Lumabas ako ng cr. Habang pabalik na ako sa cinema, nakasalubong ko si Joseph. He looked worried, siguro ay dahil hindi ako agad nakabalik. Me and my karupukan.
"Nadynn, okay ka lang ba?" tanong nito at hinawakan ako sa braso. He looked at my whole body like malalaman niya kung okay ba ako o hindi by just looking at my wholeness.
"I'm okay, Josh but can we go? I don't feel like watching na e."
"Sure. Let me take you home."
Nagpapasalamat talaga ako dahil may kabaitan itong si Joseph Santiago Jr., hindi katulad ng halimaw na manyakis na masarap na lalaking si Keannu.
Yuck, Nadynn Niell, masarap? Sinama mo pffftt---Fine. Totoo naman e.
Home.
No! Hindi pwede! Sinabi ko kay Ama kanina na si Keannu ang maghahatid sa akin! How can I do that? How will I make that happen? Oh motherfudge!
"Uh, Josh, Josh, wait." Medyo malapit na kami sa parking lot at pinigilan ko muna siya. "Uhh.."
"Bakit? Is there a problem?" taking tanong niya at hinarap ako.
"Uhh.."napakamot ako sa ulo ko. Paano ba to. "May..Ayoko pa kasing umuwi? Oo, hindi pa ako pwedeng umuwi e. May..may kasama kasi ako kaso.. kaso.. nakipagdate pa. Uhh, sabi ko kasi sa Dad ko, kasabay ko yung friend ko na yon pauwi." Natawa ako ng bahagya para umayon sa acting ko.
"Ganon ba. Pwede naman kitang samahan muna habang wala pa yung kaibigan mo."
Hindi rin maganda ang sobrang bait minsan e.
"Hindi! I mean, hindi na. On the way na daw. Dito .. Dito na lang daw kami magkikita sa mall."
Tumango-tango si Joseph, mukhang binibili nito ang binebenta kong kwento ah. "Okay,then. I guess, I must go now huh?" He pecked a kiss on my cheek before turning around.
Pumasok ako muli sa mall at naghanap ng pwedeng tambayan. Nakarating ako sa isang sikat na coffee shop at umupo sa labas kung saan open air. I need a smoke.
Hindi ako nags-smoke. Minsan lang. Lalo na at ka-partner nito ang kape, bet ko manigarilyo. Lalo na at ang dami kong iniisip.
Paano nga pala ako uuwi na si Keannu ang maghahatid sa akin?
If I know, naghihintay pa talaga si Ama sa Bahay para Makita kaming dalawa ni Kean.
I'm at the middle of finishing my coffee while puffing my cigar when..
There he is. Keannu Navarro. Just like magic, just like a wish came true. He is right in front of me.
"Ditched your date? Or your date ditched you?" he mocked as he leans forward.
I sipped my last drop of coffee and puffed my smoke for the last time. Ginawa ko yon lahat nang hindi tinatanggal ang tingin sa mga mata niya na nakakapit din sa mga mata ko.
"Neither." sagot ko. Kailangan ko na ihatid mo ako pauwi. Paano ba sabihin yon?
"Hmm.. Last date nyo na sana ito." Sabi niya at sumandal sa upuan niya habang tinitignan pa rin ako. He looks so high and mighty.
"You sound jealous." akusa ko.
Hindi man lang siya natinag. Poker face. Hindi ba talaga siya apektado o magaling lang talaga siyang magtago ng emosyon?
"You still don't understand, Nadynn Niell. You. are. mine. Akin ka. Claiming what is mine is different from being jealous."
Bawat salita niya ay parang kutsilyong sumasaksak sa dibdib ko. Bakit ako nasasaktan sa pinagsasabi niya? Dahil ba totoo naman? Dahil ba ayoko na para akong bagay na inaangkin ng isang spoiled na bata? O dahil ba may iba na akong nararamdaman sa kanya?
Oh, impossible.
"This set up, am I be able to fall in love at all?" I asked, almost a whisper.
Matagal na katahimikan ang nanaig sa pagitan naming dalawa. Magkatitigan lang kaming dalawa na tila nangangapa ng dapat sabihin o pakinggan.
"I never loved anyone. You can love me, but I can't return that." sagot nito na tila hindi na naman naapektuhan.
"Hindi mo naman ako papakasalan diba? What if ma-inlove ako sa taong in love din sa akin?"
Sa pagkakataong ito Nakita ko ang galit sa mata niya at ang pagkunot ng noo niya. Nagtaas baba din ang adams apple niya.
"Are you planning to cheat on me?" Malalim ang boses ni Kean na parang gusto kong lumubog sa kinauupuan ko. But no, I won't be scared.
"Cheating is between two lovers. You won't be my lover."
Ibubuka pa sana nito ang bibig nito at magsasalita ngunit inunahan ko na agad ito.
"Drive me home. Please. I told Dad that you will be driving me home. Let's pretend we're okay in front of him." Lumunok ako at lumapit ng bahagya sa mesa habang nakatingin sa mata niya. "Pretend you like me in my father's presence and I will do everything you want."
He smirked. He looked so evil with his smirking face. "You better prepare yourself then. I don't plan of taking you easy."
Napasimangot ako sa sinabi niya. Puro sex at kamanyakan na lang ang nai interpret ko sa sinasabi niya.
Tumayo na lang ako at inayos ang gamit ko. "Let's go. Drive me home."
He chuckled na mas lalong nagpakunot ng noo ko. "Now, I'm your driver." he sounds amused as he stood up and lead the way to his car.
Bahala na sa mga pinapasok ko.
BINABASA MO ANG
Want You To Want Me (TFHNM)
RomanceI was bought. I don't even know I was already a collateral damage. Being a target and a price for every debt my father owes him.