Sabi naman ni Ara kaya nagulat ako at ito ang nagtulak sa akin para sabihin na...
"Ha? Ano ba? Oo si Ara! Gusto ko si Ara." Sabi ko naman kaya nagulat silang lahat.
Nagulat ako sa binitawan ng bibig ko. Mika naman wala ka na namang control. Paano na 'to? Bakas sa mukha nilang lahat na nagulat sila
"Ano? Ano yang sinasabi mo?" Nag-aalalang tanong ni Cienne sa akin.
"Nagulat lang talaga ako, wala yun." sabi ko naman at umalis na ako sa kinatatayuan ko.
"Umamin ka na mamaya ha?" Sabi ni Kim kay Ara
"Ikaw din mika ah? Una na muna kami ni Kim." Sabi naman ni Cienne sa akin
Tumayo na sila at tumungo sa kwarto nila. Waahhh sobrang awkward naman dito.
"Mika" sabi naman ni ara sa akin at sobrang dama ko yung lamig ng boses nya.
Tumingin ako sa kanya at parang natataranta siya. Ano ba?
"May sasabihin ako sayo. Ano kasi, kasi ano nga ba? Pano ba? Hehe medyo importante eh." Sabi naman ni Ara kaya kinabahan ako.
Ang awkward bat ganito? Pwede bang chill lang kami?
"Actually, may sasabihin din ako. Pero di ko alam kung paano at saan ako magsisimula." Napakamot naman ako sa ulo ko na ikinatawa naman ni Ara.
"Go ahead. Mauna ka na." Sabi naman ni Ara at para bang hinihintay niya ang sasabihin ko.
"Mauna ka na, Ara. Binitin mo ako tapos ganito lang? Ako pa pauunahin mo eh kung sabi - -"
Naputol ang mabilis kong dila ng sabihin niya sa akin na..
"Mahal kita, Mika. Matagal na. Matagal na kitang mahal." Napakagat labi naman siya at pinagpapawisan.
● ● ● ● ● ● ● ● ● ●
Follow me on my social media accounts:
Twitter: @Lykabacerraaa
IG: lykabacerraaa
Snap: LykabacerraaaAlso follow 👉 @KaRaBuddies on twitter for more updates 💚