Part 6-May pakialam ako.
Papunta ako sa Hard Rock Cafe ngayon. Doon ang nakalagay na 'dream date' ng last date ko. Si KEANNU NAVARRO. Aka, KEAN. Aka, KEANBABY!
"Manong bayad po." sabi ko sa driver ng taxi. HIndi ko dinala ang sasakyan ko dahil sa text niya kagabi sa akin na...
"Don't bring your car tomorrow. I will not fetch you but I will ride you home. If you disobey, you'll regret it. Four wheels where-where? You want that?'
At may evil smile pang kasama ang text na iyon. Hindi naman sa natakot ako pero, oo, natakot nga ako. HELL! Sa France ko pa binibili ang wheels ko para matibay talaga at maganda, ayokong maghanap ako ng apat na wheels gaya ng sabi niya. He might wreck it just like he said.
=_=
Kung hindi ko lang siya nagustuhan, hindi sana ako sisipot sa date na ito. Nagustuhan? Natigilan ako bigla sa naisip ng utak ko na iyon.
Hindi iyon ang ibig kong sabihin! Ang ibig kong sabihin eh--argh! Oo, kahit masama, manyak, mayabang ang Kean na iyon ay may naramdaman akong pagkagusto sa kanyan. Hello! The guy is a hunk! Imposibleng hindi posible na magustuhan ko siya. I love his looks, 'kay? Yung mukha niya na halos perpekto na. Yung ugaling manyakabang lang naman ang hate na hate ko eh.
Kasi look, Handsome siya, maganda ang pangangatawan. A total hot package! Pero hindi pa whole package. Heller! Ang ugali, hindi belong sa package niya. Masama ang ugali niya!
"Damn! Binabawi ko na! Hindi ko na gusto! Tsk!" salita ko kahit wala akong kausap. Nakakainis talaga kausapin ang sarili. Psh.
Pumasok na ako sa café at hinanap si Kean sa loob. Nakita ko naman agad siya na nakaupo sa isang sulok habang umiinom ng kape.
Nakasuot siya ng casual clothes. Tumaas ang kilay ko. Iba talaga ang isang ito. Sa benteng lalaki na nakaBlind date ko, lahat sila ay naka-business attire. Halatang halata na business lang ang dahilan kung bakit nila ako gustong pakasalan. But this guy, ang presko ng dating. Parang may something na kumirot sa puso ko nang maisip ko na hindi lang business ang gusto niya sa akin. Tsk. Tsk.
Dumiretso na ako sa kanya. Pinilit kong pigilan ang traydor kong puso na walang tigil sa pagtibok. Tsk. What the heck! Nakakita lang ng gwapong nilalang na may masamang pag-uugali, wagas na kung makatibok ang pusong ito! Traydor talaga!
Napansin niya siguro na papalapit na ako kaya lumingon siya sa akin. Tinanggal niya ang black shades niya at pinasadahan ako ng tingin.
Nakasuot ako ng white sando at red hanging jacket. Naka-balck pants lang din ako na low waist at sandals na may heels na two inches lang naman dahil matangkad na naman ako.
Tiningnan niya ako mula ulo, pababa sa ilong ko, labi, leeg, dibdib, beywang, balakang, hita, binti, paa, at binalik ang tingin sa mga mata ko habang nakataas ang gilid ng labi niya.
Shit! Bakit nang-init ako sa titig niya sa akin?! Diba dapat mamanyakan ako sa kanya? Diba? Diba?! So why?!!!
Tumayo siya at sinalubong na ako sa paglalakad. Bakit parang ang layo layo ng nilakad ko? Well, malaki ang restaurant pero kahit na. Argh!
"Hey." sabi niya at ngumiti. Napaiwas ako ng tingin dahil sa epekto ng ngiti na iyon. Bakit ba ako nagkakaganito? Ah! Baka nahihiya lang ako sa mga awkward moments namin before. Whoo! Yun lang yun.
Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya at nakita ko na mas lumaki ang ngiti niya at ngisi na iyon.
"Er...h-hey." bati ko din. Shit! Napapikit ako dahil sa pagkautal ko. Damn.
BINABASA MO ANG
Want You To Want Me (TFHNM)
RomanceI was bought. I don't even know I was already a collateral damage. Being a target and a price for every debt my father owes him.