I pushed him at nakahiwalay naman ako sa mga labi niya. Sa isang iglap lang ay dumapo ang palad ko sa pisngi niya. My hand stings at alam kong nasaktan rin siya sa lakas ng sampal ko. Pakiramdam ko ay nangilid ang luha ko. Naiiyak ako at hindi ko din alam kung bakit.Masyadong cloudy ang utak ko. Hindi ko na alam kung alin ba ang dahilan ng mga luha ko.
Nakita kong nagtiim bagang siya. Dahan dahan siyang lumingon sa akin at sinalubong ko ang malalalim at itim na itim niyang mga mata. Para akong nalunod ngunit nakalangoy ako pabalik. Puno ng galit at emosyon ang aking tingin na ibinalik sa kanya.
"You don't just come to my life and own me. You don't just come to my life and kiss me! Get out of my life! I don't like you! I hate you!" Pagkasabi ko noon ay itinulak ko siya at naglakad palayo. Palabas sa bar na iyon.
Hindi ko alam kung saan ko kinuha ang force ko. Nagkaroon ako bigla ng lakas na itulak siya at makapaglakad sa bar na iyon na parang hindi umiikot ang mundo ko sa kalasingan. Para akong nahulasan sa kanyang halik.
Nararamdaman ko pa rin ang labi niya sa labi ko.
Nakalabas ako sa bar ng hindi natutumba. Gusto ko sanang ma amaze sa sarili ko pero hindi mawala ang pagkakakunot ng noo ko. Nang nakarating ako sa parking lot ay wala na sa likod ng kotse ko ang sasakyan ni Ronna. She really left me huh?
Kinuha ko ang susi ng sasakyan ko at ipinasok iyon sa keyhole.
Nakakademonyo si Kean. Ginagalit niya at ina attract at the same time. Kahit ako, hindi ko masagot kung paano niya nagagawa sa akin iyon. He is just so so appealing.
Umupo ako sa kotse at hinayaan munang bukas ang pinto ng kotse. Natulala ako at nag iisip ng wala. Seriously, nag iisip ako perohindi ko alam kung ano ang iniisip ko.
Umiikot pa rin ang mundo ko habang nagdedecide kung magdadrive pa ba ako o tutulog nlng dito sa loob ng kotse ko.
Pati ba itong kotseng sinasakyan ko ay pag aari din niya?
Napangiwi ako ng maisip yun. Damn it.
Akma kong isasara an g pinto ng may pumigil noon. I looked up and saw the face of a God. Keannu Navarro himself standing in front of me now. His eyes furious and his lips parted a lil na parag hinabol niya ako. His breathing is not even . hinabol niya ako huh?
Tinaas ko ag kilay ko sa kanya. "Ano na naman? Pwede bang lumayo ka sakin kahit ngayon lang?!" Singhal ko sa kanya.
He sighed and grabbed my arm once again. I winced by his tight grip at nadala niya akong palabasin ng oto ko.
"You can't drive. I will get you home." Sabi nito.
Gigil n iwiniksi ko ang aking braso pero hindi ako nakawala sa hawak nya. "Ano! Bawal akong magdrive? Bakit? Iyo ba itong sasakyan ko at pati pagdadrive nito ay bawal na din?!"
"Matter of fact, I do own your car too. Pero lasing ka kaya kita pinagbabawalan. Now come with me." Tuloy nya akong kinakaladkad somewhere.
BINABASA MO ANG
Want You To Want Me (TFHNM)
RomanceI was bought. I don't even know I was already a collateral damage. Being a target and a price for every debt my father owes him.