Chapter 44

1.2K 27 6
                                    

Mika's POV:

Isang buwan na din pala matapos nung huli kong surprise kay ara. So it means dalawang buwan na pala niya akong nililigawan. Pupunta ako sa Henry Sy Hall, kasi inimbitahan ako magjudge sa Thesis Defense ng prof ko dati. Kaya medyo formal suot ko, red fitted dress at red na heels na regalo sa akin ni Vic dati tapos gamit ko pa yung coat niya.Lumabas ako ng condo namin ni Vic na dala ko ang coat niya.

Ara: Ingat ka ha. Text mo ako kung magpapasundo ka sa akin :) iloveyou

Mika: Iloveyoutoo Vic, kumain ka na ha baka hapon na ako makauwi eh.

Hinalikan ko siya sa lips at umalis na. Pagdating ko sa HSH (Henry Sy Hall) may stage sa na malaki tapos may mga nagtetest ng lights and sounds tapos may mga nagkakabit ng tarpaulin ang nakalagay "Animo Year End Thanksgiving 2014! Friday Night at Henry Sy Hall Grounds" ah so may AYT mamayang gabi dumiretso na ako sa 9th floor sa may Head Quarters kung saan ginagawa ang mga Thesis defense at nagsimula na ang defense ng mga college students. Mga 5pm na ng matapos ang defense, tumayo na ako sa upuan ko at medyo nag-unat ilang oras din ako nakaupo dun.

Mr. Cruz: Hi Ms. Reyes :) Buti naman at napaunlakan mo ang imbitasyon ko sayo na maging judge dito sa thesis nila.

Mika: Yes sir, it's my pleasure po :) thankyou din po for this opportunity.

Mr. Cruz: Hndi ka pa din nagbabago Mika :) Ikaw pa din yung nakilala ko dati. Kamusta kayo ni Ara?

Mika: We are fine sir, sa isang bahay na po kami nakatira :)

Mr. Cruz: Oh good to know! Regards nalang kay Ara ha? Mukhang nagmamadali ka eh, pero let's eat muna sa Guests Room. :)

Mika: Ah sir kasi ---

Mr. Cruz: Alam ko na gusto mo na umuwi pero kumain ka muna :) Baka mapagalitan ako ni ara niyan eh haha

Wala na akong nagawa kundi sumama haha habang kumakain nagkkwentuhan kami may halong tawanan tapos nakkwento pa nila yung sa amin ni Ara na dati hinahatid ako ni Vic sa classroom ko dati haha natatawa nalang ako kapag kinekwento na talga sa akin yun. Medyo nahihiya nga ako eh kasi 9 na prof yung mga kasama ko na kumakain dito kaya medyo hndi ako malakas kumain ngayn haha

Mga 6:30pm na ng matapos ang kwentuhan nila, wala silang ibang pinagkwentuhan kundi kami ni Vic, Ayos di ba? Chineck ko ang phone ko, tinignan ko kung may nagtext hndi ako nagkamali meron nga puro kay ara yung iba yung iba naman number lang kaya medyo natakot ako.

09213754249
Ara Galang is all yours now

09453651535
Please say yes!

09341257934
Mika! Ang swerte mo kay vic

09482134861
Be strong, mika :)

09462134892
Goodluck!! Luv u both mwa

09497215765
Congrats!!

Ang weird naman ng feeling ko bigla ako kinabahan. Pero parang may happiness sa loob ko. Bumaba na ako sa grounds ng HSH ng maisipan ko na tawagan si Ara at magpasundo sa kanya kasi mamaya may nagaabang na sa akin diyan sa labas nagescalator na ako kasi hndi na nagfufunction yung mga elevator medyo gabi na din kasi kaya sguro ganun.Pagbaba ko tumabi muna ako at tinawagan si ara sinagot naman niya pero wala ako marinig yung nariring ko sa kanya naririnig ko din dito? So it means nandito siya? Lumakad ako sa likuran ng maraming tao, nagtatalunan sila kumbaga parang nagkakasiyahan, may party ganun :) yung iba nababangga na ako pero nagsosorry naman sila hawak ko yung coat ni ara pati yung wallet ko.

Perfect Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon